CHAPTER 31 AMBER PAGKATAPOS ng meeting ko sa finance team, bumalik ako sa aking opisina. I’m glad that Paolo wasn’t there anymore. Mabuti naman at umalis ito dahil hindi ako magdadalawang isip na ipakaladkad ito sa mga guwardiya. Kumalma lang ang puso kong kanina pa naghuhurumintado dahil nalaman kong stable naman ang income ng buong Taylor Empire, hindi lang stable dahil limpak-limpak pa rin ang perang kinikita namin. And it was all thanked to Tita Emerald who did everything, as well as my parents. Ngayon na ako naman ang nagpapatakbo nito, kinakabahan man na baka ‘di ko maabot ang mga naabot nila ngunit gagawin ko ang lahat nang makakaya ko. Napabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang aking cellphone. I immediately took my phone on my desk and answer the call without even looking wh

