CHAPTER 37 AMBER UMUWI rin ako pagkatapos makipagkita kay Jaromir. Balak pa ako nitong ihatid ngunit sinabi ko ritong may kotse naman ako. Marami kaming napag-usapan, not only our lives five years ago kundi maging ang buhay namin sa loob ng limang taon. He became one of the most popular model, kaya pala kanina'y pinagtitinginan kami. Sinabi ko rin ang naging buhay ko rito dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya. Noon pa man ay mabait na ito sa amin ni Queeny, ganoon din ang kaniyang Ina. Kaya nakakasiguro naman ako mapagkakatiwalaan ko si Jaromir. Pagdating ko sa mansion nina Paolo ay agad akong sinalubong ng anak ko ng isang mahigpit na yakap. Ginulo ko lang ang buhok nito at saka tumingin naman sa Ama nitong tila ba kanina pa nakatayo sa harap mismo ng main door. "Pasensiya na. Ngayon

