CHAPTER FIVE

1884 Words
"ONE, two, three—Andy, stop stepping on my foot!" reklamo ni Xander habang pigil na pigil ang tawa. "Gusto mo talaga kitang tapakan, eh!" sagot ni Andy, pilit pinipigilan ang sarili na sumabog sa inis. Nasa gitna sila ng ballroom rehearsal at mukhang wala pa rin silang progress. Sila na yata ang pinakamatigas ang ulo sa lahat ng dance pairs sa buong Westbridge University. "Try natin ‘to ulit, pero this time, mas damhin mo ‘yung music," suhestiyon ni Xander, habang pilyong ngumiti. "Isipin mong romance ‘to." "PWEDE BA?!" Pero bago pa siya makapalag, bigla siyang hinila ni Xander pabalik sa dance position. Masyadong mabilis ang kilos nito, hindi niya namalayan na napadikit ang katawan niya sa katawan nito. As in dikit na dikit. At ang mukha nila? Mga ilang pulgada na lang ang pagitan! HALA! Nanigas si Andy, hindi makagalaw. Ang lapit-lapit ng mukha ni Xander. Kitang-kita niya ang mapupungay, na pilikmata nito, at yung labi. Sobrang kissable lips. Bakit parang ang lapit-lapit ng labi niya?! Mabagal na lumipas ang isang segundo Isa. Dalawa. Tatlo. Napalunok si Andy. "Andy…" bulong ni Xander, mababa ang boses at parang may balak na gustong gawin. "A-ano?" "May sinasabi ka kanina? ‘Gusto mo talaga akong tapakan’?" "H-Ha?" Biglang napangisi si Xander, tapos… sinadya nitong lumapit pa ng bahagya. As in mas lumapit pa lalo! Halos mahimatay si Andy sa sobrang kaba. Pero bago pa siya tuluyang malusaw sa awkwardness. “ANDY, XANDER, FOCUS!” Sabay nilang nilingon si Coach Trina, na mukhang nawalan na ng pag-asa sa kanila. Nagkatinginan sila. At doon lang napagtanto ni Andy. NASA YAPOS PA RIN SIYA NI XANDER. Nakaangkla pa rin ang kamay niya sa batok nito. At oo, dikit pa rin ang katawan nila! Mabilis niyang tinulak si Xander, parang may nakuryente. "IKAW! WAG MO AKONG GINAGANYAN!" Bumaling lang si Xander at sinapo ang dibdib, kunwari'y nasaktan. "Grabe ka, babe. Unang beses pa lang tayong magka-emotional moment, inaayawan mo na agad?" "WALA AKONG PAKI! AT HUWAG MO AKONG TAWAGING BABE!" "Fine, fine." Xander smirked, pero bakas sa mukha nito ang panunukso. "Pero aminado kang muntik mo na akong halikan, ‘di ba?" "XANDER VILLACRUZ, HUMANDA KA TALAGA!" At sa buong ballroom, tanging tawa lang ng lalaking iyon ang rinig na rinig. "EXCUSE me, anong date rehearsal ‘tong pinagsasabi niyo?!" Halos manlaki ang mata ni Andy nang marinig ang bagong anunsyo mula kay Coach Trina. Akala niya ballroom training lang ‘to! Hindi niya in-expect na may public chemistry assessment pa palang kasama. At ang pinakamasaklap? Si Xander ang partner niya. ULIT. "Relax ka lang, babe." piilyong ngumiti si Xander habang nakatukod ang siko sa mesa. "First official date natin ‘to, dapat special." "Ano ka, sira?!" At ikaw ang date ko? Pwes, parang Friday the 13th ‘tong araw na ‘to, bulong ni Andy, pilit hinahabaan ang pasensya. Pero hindi siya pinansin ni Xander. Inabot nito ang menu sa waiter at walang kahirap-hirap na nag-order. "Dalawang strawberry milkshake, please. One for me, one for my babe here." "H-HOY! Kailan ako pumayag?!" Hindi man lang siya tinanong ni Xander! At Babe agad?!!! Jusko, baka atakihin na ako sa puso nito! "Andy, kasali sa evaluation ang ‘pagiging natural sa date.’ Huwag kang masyadong defensive," sabat ni Coach Trina habang nakatitig sa kanila. Napanganga si Andy. "Wala ‘tong natural sa amin, Coach! Isa siyang—" "Tsk, tsk." Umiling si Xander, kunwari'y disappointed. "Coach, ang hirap talaga ng unrequited love, ano?" "UNRE—ANO?!" Biglang nagtilian ang ibang estudyante sa kabilang table. Halatang kinikilig sa ginagawa ni Xander. Gusto niya silang batuhin ng menu. Bago pa siya makareact, dumating ang milkshake nila. "Ayan, babe. Para sa’yo." Tinulak ni Xander ang isang baso sa harapan niya. Gusto niyang tanggihan. GUSTO TALAGA NIYANG TUMANGGI. Pero pucha, ang init ng panahon. At favorite flavor niya ‘to. At ang daming nakatingin sa kanila! Kaya fine. Ininom niya. Akala niya tapos na ang kahibangan. Pero nope. Pagtingin niya kay Xander—NAKATITIG ITO SA KANYA. Parang ‘yung slow motion sa K-drama level na titig! Bigla tuloy siyang nailang. "A-Ano?!" asik niya. Pilit tinatago ang kabang umahon sa dibdib niya. Hindi sumagot si Xander. Sa halip, sumandal ito sa upuan, hawak ang sariling baso, at ngumisi. "Wala lang. Cute ka pala ‘pag umiinom ng milkshake." "XANDER!" Halos mabilaukan siya sa sariling inumin. At sa buong café, wala nang mas rinig pa… kundi ang halakhak ni Xander at ang nararamdaman niyang inis. Para bang sinasadya talaga nitong asarin siya. Napabuntong-hininga na lang si Andy. "Si Xander ang plus one ko sa gala night?!" Halos mapa-atras si Andy nang i-announce ni Coach Trina ang final partners para sa Campus Gala Night. Akala niya tapos na ang sumpa! Hindi pa pala. Napatingin siya sa lalaking mayabang na nakangisi sa tabi niya. Mukhang natutuwa pa sa panggigipit sa kanya! "Surprise, babe," bulong ni Xander. "Mukhang hindi ka na makakatakas sa’kin." "ANI-" Hindi pwedeng magmura. "HAYOP!" Tumawa lang si Xander. "Ang sweet mo talaga, Andy. Ganyan mo ba talaga ako gustong makasama?" Napasinghap si Andy. "Anong makasama?! HINDI AKO MASAYA, GAGO!" Ngunit bago pa siya makapagsumbong, dumating si Coach Trina at nag-abot ng dress sketch. "This is your custom gown, Andy," paliwanag ni Coach. "And siyempre, kailangan nyong mag-coordinate ni Xander para sa outfit niyo. Para mukhang real couple!" "ANO?! COUPLE?! Halos lumuwa ang mata ni Andy habang si Xander naman ay kunwari pang hinahaplos ang dibdib, kunwaring na-touch. "Wow, Coach. Kayo na mismo nagsabi. Real couple daw, Andy. Ang sarap pakinggan!" "GUSTO KITA SAKSAKIN NG HEELS KO." Tumawa lang si Xander. "Chill lang, babe. Mukha naman tayong bagay ‘di ba?" "HINDI!" "Sayang, nagpa-reserve na kasi ako ng hotel suite para sa after-party natin..." "HUWAG MONG TAPUSIN ‘YAN KUNG AYAW MONG MATULUYAN!" Tumili si Andy habang pinipigilan ang sarili na ibato ang sketch ng gown sa mukha ni Xander. Samantalang si Xander? Pinagtatawanan lang siya. At habang tumatagal, mas lalong lumilinaw kay Andy ang katotohanan. HINDI NA NIYA MAIIWASAN ANG DEMONYONG ‘TO. "HINDI mo ‘ko pwedeng iwasan buong gabi, sweetheart." bulong ni Xander sa likod niya, dahilan para muntik nang matapilok si Andy. Putek, sa dami ng tao sa gala, paano siya natagpuan agad ng lalaking ‘to?! Kasalukuyang abala siya sa pakikipag-usap sa mga kaklase nang biglang sumulpot ang pambansang bwisit ng buhay niya. Lumingon siya ng dahan-dahan, nagpipigil ng inis "At bakit naman kita iiwasan, ha?" "Dahil may gusto ka sa’kin?" "HOY! WALANG GANUN!" Tumili si Andy, dahilan para magtinginan ang ibang students. May ilang kinikilig, may iba namang naiinggit. "Aminin mo na kasi, Ice Queen," tukso ni Xander habang hinihigpitan ang tie nito.. "Bagay naman tayo, eh. Para tayong perfect match." "PERFECT MATCH SA KAPAHAMAKAN!" Nagpatuloy si Andy sa paglalakad, pero sinabayan siya ni Xander na parang walang kapaguran. Parang may sariling mission ang lalaki: Ang asarin siya buong gabi. "Andy, naisip ko lang... since ‘power couple’ tayo ngayong gabi, gusto mo bang—" "HINDI." "Wow, di pa nga ako tapos magsalita." "Ano bang plano mong kalokohan, Xander?" Nagdududang tumigil si Andy at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Magsasayaw? Magde-declare ng crush sa’kin sa stage? O baka may ibang nakakahiya ka nanamang pakulo?" Umiling si Xander, kunwaring disappointed. "Gusto lang naman kitang yayain—" "AYAW KO." "Na mag-dance practice mamaya after ng event." "AYAW KO PA RIN." "Eh paano kung sabihin kong—" "Xander, makinig ka: AYAW. KO." Nakangising lumapit si Xander, nagbaba ng boses na parang may itinatagong sikreto. "Pero paano kung sabihin kong... may surprise ako para sa’yo?" Natigilan si Andy. Naramdaman niyang may something sa tono nito. "Anong surprise..?" Lalong lumapad ang ngiti ni Xander. "Secret." "XANDER!!!" At sa buong gala, isang bagay ang sigurado: Hindi na makakaligtas si Andy kay Xander. "Ano ba kasing surprise ‘yan, ha?!" Halos magliyab ang mga mata ni Andy habang hinahatak siya ni Xander papunta sa isang private balcony ng venue. Bakit ba siya nagpapadala sa lalaking ‘to?! "Relax ka lang, babe," bulong ni Xander, nakangisi. "Trust me, magugustuhan mo ‘to." "Xander, kung prank ‘to—" "Ssshh." Itinapat ni Xander ang isang daliri sa labi niya. "Mas maganda kung tahimik ka lang muna." TUMIGIL ANG MUNDO NI ANDY. Bakit ang kalambot ang daliri ng lalaking ‘to?! Mabilis niyang iwinaksi ang kamay ni Xander. "Huwag mo nga ‘kong hinahawakan!" "Sorry naman, ang arte mo." Tumawa ito pero hindi na lumayo. Sa halip, iniabot sa kanya ang isang maliit na kahon. "Ano ‘to?" "Sabi mo kasi, walang matinong manliligaw sa’yo." Nagkibit-balikat si Xander. "So naisip kong… ako na lang." "ANO?!" "Relax, hindii pa kita liligawan," mabilis nitong dagdag. "Masyado pang maaga." "MAAGA?!" "Oo naman," seryosong sagot ni Xander, pero nagniningning ang mga mata. "Gusto ko kasing siguruhing sa’kin ka lang tatakbo kapag nagka-boyfriend ka na." "PWEDE BA?!" Imbis na sumagot, binuksan ni Xander ang kahon. Isang bracelet. Simpleng silver na may maliit na nakaukit: "Ice Queen." "Xander…" Napakurap si Andy. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ibabato ‘to sa ilog. "Kahit magtago ka sa buong campus," bulong ni Xander, tumutok ang mga mata sa kanya. "Hindi mo pa rin ako maiiwasan Andy." Hinawakan nito ang kamay niya at ipinasuot ang bracelet. "Ako pa rin ang huli mong makikita..." PUTEK. MALAS NGA NIYA. "Xander, anong kalokohan ‘to?!" Halos umusok ang ulo ni Andy habang nakatitig sa bracelet na ngayon ay suot na niya. "Kalokohan? Ang harsh mo naman," kunwaring nasaktan si Xander, pero mas lalo lang lumapad ang ngisi. "Regalo ko ‘yan, Ice Queen. Para hindi mo ako makalimutan kahit gusto mo akong iwasan." "Xander, sa dami ng bagay sa mundo, bakit ka naman magiging una sa listahan ng gusto kong tandaan?!' "Eh bakit suot mo pa rin?" Napalunok si Andy. Nagmadali siyang hinubad ang bracelet, pero bago pa niya magawa, mabilis na hinawakan ni Xander ang kamay niya. "Woah, woah. Easy lang," anito, hinihigpitan ang hawak. "Huwag mong ipapahiya ang effort ko, babe." "HUWAG MO AKONG TAWAGING BABE!" Pero imbes na sumunod, mas lalo lang lumapit si Xander. Nakangisi. May tinatagong kalokohan sa mga mata. "Kakainis ka, alam mo ‘yon?" mariing sabi Andy, pilit na binabawi ang kamay niya. "Napaka… nakakairita mo!" "Gano’n? Eh bakit parang… namumula ka?" "NAMUMULA KA DIYAN!" Sa gigil, naitulak ni Andy si Xander—pero maling-mali ang diskarte niya dahil imbis na lumayo ito, lalo lang siyang hinatak ng lalaki. At bago pa niya ma-realize ang sitwasyon… Naglanding ang mukha niya sa dibdib ni Xander. Animals?! bulong ni Andy, nanlaki ang mga mata. ANONG NANGYARI?! "Ice Queen, kung gusto mong yumakap, sabihin mo lang," tukso ni Xander, sinadya pang hagurin ang likod niya. "XANDER!!!" Mabilis niyang tinulak ito palayo, pero huli na. Narinig na ng buong paligid ang sigaw niya. Ngayon, lahat ng tao sa venue ay nakatingin na sa kanila. May mga nakangiti. May mga kinikilig. May iba namang nagpipigil ng tili. "Oh my god, bagay sila!" "Andy and Xander, Campus Power Couple!" "Hindi na sila love-hate, love na lang!" Napatakip ng mukha si Andy habang si Xander naman ay relax lang na kumakaway sa mga tao, parang celebrity. Tiningnan niya ito ng masama. "Xander, dahil sa’yo, lalong hindi ako makakaligtas dito." "Exactly, Babe. Kaya maghanda ka na hindi mo na ‘ko matatakasan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD