"WHAT?! Siya ang partner ko?!
Halos mapatalon si Andy Ramirez sa gulat habang sumabog ang ingay sa buong Westbridge University.Para bang tinamaan siya ng isang unexpected plot twist sa isang teleserye. At ang center of attraction? Walang iba kundi silang dalawa ni Xander. Para silang nanonood ng live shooting ng isang pelikula, may mga naghihiyawan, may mga nagko-collect ng video, at may mga audience na parang ready na magbenta ng popcorn sa sinehan.
Si Xander Villacruz?! Seryoso?!
Napalingon si Andy sa lalaking naka-roll-up sleeves, as in, suit and tie na parang bida sa isang music video. Nakahilig sa pader, may pa-sandal, may pa-kindat, at, syempre, may ngisi na parang nanalo sa jackpot.
Halatang-halata na gustong-gusto nito ang nangyayari.
Lord, bakit siya pa?!
"Surprise, Ice Queen," nakangiting bungad ni Xander nang makalapit sa dalaga, sinadya pang ilapit ang mukha kay Andy. “Mukhang tayo ang magiging power couple ngayong taon.”
“Power couple?! Anong power couple?!”
Sumabog na ang inis ni Andy, napakapit siya sa mesa. Clenched her fists, inis na inis na parang hindi makapaniwala sa twisted fate ng kanyang buhay. "In your dreams, Playboy."
"Uy, bakit galit?" tanong ni Xander, nakangisi pa. "Eh sabi mo dati, over your dead body pa bago tayo maging partners." Umiling pa ito, tuwang tuwa. "Aba, buhay ka pa naman."
"Gusto mo ba talagang subukan?"
Nagbabadya na ng bagyo sa mga mata ni Andy. Kung puwede lang niyang ipadala ang thunder kay Xander, sana ginawa na niya.
Pero kahit anong reklamo ni Andy, kahit ayaw niya,, wala na siyang magagawa.. Desisyon na ng faculty, ang magkasama sila sa isang power partnership.
Campus Gala King and Queen, sila nga ‘yon.
Para Kay Andy Ramirez "Men Are Trash" sa Isang katulad ni Xander Villacruz na isang "Walking Red Flag"
Perfect combination para magkaroon ng isang apocalypse.
Nilibot ni Andy ang tingin sa paligid. Napapaligiran sila ng mga estudyanteng parang audience sa reality show. May ilang babaeng mukhang gusto nang magwala sa selos.
“Hoy, Andy, chill ka lang. Ngumiti ka naman d'yan,” tukso ni Xander, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. "Sayang naman ang beauty mo."
“Beauty?!” Sumingkit ang mata ni Andy, sabay slow burn mode. "Huwag na huwag mo akong tatawaging ‘maganda’ dahil wala kang alam sa tunay na kagandahan!"
Si Xander, simpleng chuckle, nagtaas ng kamay na parang walang kasalanan. “Grabe ka naman, babe. Compliment na nga, may shade pa?”
“HUWAG MO AKONG TAWAGING BABE!”
Kung puwede lang niya isampal ang lahat ng kilig, baka magdilim na ang paligid nila.
Pero imbes na umatras, mas lumapad pa ang ngisi ni Xander. "Noted, babe."
"HAYOP KA TALAGA, VILLACRUZ!"
Si Andy, napa-throwback sa high school crush mode na hindi alam kung paano tatahakin ang giyerang ito.
Si Xander? Chill na chill pa rin, parang ang pinag-uusapan nila ay kung anong flavor ng ice cream ang bibilhin. Parang wala lang. Ang mga kaklase nila? Spellbound sa kilig, at may mga fanfiction drafts nang umiikot sa loob ng classroom.
Xandy: The Love-Hate Saga Continues…
At ang iba, may meme na agad.
Si Xander, sadyang may fans. Si Andy? Walang choice kundi magtago ng mukha.
Ngunit sa kabila ng ingay at hiyawan, isa lang ang sigurado kay Andy. May giyera na magsisimula... at si Xander Villacruz? ito mismo ang magiging talunan.
Matapos ang walang habas na asaran, nagdesisyon si Andy na ignore na lang si Xander. Basta! Wala siyang pakialam kung partner niya ito, hindi siya magpapadala sa pang-aasar ng isang certified playboy!
Pero syempre, kung si Andy ay dedma mode. Si Xander naman? Certified epal mode.
Kasalukuyang nasa rehearsal na sila para sa grand entrance ng Campus Gala King and Queen. Ang instructions?Simple lang.Dahan-dahang maglalakad sa stage, tatayo sa gitna, at magpapalitan ng isang eleganteng tingin. Super Easy.
Pero syempre, hindi kay Andy.
"Ano 'to, staring contest?" inis na sambit ni Andy habang nakatayo sa gitna ng stage, kaharap si Xander.
Xander smirked. "Hindi ko kasalanang ang ganda ng mata mo, Andy. Parang gusto ko na ngang manalo rito, eh."
Napaatras siya. "Excuse me?!"
Sinundan siya ni Xander, tila isang predator na nakahanap ng paborito nitong laruan.
“Sabi nila, eye contact builds attraction. Baka naman kaya mo ‘kong i-hold ng five seconds lang?”
"Ha! Ang kapal ng mukha mo," irap niya. "Kung ako sayo, lumayo ka bago kita—"
Biglang bumukas ang isang confetti cannon sa gilid ng stage, sapat para magulat si Andy at mapatid sa gown niyang suot!
"Hala, Andy!"
Before she could even react, bigla siyang hinila ni Xander sa bisig nito, parang eksena sa pelikula. Their faces were just inches apart.
Muntik nang mapahiyaw si Andy sa inis, pero mas nauna siyang matulala sa amoy ng expensive cologne ng lalaking ito.
"Relax ka lang, babe," mahinang bulong ni Xander, may halong pang-aasar sa boses. "Kung gusto mo akong yakapin, sabihin mo lang."
Andy pushed him away real quick. "Yuck! Kung hindi lang kita kailangan bilang partner dito, matagal na kitang na-knockout!"
Xander chuckled, obviously amused. "So ibig sabihin… kailangan mo rin ako?"
Habang nagtatawanan ang mga kaklase nila sa likod, si Andy naman ay nag-iisip na ng planong ipaalala sa lalaking ito kung bakit siya tinawag na Ice Queen.
Dahil sa gabing iyon, isang bagay lang ang sigurado niya:
Hindi pa tapos ang laban nilang dalawa
Isang oras na lang bago magsimula ang Campus Gala, at si Andy? Mas lalong naiinis.
Bakit?
Hindi niya gusto ang gown na pinasuot sa kanya. Masyadong flowy, masyadong feminine, at masyadong bagay sa panlasa ni Xander.
Wala siyang choice kundi maging partner si Xander sa lahat ng major activities.
Yes, lahat.
At ang pinakamasaklap? Hindi niya maiwasan ang lalaking ito kahit anong gawin niyang pag iwas.
"Andy, smile ka naman d’yan."
Napatingin siya sa likod, si Xander, in his full tuxedo glory, nakasandal sa pader habang nakangiti sa kanya na parang isang walking red flag na hindi mo alam kung dapat iwasan o i-entertain.
Hinawi niya ang pinto ng dressing room at agad na tinalikuran ito.
Napasinghap si Andy. "AYOKO NGA!"
Pero bago pa makapalag si Andy, napansin nitong palapit na sa kanila ang emcee, kasama ang photographer.
OH NO!
Wala siyang balak na makuhanan ng ‘candid sweet moment’ kasama si Xander! Hindi sa gala na ‘to! Hindi sa harap ng buong campus!
Walang pag-aalinlangan, mabilis na sinubukan ni Andy ang ultimate escape plan niya.
Una: Huminahon para hindi mahalata ang plano.
Pangalawa: Mag-focus sa pagkalas sa pagkakahawak ni Xander.
Pangatlo: Umiskapo habang wala pang nakakakuha ng matinong picture!
Dahan-dahan niyang inangat ang isang paa, pero bago pa siya makagalaw, biglang hinila ni Xander ang kamay niya at pinaikot siya pabalik sa bisig nito
.
At sa eksaktong segundo na iyon,
PARANG FLASH!
NAKUHANAN SILA NG LITRATO.
At hindi lang basta litrato.
SLOW DANCE POSE. CHEMISTRY
OVERLOAD. PERFECT ANG ANGLE.
Halos matuyuan ng dugo si Andy sa katawan.
Ang buong crowd? Sumabog sa kilig.
"AYIEEEE!!!"
"PAKASALAN MO NA, ANDY!!!"
"TAMANG-TAMA ANG THEME NG CAMPUS GALA! ROYAL LOVE STORY!!!"
Sa likod ng ingay ng buong campus, pinanlakihan lang ni Andy ng mata si Xander.
"Nakakagigil ka," naiiritang kastogo ni Andy sa pagitan ng nakakuyom na ngipin.
Pero imbes na matakot, marahang yumuko si Xander at bumulong sa tengga niya."Ang ganda mo kasi ‘pag naiinis ka sa akin."
Parang may sumabog sa utak ni Andy. Literal na nanikip ang dibdib niya, hindi alam ng dalaga kung sa sobrang inis o sa.ibang bagay na hindi niiya kayang pangalanan.
Bago pa maproseso sa isip ni Andy ang lahat, lumapit na ang emcee, dala ang mikropono.
"So, Xander and Andy," ngumiti ito ng puno ng excitement. "Ngayon na kayo ang Campus Gala King and Queen, ano ang masasabi niyo sa isa’t isa?"
Nagkatinginan sila ni Xander.
At sa isip ni Andy, isa lang ang naglalaro sa isip niya.
PUWEDE BANG MAG-QUIT?!
Sa gitna ng nakabibinging hiyawan ng mga estudyante, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Andy. Kung may superpower lang siyang maglaho sa ere, siguradong ginamit na niya iyon ngayon.
Pero wala siyang choice. Hawak na ni Xander ang mikropono.
“Well… anong masasabi ko?”
Nagkunwaring nag-iisip ang binata, sabay sulyap kay Andy na parang may binabalak na hindi magugustuhan ng dalaga.
“Si Andy? She’s the best partner I could ever ask for.”
“HUH?!” Napatikhim si Andy, napatingin dito na parang gusto niya itong silaban ng mata.
“Para sa akin, si Andy ay…” Pinatagal ni Xander ang saglit na katahimikan, tila nagpapabitin sa buong audience. “A sweetest nightmare.”
NAGULANTANG ANG CAMPUS.
“WHOA!!! SWEETEST NIGHTMARE? ANG LAKAS MAKA-w*****d!!!”
“Ayieee! Kinikilig ako, besh!”
“Waaah, sila na talaga! Sila na!”
Lalong lumakas ang kilig ng mga tao, pero si Andy? Kung makakapatay lang ang tingin, kanina pa tapos ang buhay ni Xander.
“KUNG AYAW MONG MAGKAROON NG TUNAY NA NIGHTMARE MAMAYANG GABI, TIGILAN MO ‘KO.” Dinuro ni Andy ang binata habang pilit ang pekeng ngiti.
“Wow, Andy,” ani Xander habang unti-unting lumapit, unti unting gumuhit ang malawak na ngiti sa labi nito. “Did you just admit na iniisip mo ‘ko bago matulog?”
Parang may sumabog sa utak ni Andy.
Demonyo talaga ang lalaking ‘to!
Nilingon niya ang emcee, baka sakaling makaligtas. Pero mukhang wala itong balak iligtas ang dalaga sa kahihiyan.
"Andy, paano mo naman ide-describe si Xander bilang partner mo?”
Halos mabulunan si Andy sa tanong.
Ano bang itatawag niya sa isang napaka-kulit, mayabang, at nakakainis na tao na biglang naging ka-partner niya?
Napalunok si Andy, bago tumingin kay Xander, saka malalim na huminga.
"Ano nga ba?” kunwari’y nag-isip si Andy, sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Xander.
Dalawang option lang ang puwedeng pagpilian. Ang sabihing totoo o ang bumawi.
Matamis na ngumiti si Andy. "Si Xander? He’s like a mosquito.”
Napasinghap ang crowd.
"OH MY GOSH, MOSQUITO?!"
Naningkit ang mga mata ni Xander. “Ano raw?”
Ngumiti si Andy ng mas matamis, pero puno ng pang-aasar. “Oo. Nakakairita, pero kahit anong gawin mo, hindi mo siya matanggal-tanggal.”
Bumagsak ang panga ni Xander. “WHAT?!"
Sumabog sa hiyawan ang buong audience.
“ANG WITTY! HAHAHAHA!”
"GO, ANDY! WALANG KAKURAP-KURAP!"
Ngunit bago pa siya makabawi, lumapit si Xander, bumaba ng kaunti para mapantayan ang mukha niya, saka marahang bumulong "Babe, hindi kita bibigyan ng insect repellent."
At sa sobrang lapit nila, sa unang pagkakataon, si Andy mismo ang na-stuck.
Napalunok siya.
Hinga Andy! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Kalma!
Mukhang siya ang talo sa asarang ‘to.
Matapos ang nakakayanig na harapan, sumuko si Andy—hindi dahil kinilig siya. Kunwari na lang siyang walang narinig at tinapakan nang madiin ang paa ni Xander bago humakbang palayo.
“Ouch! Damn, Andy!” daing ng binata habang kinikiskis ang nasaktang paa. “’Di mo ba alam na dapat gentle ka sa future partner mo?”
Napairap si Andy. “Future partner, asa ka pa "
Pero hindi pa siya nakakalayo nang biglang bumalandra sa harap niya ang event coordinator.
“Okay, since kayo na ang napiling Campus Gala King and Queen, may isa pang importanteng task para sa inyo!"
Sabay na napalingon sina Andy at Xander. “Ha?”
Nagningning ang mata ng organizer.
“Kailangan n’yong mag-practice para sa grand dance performance sa coronation night!”
Parang may bumagsak na bakal sa ulo ni Andy. Gusto na niyang himatayin.
"DANCE?!"
Kasama si Xander?
As in, magkadikit?!
“Wait, wait—hindi p’wedeng pilitin ‘yan, di ba?” agad niyang tinutulan. “Pwede namang hindi kami sumayaw, basta gaganap pa rin kaming King and Queen, tama?”
Ngumiti ang coordinator. “Nope! Required ‘to. It’s part of the tradition.”
Tradisyon mong mukha mo!
.
Bago pa siya makaisip ng paraan para makatakas, isang nakakainis na tinig ang narinig niya sa tabi niya.
“Well, mukhang wala tayong choice, Babe,” Pinipigilan ni Xander na sumilay ang sinusupil na ngiti sa mga labi. “Gagawa tayo ng history as the most unforgettable gala couple.”
Nagpanting ang tenga ni Andy.
“Ano ka, swerte?! Hindi ako sasayaw kasama mo, kahit bayaran mo pa ‘ko!”
“Bayaran?” Biglang napaisip si Xander, saka marahang tumango. “Hmmm… interesting.”
At sa isang iglap, lumapit si Xander nang bahagya, bumaba ang boses na parang may sikretong napagdesisyunan.
“Fine, Andy. Let’s make a deal.”
Nagsalubong ang kilay ni Andy. “Anong deal?”
Ngumisi si Xander, ngumiti nang sobrang confident na parang ito ang nagtatakda ng batas sa mundo.
“Makipag-cooperate ka sa akin sa rehearsals at ibibigay ko sa’yo ang pinaka-importanteng bagay sa buhay mo.”
Napatigil si Andy. "Ano namang mahalagang bagay ang meron ka na gusto ko?”
Lalong lumalim ang ngisi ni Xander.
"Ang PEACE OF MIND mo.”
Natulala si Andy. “ANO?!”
Tumawa si Xander. “Simple lang, Babe. Kapag tinapos mo ang practice natin nang maayos, nangangako akong hindi na kita aasarin, hindi na kita tatawaging babe, at hindi na kita guguluhin pagkatapos ng event na ‘to.”
NAGKAROON NG MALAKING TUNOG NG GONG SA UTAK NI ANDY.
This is it.
Ito na ang chance niyang tuldukan ang kabaliwang to!
Aaminin niya, simula nang maging partner niya si Xander, ang tahimik niyang buhay ay naging mala-telenovela. Araw-araw siyang nauubusan ng pasensya, at feeling niya, masyado na siyang na stress out.
At ngayon… may chance siyang mabawi ang kapayapaan niya.
Nagkatitigan sila ni Xander.
"Deal or no deal?"
Huminga nang malalim si Andy, saka itinutok kay Xander ang matalim niyang tingin.
“Fine. Pero tandaan mo, Xander Villacruz pagkatapos nito, gusto ko lang ng isang bagay.”
“Hmm? Ano ‘yun?”
“Ang MAWALA KA SA BUHAY KO.”
Napangiti lang si Xander, saka lumapit, nakapamulsa pa. “Babe, ‘yan ang pinakamahirap na gusto mong hilingin sa akin na hindi ko kayang gawin."