"BAKIT parang ang tahimik mo, Andy?" tukso ni Xander habang naglalakad sila palabas ng classroom. "Di mo ba ma-process na magiging malapit tayo sa isa’t isa? Gusto mo ng yakap?"
"Gusto kong manapak," sagot ni Andy, dire-diretso lang sa paglalakad. "At ikaw ang magiging unang biktima."
"Wow, grabe ka naman. May bago tayong project tapos violence agad?" kunwari'y nagtatampo si Xander. "Mas okay ‘ata kung ipakita natin kay Ma’am Estrella na smooth sailing ang partnership natin."
"Smooth sailing ang mukha mo," irap ni Andy. "Ikaw pa lang, dagok na agad sa buhay ko."
Tumawa si Xander. "Ganun? Eh paano kung ako ang secret weapon mo para makakuha ng mataas na grade?"
Huminto si Andy at tinitigan siya ng masama. "Ikaw? Secret weapon? Xander, ang pinakamataas mong nakuha kay Ma’am Estrella ay 76. Anong part diyan ang nakaka-inspire?"
"Uy, uy, unfair ‘yan! May improvement na ‘ko, okay?" palusot nito. "At isa pa, baka ‘di mo lang alam, pero magaling ako sa business strategies."
"Kung business strategies sa panloloko, oo," sarkastikong sagot ni Andy.
"Ouch! Ang sakit mo talaga magsalita, Andy. Pero okay lang. Challenge ‘to para sa akin."
Maya-maya, nag-vibrate ang phone ni Andy. Pagtingin niya, may text galing sa group chat nila sa klase.
Class GC:
Andy and Xander, #BusinessPartnersOrMore??
Bagay kayo, swear!
Gawa kayo ng logo ng team niyo! "Xandy Enterprises!"
"Putik, sino nagpasimuno nito?" asar na tanong ni Andy, binaba agad ang phone niya.
Sumilip si Xander sa screen at humagikgik. "Uy, trending tayo! Xandy Enterprises, nice!"
"Shut up."
"Pwede nating gawing tagline: ‘Where Ice Meets Fire’ o kaya ‘Hot and Cold, Perfectly Sold.’"
"Kung ayaw mong mabura sa mundo, tumahimik ka na."
"Okay, okay! Pero seryoso, Andy, mukhang fun ‘to. Imagine, two opposite minds working together! The genius and the—"
"And the pasaway?" putol ni Andy.
"Ouch na naman. Pwede bang ‘brilliant strategist’ na lang?"
"Brilliant strategist sa kalokohan mo."
Umiling na lang si Xander, pero halatang aliw na aliw siya sa pag-aasar kay Andy.
Pagbalik sa classroom, may bagong text mula sa group chat:
Class GC:
Class GC:
Prof. Estrella: Attention, Xandy Enterprises! May bagong update: Kailangan ninyong isumite ang 500-word business proposal by this Friday. Hindi puro jokes, ha? Ipakita ang tunay ninyong galing sa pag-handle ng ethical crisis!
Habang binubuklat ni Xander ang folder na iniabot ni Prof. Estrella, ngumiti ito.
Habang binubuklat ni Xander ang folder na iniabot ni Prof. Estrella, ngumiti ito.
"Ang bigat ng task, no?" bungad ni Xander, na may halong excitement at asar.
Hinawakan ni Andy ang lapis niya, medyo nakakunot ang noo. "Ay naku, first lesson pa lang ay kailangan nang maging sobrang productive. Pero alam mo, kahit anong mangyari… challenge accepted."
Biglang naglakad papalapit si Prof. Estrella, dala ang isang folder na may nakasulat na:
Xandy Enterprises: The Ultimate Challenge.
"Ang proyekto ninyo," anito sa matalim na tono na may bahid ng amusement, "ay tungkol sa isang malaking kumpanya na nahaharap sa scandal dahil sa data manipulation. Kailangan ninyong bumuo ng isang proposal na hindi lang solusyon sa crisis kundi magbibigay din ng twist na magpapakita ng inyong creativity at integridad."
Nagpalitan ng tingin sina Andy at Xander.
"Ganyan ba talaga, Xander? Parang iniimbitahan na tayong maging mga crisis managers," biro ni Andy, halatang pinipili ang tamang sarkasmo.
Ngumiti si Xander, na halos hindi mapigilan ang excitement. "O, Ice Queen, ito na yata ang chance mo para ipakita na bukod sa pagiging prickly, may hidden genius ka rin. Two opposites, one brilliant plan, perfect combo, di ba?"
Huminga ng malalim si Andy habang tinatanggap ang hamon. "Huwag mong isipin na laging ikaw ang may secret weapon. Remember, integrity first at ‘di puro kalokohan ang kailangan. Pero sige, ipakita natin sa kanila na kaya nating pagsamahin ang wit at strategy."
Habang nagkakagulo ang grupo sa chat, bumalik ang klase sa normal na ritmo.
Ngunit habang nag-aayos sina Andy at Xander ng plano, biglang bumalik sa isip ni Andy ang mga hirit ni Xander kanina.
Hot and Cold, Perfectly Sold...
Napailing si Andy. Naku, mukhang headache ko na naman ‘to buong linggo.
Samantalang si Xander? Pasimpleng ngumiti habang minamasdan si Andy na abala sa pag-aayos ng notes.
One week with Andy Ramirez? Ngumisi ito. Challenge accepted.
Sa business, hindi lang puro numbers at ethics. May halong diskarte, humor, at konting pakikipag-asaran para maging memorable ang lahat...
At sa ganitong diwa, sabay nilang hinarap ang hamon, handang pagsamahin ang taglamig ni Andy at ang apoy ni Xander sa isang project na hindi lang pang-akademiko, kundi pang-life lesson din sa mundo ng business ethics.
Sa maluwag na study room ng Westbridge library, isang bagay ang malinaw: hindi lang business proposal ang ginagawa nina Andy at Xander—may nangyayaring mas matindi.
Habang nagtutulungan sila, ang bawat sandali ay puno ng hindi maipaliwanag na tensyon.
Nakakunot-noo si Andy habang tinututukan ang SWOT analysis nila sa laptop. Ang mga mata niya, seryoso, focus na focus sa pag-aayos ng mga detalye. Samantalang si Xander? Nakasandal ito sa silya, isang malambing na ngiti ang hindi matanggal sa labi, habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Andy, ang aura ni Xander, ang paghinga—halatang hindi lang sa project ang atensyon nito.
"Okay, Ice Queen," ani Xander, sumulyap sa kanya, may kakaibang spark sa mga mata. "Dapat ma-highlight natin ‘yung competitive edge ng Xandy Enterprises."
"Exactly," sagot ni Andy nang hindi tumitingin, subukang iwasan ang init ng tingin ni Xander. "Kaya dapat, seryoso tayo."
Xander smirked at sumandal pa lalo, ang tono ng boses ay may halong pagpapatawa, ngunit may lambing. "Seryoso? Psh. Ako pa? Masyado mo naman akong minamaliit, Andy."
"Baka naman minamaliit mo lang talaga sarili mo, Xander." sagot ni Andy.
"Bakit, may mas malaki ka bang expectations sa’kin?" tanong nito, sabay bigay ng mapanuksong ngiti.
Andy rolled her eyes. "Bumalik ka na sa trabaho mo, Xander."
Ngunit bago pa siya makapag-type ulit, isang makapal na libro ang biglang nahulog mula sa kalapit na istante.
Sabay silang napatingin. At sa isang iglap, halos magkarera silang abutin ito.
Isang saglit. Isang paghinto ng oras. Isang pagtatagpo ng kanilang mga kamay.
Mainit. Matagal. Slightly electrifying.
Nag-freeze si Andy. Bakit parang may static electricity?! Parang ang init ng katawan ko, parang may kuryente na dumaan mula sa kanya.
Napatingin siya kay Xander, at gano’n din ito sa kanya. Ang distansya nila? Halos wala na—para bang hindi na nila kayang ilayo ang sarili sa isa’t isa.
Mas lumalim ang ngiti ni Xander—‘yung tipong pilyo pero may malalim na meaning. "Andy, seryoso ka ba? Parang ang convenient naman ng pagkakahulog ng librong ‘to. Sabotage ba ‘to?"
Andy smirked, sinadyang hindi tumingin kay Xander. "SABOTAGE? Ako? Mas plausible na ikaw ang may secret plan para lang makahawak ng kamay ko."
Xander chuckled, ang mata’y puno ng pang-akit. "Bakit naman ako gagawa ng gano’n? Hindi ko naman kailangan ng libro para mahawakan ‘yan."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Andy. Naku, bakit parang ang init ng tenga ko?! Lalo pang tumaas ang pakiramdam ng init sa buong katawan niya.
Napaatras siya, sinamaan ng tingin si Xander. "Eh, di, Wow."
Pero bago pa matunaw sa kakaisip, mabilis niyang idinagdag, "At saka, Xander. Kung ikaw nga ang mastermind dito, ‘wag mo nang ulitin. Baka sa susunod, hindi lang libro ang bumagsak."
Xander laughed, tinaas ang kamay na parang sumusuko. "Fine, fine. Noted. Pero ‘di mo maikakaila, kahit business ethics ang topic natin, may ethics violation nang nagaganap."
Andy raised a brow. "Oh? Ano na naman ‘yan?"
Xander leaned in, inilapit ang labi sa tenga ni Andy, sabay bulong: "Conflict of interest."
Dahan-dahan itong umatras, nakangiti pa rin.
"Mukhang hindi lang business proposal ang nade-develop dito, Andy."
Dahan-dahan itong umatras, nakangiti pa rin, ang mga mata’y hindi kayang itago ang damdamin.
"Mukhang hindi lang business proposal ang nade-develop dito, Andy."
Hindi niya alam kung dahil ba sa mainit na hininga ni Xander o sa nakakairita nitong confidence, pero parang biglang nag-init ang buong katawan ni Andy. Wala siyang alam na magaganap ng ganito—ang hindi maiiwasang kilig na nagmumula sa hindi inaasahang saglit.
Biglang napaatras si Andy, mabilis siyang tumayo. Dahil sa pagkataranta, nadulas siya sa tiles ng study room. Nahila siya ni Xander, at ngayon, nakapatong na ito sa ibabaw niya.
Humigpit ang hawak ni Andy sa braso ni Xander, ang mga mata nila ay nagtagpo. Sa sobrang lapit nila, halos maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa labi niya. Ang puso ni Andy, parang tumitibok na sa bawat segundo.
Sa pagkakataong ito, si Xander na mismo ang napalunok.
"Uh, Andy—"
"HUWAG. KANG. GUMALAW."
Pero siyempre, nagbukas ang pinto ng study room at—
"HUY! ANO ‘YAN?!" sigaw ng isa nilang kaklase.
Para silang nawalan ng malay sa ilang segundo. Tila na-freeze frame ang buong eksena. Ang tension ay na-magnify sa bawat segundo ng pagka-stuck nila sa ganung sitwasyon.
Kasunod noon ang malakas na tili ng buong study group nila. Isang biglaang interruption na hindi nila matutunan agad kung paano i-handle, ngunit sa loob ng puso ni Andy, hindi pa siya handang tumakas sa pagkakagulong ito.
Si Andy, hindi alam kung sisigaw sa inis o magpapanggap na wala siya roon, pero ang pakiramdam ay parang gusto niyang maglaho na lang sa kahihiyan
Si Xander? Napangiti lang ng nakakaloko.
"Well, kung ‘di pa tayo trending sa campus, ngayon sigurado na."
"XANDER, HINDI ‘TO NAKAKATAWA!"
Pero bago pa makawala si Andy, ibinaba pa ni Xander ang boses nito at bumulong, masyadong malapit sa tenga niya, parang isang lihim na hindi kayang ikubli.
"Relax lang, Andy. Hindi naman ito personal… it’s just business."
At kung may isang bagay lang ang gustong gawin ni Andy sa mga oras na iyon, iyon ay itapon si Xander palabas ng bintana.
"Oh really? Business lang?" singhal ni Andy habang tinitigan si Xander nang masama. "Well, sa business, may termination clause, Xander. And guess what? Ikaw ang unang tatanggalin ko!"
Ngunit bago pa niya magawang itulak ito, mabilis na lumayo si Xander, umiwas sa parating na sampal sa braso.
Napailing ito habang nakangiti pa rin, halatang enjoy sa asar. "Tsk, tsk, tsk. Andy, hindi ganyan ang conflict resolution." Kunyari'y may hinahanap ito sa bag, tapos inilabas ang isang pirasong papel at iniwagayway ito sa mukha ni Andy. "Actually, may solution na ako para diyan."
"Solution saan?"
"Sa problema mo sa akin."
"Kung ang solution mo ay lumayo at huwag akong guluhin, then go ahead."
"Nope," sagot ni Xander, mabilis na tinupi ang papel at ipinasok sa bulsa. "Ang solution ko… ay isang partnership deal."
Muling naningkit ang mga mata ni Andy. "Xander, kung panloloko na naman ‘to, I swear—"
Pero pinutol siya nito. "Walang lokohan, pramis. May naisip akong strategy para sa business proposal natin. Alam kong hindi mo ‘ko gusto as a partner, but let’s be real—pareho tayong competitive. So paano kung pagsamahin natin ang strengths natin?"
"Strengths?" Umirap si Andy. "Anong strengths ang meron ka bukod sa pagiging number one sa pang-iinis?"
"Uy, masakit ‘yon ha!" natatawang sabi ni Xander, kunwaring tinamaan. "Pero seryoso, Andy. I may not be a top student like you, pero alam ko kung paano magbenta ng isang konsepto. You handle the structure, I handle the execution. Ikaw ang utak, ako ang charm."
"Ang kapal talaga ng mukha mo—"
Ngumisi si Xander, tapos biglang lumapit, halos magkadikit na ang mga mukha nila. "So, game? O gusto mong mag-suffer mag-isa?"
Hindi makapagsalita si Andy. Hindi dahil sa naubusan siya ng sagot—kundi dahil sa lapit ni Xander, naramdaman niya ang init ng hininga nito. At mas lalong nakaka-inis? Ang katotohanang kahit asar siya rito, hindi niya maitanggi na tama ito.
Huminga siya nang malalim bago bumaling sa kabilang direksyon. "Fine. Pero tandaan mo, Xander—isang kalokohan mo lang, tapos ‘to."
"Copy that."
Nagpatuloy silang maglakad palabas ng hallway, pero habang nakatingin si Andy sa malayo, si Xander naman ay palihim na nakatingin sa kanya.
"Ice Queen and Fire King," bulong ni Xander sa sarili. "This is going to be fun."