TUTOR
Monday Morning
“Iha, gumising ka Na dyan. Alasais na ng umaga. Seven ang pasok mo di ba? Baka mahuli ka sa klase mo” panggigising sa aki n ni Manang.
“Sige po Manang baba na.”
Kanina pa talaga ako gising tinatamad lang talaga akong tumayo. Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari kagabi.
‘Serpent Venom g**g. SVG. Saan ko nga ba kayo makikita?’
Tumayo na ako at dumeretso sa banyo. Pagkababa ko ay nandoon na si Manang sa kusina at inaayos ang pagkain ko.
“Kumain ka na anak.”
“Sabay na po tayo” sabi ko sa kanya at nagsimula ng kumain nang umupo na rin siya.
School
“Talagang sasali ako no. Kahit naman wala akong talent sa ganyan okay lang. Makikita ko naman ang Reverie Band!”
“Oo nga no friend? Basta makita lang sila okay na yun! At isa pa kasama sila sa mga judges so meaning papanoorin nila tayo!”
“Oo kaya tara sa audition mamayang lunch.”
Puro ganyan lang ang naririnig ko habang dumadaan ako sa hallway. Puro about sa audition ng banda ng school na to.
“Balita ko ang mismong Reverie Band ang kumausap sa kanya na sumali sa audition.”
“Talaga?! Ang swerte naman nya!”
“Oo kaso makapal din ang mukha. Biruin mo tinanggihan niya sila?”
“The hell?! Ang yabang niya ah! Feeling naman niya kailangan talaga siya doon!”
“Yeah right! Andame kayang magaling dito sa school”
Ilan din sa mga bulungan na naririnig ko kapag napapadaan ako sa kanila. Sino ba naman kasi ang sasali sa isang amatuer band competition?
‘Tss. Hindi lang talaga ako interesado.’
It might be a big deal for them but not for me. Some might recognize me sa oras na sumama ako sa bandang iyon.
Lunch break naisipan kong sa rooftop na muna tumambay. Mahirap na baka may makakita na sa akin kung sa lumang music room ulit ako pupunta. Pagdating doon nqgulat pa ako ng makita ko yung Nicol na iyun.
‘Tambayan na rin niya to? Pero may audition ngayon at isa siya sa mga judges so bakit siya nandito?’
Di ko na lang siya pinansin at naupo sa may sulok doon. Sinimulan ko ng kumain pero siya nanatili lang nakatayo doon at nakatingin sa tanawin.
“Hindi ka talaga sasali sa audition?” biglang tanong niya pero hindi ko siya pinansin.
“One week lang ang itatagal ng audition. Bakit hindi ka sumali?” this time nakatingin na siya sa akin pero pinagpatuloy ko lang ang pagkain.
“Ganyan ka ba talaga?” tanong niya ulit pero di ko pa rin pinansin.
“Tss. Wala ka kwenta kausap,” bulong niya naman.
Napatigil ako sa pagkain ko ng may maramdaman akong nakatingin sa amin. Tumayo ako at iginala ang paningin ko.
“Wag kang gagalaw,” biglang sabi ni Nicol dahilan para mapatingin ako sa kanya.
‘Naramdaman din ba niya?’
Pagkatapos ay nagulat ako ng mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at sunggaban ako dahilan para matumba kami pareho sa sahig. Nasa ibabaw ko na siya.
I was about to push him away nang marinig akong kung anong tumama sa may railings na malapit sa akin.
Umalis siya sa ibabaw ko at tinignan kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
“Sniper,” biglang sambit niya.
“Kilala mo siya?” gulat na tanong ko.
Tanging mga gangster lang na tulad namin ang nakakakilala kay Sniper. Kung ganun--
“Hi-hindi,” utal na sagot niya. Tapos iniabot ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo.
Nagsisinungaling siya.
Lumapit siya doon sa tinamaan na bakal kanina at may pinulot doon.
“Sabihin mo. May nagtatangka ba sa buhay mo?” tanong niya at gulat akong napatingin sa balang hawak niya.
Galit. Yan ang muli kong naramdaman. Kung ganon ay alam na rin nila kung saan ako nag-aaral.
‘Sige lang sundan niyo lang ako para mapabilis ang paghahanap ko sayo’
“Ewan ko,” pigil ang galit na sabi ko. Tinalikuran niya ako at kumaway lang sa akin.
“Mag-iingat ka,” sabi niya bago mawala sa paningin ko. Nang mawala siya sa paningin ko ay mabilis akong kumilos.
Kinuha ko ang chain dagger ko sa bulsa ko. Pwedeng humaba ang chain dagger na ito hanggang 50 meter kaya naman malakas kong itinapon ang dulong parte nito sa kalapit na building namin. Siniguro ko munang kumagat ito at kakayanin ako nito. Nung masiguro ko na ito ay tsaka ako naglambitin para makatawid sa building na iyon. Tumama ako sa mismong kwarto kung nasaan si Sniper kanina. Nakita ko siya inaayos ang gamit niya.
“Melody, hindi ko akalain na masusundan mo agad ko dito. Wala talagang imposible sayo. At pasalamat ko dahil nailigtas ka ng kasama mo kanina.”
“Then thank you. Kaya naman hayaan mong handugan kita ng aking pasasalamat.”
Mabilis akong kumilos papalapit sa kanya at inambagan siya ng suntok.
Si Sniper magaling lang siya sa paghawak ng b***l pero talo siya sa pisikal na laban lalo na kung malapitan. Minsan ko ng nakalaban ito sa larangan ng paghawak ng b***l. Nahirapan akong talunin siya pero nagawa ko din namang manalo sa kanya.
“Hindi na ako magtataka kung bakit mo ako sinugod. Isa ka rin sa Serpent Venom g**g tama ba? Kung ganon..” kinuha ko ang dagger ko at muling nag-ukit na letrang M sa pisngi niya.
“Sabihin mo bilisan nila ang paghuli nila sa akin.”
Akmang aalis ako pero napatigil ako sa sinabi niya.
“Ang Silent Death g**g. Kasama sila sa Battle of the Bands na gaganapin sa Interhigh niyo. Kung hindi ako nagkakamali ay meron isang representative ang school niyo. Magkita daw kayo doon kung ayaw mong may masaktan na tao”
“Bakit?” tanong ko.
“Gusto mong malaman ang dahilan king bakit nila pinatay ang nobyo mo? Sa oras na matalo mo sila ay sasabihin nila sa iyo.”
“At bakit naman nila gagawin iyon?” umiling lang siya sa akin kaya naman iniwan ko na siya doon.
‘Silent Death g**g. Sino naman kaya ang mga yun? Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng grupo nila’
Kinuha ko ang melodic notebook ko at tinignan ang listahan ng mga gangsters na natalo pero wala sila doon. Tinignan ko rin yung mga leads ko pero wala din. Sino sila?
Last subject.
“Ahm Ms. Valle magkita tayo sa office ko. Let’s talk about yung napag-usapan natin last time. Class dismiss.”
Sumunod lang ako sa kanya papunta sa office niya.
Nakiusap ang professor ko na kung maari ay tulungan ko siya sa isang estudyante niya. Noong una ay umayaw ako dahil mas mataas ang year level ng estudyante niya kumpara sa akin pero nagawa rin ako nitong pilitin.
***
After class ay nagtungo na ako na ako papunta sa office ng prof namin dahil tinawag niya ako pero laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nandoon.
“Oh there you are Mr. Guevarra.”
“Anong ginagawa ng babaeng yan dito?” tanong ko sa kanya.
“Well Ms. Valle here will be your tutor starting TODAY.”
“What?! Mas mataas ang year level ko sa kanya. Anong alam niya sa pinag-aaralang natin? Ni hindi pa iyon natuturo sa kanila.”
”Yeah. But Ms. Valle is an excellent student. Kaya ka niyang turuan at wala ng pero-pero. Pwede na kayo lumabas sa office ko. I believe may audition pa kayo Mr. Guevarra so after na lang ng audition ngayong araw mo siya turuan Ms. Valle”
“Yes Ma’am” sagot naman nitong babaeng to. Ano nga ulit pangalan nito? Christine? Crisel? Ewan! Nakakainis!
Sinundan ko siya paglabas ng office.
“6pm matatapos audition niyo diba? Kita na lang tayo sa parking lot. 5 palang naman.”
“Sandali! Wala pa akong sinabing pumapayag na akong maging tutor ka? Junior kita! At nakakainsulto sa akin ang magpaturo sa iyo!”
“Hindi naman kita pinipilit. Pag wala ka pang 6:30 doon aalis na ako,” sabi niya at binilisan lalo ang paglalakad.
Nakakainis! May maituturo ba sa akin yon?! E mas tahimik pa siya sa akin?! Anong gagawin namin? Magtititigan?!
Kahit badtrip ako pumunta pa rin ako sa audition. Nakakainis lang dahil yung ibang nag-audition e wala naman bakas ng talent sa pagkanta at pagtugtog pero pumunta lang para daw makita kami. Sayang sila sa oras! Sa sobrang inis ko ay lumabas na muna ako. 5:37 palang.
Naisipan kong dumaan muna sa may lumang music room. Nagbabakasakaling marinig ko ulit yung kumakanta doon. Hindi naman ako nagkamali. Narinig kong may tumutugtog ng gitara doon. Ibang klase ang galing niya talaga.
“Hoy pare anong ginagawa mo dyan? May gustong ipakita si Sir sa iyo. Nagustuhan kasi niya ang boses niya e at gusto niya marinig ang opinyon mo.” sabi ni Rain
“Sige,” sabi ko at sumunod na ako sa kanya.
Nang marinig ko ang sinasabi ni Sir George ay tama nga siya. Ang ganda ng boses niya kaya lang hindi ko tinanggap dahil nahihirapan siyang kantahin ang high notes which is importante sa song na kakantahin namin.
Saktong 6pm nga natapos ang audition. Kasama ko ngayon ang tatlo papunta sa parking lot.
“Nasabi na ba ni Ma’am kung sino ang magiging tutor mo?” tanong bigla ni Jefferson kaya napatingin ang dalawa sa amin.
“Hmm. Yung babaeng gusto papag-audition ni Sir George. Christine ba pangalan nun?”
“Gago! Crystal! Si Crystal Valle!” sigaw sa akin ni Thunder.
“Wow may naalala ka ng pangalan ng babae?” si Rain
“Kakaiba yun e. Siya lang di tinablan ng charm ko kaya di ko makalimutan yung pangalan,” Thunder habang nakakunot ang noo.
Pagdating sa parking lot ay nandoon siya sa isang bench. Nakaupo siya at mukhang may kausap sa phone.
“Bye,” sabi niya tapos binaba na niya phone niya.
“Una na kami pare!” sigaw ni Rain at nauna na nga sila. Kaming dalawa na lang ang nandito.
“Ano magpapatutor ka?” tanong niya.
“Tss. Sakay.”
Kung hindi lang ako nagandahan sa babaeng to iniwan ko na dito e. Bakit kasi nagsasalamin siya? Natatakpan tuloy yung maganda niyang mata.
“Saan tayo pupunta?” biglang tanong niya.
“Hindi ko alam,” sabi ko nalang dahil hindi ko rin talaga alam kung saan kami pweding mag-aral.
“Tss.” singhal niya at tumingin lang sa may labas ng bintana.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasan ang hindi siya tignan. Ang ganda niya kasi. Kaso meron kung ano sa mata niya. Parang ang lungkot at galit? Hindi ko maintindihan.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay namin.
“Nandito na tayo. Ihahatid na lang kita sa bahay niyo mamaya.”
Pinagbuksan ko siya ng pinto at nagtuloy na sa bahay.
“Kuya,” salubong nanaman ni Niel. “Who is she?” tanong niya ng makita si Crystal nga ba?
“Schoolmate. Si Manang?”
“Hmm umalis muna may bibilhin daw pero babalik din,” sabi niya. Nagtuloy lang ako sa paglalakad pero napansin kong hindi sumusunod si Crystal.
“Tatayo ka na lang diyan?” tanong ko sa kanya kaya pumasok na din siya.
“Niel doon lang kami sa study room pag dumating si Manang pasabi dalhan niya kami ng pagkain.”
“Hmmm! Pero kuya, anong name niya?” turo niya kay Crystal.
“Ahhh. Crystal.”
“Ang ganda naman ng pangalan niya. Parang siya,” nakangiting sabi niya habang nakatingin dito.
“Tss..pasok na kami” sabi ko at pumasok na kami sa study room.
“Kapatid mo yun?” tanong nya habang umuupo sa study table.
“Oo. Nile Ace ang pangalan niya.”
“Dalawa lang kayo?” tanong niya.
“Oo. Dalawa na lang. Namatay na kasi panganay namin.”
“Sorry,” paumanhin niya. “Alin sa lesson niyo ang hindi mo maintindihan?” tanong niya.
“Lahat,” deretsong sagot ko. “Sigurado ka bang kaya mo akong turuan?” tanong ko pa.
“Sa palagay mo ako ang pipiliing tutor ng prof mo kung hindi? Oh basahin mo muna ito,” sabi niya at binigay sa akin ang libro.
Habang nagbabasa ako, nagikot-ikot muna siya sa study room at nagtingin-tingin sa mga libro doon.
“Sino itong mga to?” saka niya pinakita yung picture frame na agad ko ding hinablot sa kanya.
“Bakit ka ba nakikialam sa mga gamit ng may gamit?”ibinalik ko yun kung saan siya nakalagay kanina then bumalik na sa study table para magbasa.
“Sino ba yung tatlo na yun?” tanong niya habang humihila ng isang upuan at tumabi sa akin.
“Tss. Ako tsaka kapatid ko.”
“Ahhh. Parang familiar kasi sa akin yung nasa gitna,” sabi niya at tila nag-iisip pa.
“Ahhh si Kuya yun,” sabi ko.
“Anong pangalan niya?” tanong niya kaya naman nainis na ako.
“Hay! Bakit ba tinatanong mo?! Di ba kaya ka nandito para turuan ako? Oh ayan tapos ko na pinapabasa mo!” sabay bigay sa kanya ng libro.
Ayoko sa lahat yung nagkukwento tungkol kay Kuya. Hindi na lang siya nagsalita at tinuruan ako. Isa lang masasabi ko, ang galing niya magturo! Yung part na super hirap nagawa niyang padaliin para sa akin!
“Ano...” sabi ko. Gusto ko kasi mag-thank you sa kanya kaso ewan ko ba ang hirap sabihin. Nasa harap na kami ng kanto nila. Ayaw na nga niyang magpahatid hanggang sa bahay nila e. Dito na lang daw.
“Ahm,” sinubuka ko ulit pero tinignan niya lang ako. Nung ibubuka ko na ulit yung bibig ko bigla siyang nagsalita.
“Kung magtethank you ka, wag mong alalahanin yun. Ginawa ko yun dahil makakakuha din naman ako ng credits sa pagtuturo sa yo.” yun lang at tumalikod na ako. Magsasalita nanaman sana ako pero hinarap niya ulit ako.
“Tungkol pala sa audition. Sasali ako at kailangan kong manalo doon,” sabi niya sabay takbo palayo. Hindi ko alam kung bakit pero out of nowhere bigla na lang akong napangiti sa kanya.
‘Ano bang nangyayari sa akin? Nalaman ko lang na sasali siya ng audition ganito na agad ako kasaya?’
Thursday Evening
Nandito kami ulit sa study room namin. Kasama ko nanaman ang tahimik at poker face na babaeng ito. Buti na lang talaga marami akong natututunan sa kanya kaya hindi ko siya pinapapalit sa teacher namin. Pano ba naman kapag hindi ko siya kakausapin hindi magsasalita. Magsasalita lang kung meron siyang kailangan iexplain.
Sabi niya noong Lunes ay sasali siya sa audition. Hindi ko alam pero sa tuwing pumupunta ako sa audition ay siya ang hinihintay ko. Siguro dahil gusto ko rin makita kung magaling talaga siya? Kinukulit din kasi ako ni Sir George na kumbinsihin siya. Nalaman nya kasi na tutor ko siya.
“Ahm, Crystal?” tawag ko sa kanya. Last day na bukas ng audition kaya kailangan kong malaman kung sasali pa talaga siya.
Hindi niya man lang ako nilingon. Patuloy pa rin siya sa pagsagot nung problem na pinasagot niya sa akin. Tinitignan niya kung tama ang ginawa ko.
“Yung sa audition aka--” di ko natapos ang sasabihin ko.
“Sasali ako huwag kang mag-alala. Kailangan kong makuha doon,” seryosong sabi niya pero hindi parin inaalis ang tingin sa ginagawa niya.
“Bakit?” tanong ko kaya naman taka niya akong tinignan. “Bakit sasali ka? Sabi mo noong una hindi ka interesado pero ngayon gusto mong manalo doon?”
Tinignan niya lang ako bago muling ibinalik ang atensyon sa gingawa.
“Tama na sana ang sagot mo pero nagkamali ka lang sa sign. Di ba sinabi ko naman sayo na sa addition yung higher value ang susundan mong sign? Kapag pareho sila ng sign iadd mo sila pero kapag magkaiba naman ideduct mo tapos yung may mataas na value ang magiging sign ng final answer mo. Gets mo ba?” tumango lang ako sa kanya at napabuntong hininga dahil walang akong nakuhang sagot sa kanya sa tanong ko.
“Sige try mo ng sagutin niyan yung assignment mo,” sabi niya lang tapos kinuha niya yung notebook na palagi niyang dala. Iba’t ibang instruments yung nakaprint niya sa harap tapos may nakasulat pa na Melody.
“Bakit lagi mong dala yan? Tsaka ano ba yung sinusulat mo dyan?” tanong ko at sinisilip yun pero bigla niya sinara.
“Bakit mo tinatanong? Kanta yun kaya wag mo ako pakialaman. Gawin mo assignment mo para makauwi na ako.”
“Sungit.”
“Ikaw din naman. Nagtataka nga ako kung bakit ang daldal mo ngayon eh.”
Natigilan ako sa sinabi niya at tinuloy nalang ang ginagawa ko. ‘Bakit nga ba nagiging madaldal ako kapag kaharap ko tong babaeng to? Tss -_-’
Pagkatapos ng ginawa ko, tinignan niya lang kung tama tapos umalis na siya. Hinatid ko lang siya hanggang gate dahil may dala siyang motor niya.
‘Ngayon lang ako nakakita ng ganun klase ng babae’
--