Chapter 2

2735 Words
SERPENT VENOM GANG   Announcement: We are looking for a new member of Reverie band. There will be an audition next week (Monday). Please do come for the students that are interested. At least he/she can sing or play an instrument.   Signed by: Mr. George Tipay Band Coordinator   It was an announcement that is posted on our bulletin word. Napailing nalang ako. Kung sanang mahahanap ko ang mga taong iyon sa mga pakanta-kantang yan edi sana hindi na ako umalis pa sa Korea at iniwan ang ASB.   Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa classroom namin. Nagulat pa ako ng makita ko yung apat na lalaki na nakasalubong ko kahapon doon at pinagkakaguluhan. Hindi ko nalang sila pinansin pa at pumasok nalang sa loob.   Nanatili akong walang pakialam sa paligid at tinignan ang Melodic Note ko.   Ang Melodic Note na ito ay nahahati sa tatlo. Unang part ay makikita yung mga kantang ako mismo ang sumulat. Karaniwan sa mga ito nakanta nanamin. Pero yung iba hindi pa since wala na nga ako sa band. Yung pangalawang parte ay listahan ng mga natalo ko na sa isang laban. At sa ikatlong parte makikita ang mga lead na ginamit ko para mahanap ang mga taong hinahanap ko.   Binuksan ko ito sa pinakalikod at napangiti pa ako ng makita ko ang kapiraso ng papel na may nakasulat na kanta na ang taong iyon mismo ang gumawa para sa akin.   ‘Sayang at hindi mo nagawang tapusin ito ng ikanta mo sa harapan ko’   Hinaplos ko pa ang parte na may bahid ng dugo niya.   “Ikaw ba si Crystal Valle?” biglang tanong ng isang lalaki sa harap ko. Itinago ko muna ang Melodic Note ko at tinignan kung sino siya.   Nagulat pa ako nang makilala siya. Siya yung lalaking nakakita sa akin sa rooftop.   “Uulitin ko. Ikaw ba-”   “Ako nga. Anong kailangan mo?” putol ka sa muling pagtatanong niya.   “Sumama ka sa akin.”   Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan na niya ang kamay ko na nakapagpagulat sa akin at kinaladkad na agad ako palabas ng room.   ‘Anong problema nito?’   Hindi ko namalayan na nadala na pala niya ako sa pinakalikod ng school at nakita ko pa doon ang tatlo pa niyang kasama. Pabato niya akong binitawan at nasambot naman ako ng isa sa kanila dahilan para hindi ako tuluyang mapaupo sa lupa.   “Hi I’m Thunder Madrid-”   Bigla naman akong hinila ng isa pa.   “Wag ka nga Bro! Umiiral nanaman pagkababaero mo. Hi! Ako nga pala si Rain Madrid.”   Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at tinignan sila. Kambal sila? Iisa lang ang mukha nila.   “What do you want?” naiiip na tanong ko dahil hindi naman ako interesado kung sino sila.   “I’m Nicol Aris Guevarra,” pakilala noong lalaking nagdala sa akin dito.   “What do you want?” pag-uulit ko pa at nawawalan na ng pasensya.   “Jefferson Fuentabella here” itinaas pa niya ang isang kamay niya habang nakangisi.   Akmang aalis ako dahil sa kawalan ng interes pero pinigilan ako ulit ni Jefferson.   “Nasabi sa amin ng music teacher mo na magaling kang kumanta at tumugtog ng iba’t ibang instrument. Kaya naisip namin na sumali ka sa audi-” sabi pa ni Jefferson pero hindi ko na pinatapos.   “Sasali ako kung interesado ako. Sa kasamaang palad hindi ako interesado.” Lalakad na sana ako pero pinigilan ako ni Nicol.   “Hindi kami nagpunta dito para pilitan ka. Ipinapa-”   “Alam ko na. Hindi mo na kailangan sabihin pa. Kahit sino naman ay napapadaan sa announcement board kaya imposibleng hindi ko makita.” sabi ko pa.   “Siguro nga magaling ka kaya ganyan ka kung makapagsalita. Ang yabang mo,” sabi nito at bumaling sa mga kasama. “Tara na.” yaya niya pa.   Mag-isa akong bumalik sa room. Pero nagulat ako ng wala ng tao doon at may nakalagay na note na nagsasabing wala ang professor namin.   Kinuha ko lang ang gamit ko at nagtungo na sa Music Room kung saan ang sunod ko na klase. Pagdating ko doon ay nandoon na ang mga kaklase ko. Ilang minuto lang rin ay dumating na professor namin.   “Ms. Valle pwede mo bang iparinig sa amin ang iba’t ibang pitch ng tone?” tawag ng prof namin. Tumayo na ako upang pumunta sa harapan at ginawa ang sinabi niya. Kung ito lang naman ang gagawin ko ay hindi naman siguro nila makikilala ang boses ko.   “Impressive Ms. Valle. I wonder kung saan talaga nagmumula yang napakaganda at nakakabighani mong boses,” puri niya sa akin at nginitian ko lang siya at nagtuloy sa upuan ko.   Sa mga sumunod na subject ay puro discussion lang naman ang nangyari. Pagkatapos ay lunch break na. Naisipan kong sa lumang music room dito sa school na maglunch.   May sarili akong susi dito dahil binigay na rin naman sa akin ng parents ko ito. Tumambad akin ang napakaraming musical instruments. Nagtungo ako sa may table doom at naupo sa isang upuan para makakain na.   Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa may piano. Kinuha ko pa yung kapiraso ng papel kanina na may kanta niya para sa akin. Sinimulan kong tugtugin ito at kumanta na din sa chorus niya.   ***   “I will never let you fall I'll stand up with you forever I'll be there for you through it all Even if saving you sends me to heaven Cuz you're my, you're my, my, my true love, my whole heart Please don't throw that away Cuz I'm here for you Please don't walk away and Please tell me you'll stay woah, stay woah”   Malaanghel na boses sa sobrang ganda ang naririnig ko ngayon na nanggagaling sa lumang music room.   Kung ganon ay dito rin pala nag-aaral ang anak ng may-ari pero bakit parang wala naman nakakaalam? Ang alam ko kasi, bukod sa lumang instruments nalang ang laman noon ay tanging anak lamang ng may-ari ng unibersidad na ito ang may susi sa kwartong iyon.   Hinintay ko hanggang matapos ang kanta niya. Naghintay din ako na lumabas siya hanggang sa tumunong ang phone ko.   “Padating na prof,” sabi pa ni Jef sa kabilang linya   “Papunta na ako,” sabi ko at ibinaba na.   Napabuntong hinga na lamang ako at muling nilingon ang pintuan. Gusto kong ang boses na iyon ang maka-duet ko sa battle of the bands.   Saktong pagdating ko ay siyang pagdating din naman ng prof namin.   “Mr. Guevarra lagi na lang ikaw ang pinakamababa sa klase ko. May problema ka ba sa subject ko?” sita sa akin ng prof namin matapos niyang magpa-surprise quiz.   “Wala naman po Ma’am.”   “Pwes ako mayrong problema sa’yo. Laging mababa ang nakukuha mo kapag may test tayo. Nagtanong ako sa ibang profs mo at okay naman ang mga results mo sa kanila bukod tanging dito lang talaga.”   “I’m sorry po Ma’am.” “No. Sa tingin ko ay kailangan mo na ng magtututor sa iyo.”   “Pero Ma’am?”   “Wala ng pero pero.” Pagkatapos nun ay umalis na siya.   “Tsk tsk tsk. Di ka kasi gumaya sa amin na mga math geniuses eh,” tukso pa ni Rain   Inayos ko lang ang gamit ko at nauna ng umalis sa kanila dahil paniguradong aasarin lamang nilaako.   “Hintay!” sigaw naman nung kambal.   “So paano na nyan? May tutor ka na ulit?” tanong ni Rain   “Hahaha. Pustahan tayo 2 weeks lang yan!” si Thunder   “Nah 1 week” si Rain   “Less than a week” at talagang nakisali pa ang Jefferson na to.   Noong pa man na homeschooled ako ay wala ng tumatagal sa akin kaya ganun nalang nila akong pagpustahan.   Pagdating naming sa Band room nandoon na si Sir George.   “Oh nandito na kayo. Ipapaalala ko lang na Friday na ngayon at next na ang start ng audition natin. Ang oras ay lunch break at dismissal.”   “Paano kami kakain?!” malakas na sigaw naman nung kambal   Kahit kailan talaga mukhang pagkain ang dalawang ito.   “Since kasama kayo sa mga judges dadalhan na lang kayo ng pagkain doon. At oo nga pala. Nakausap nyo na ba yung sinagest sa atin na student? Si Crystal Valle nga ba iyon?”   “Tss. Sasali daw kung interesado kaso hindi naman daw” sabi ko. Nakita ko naman yung tatlo na nagpunta sa kanya-kanyang instrument nila.   “Sayang naman. Ipinakita sa akin ang video niya na tumutugtog ng piano at gitara. Masasabi kong magaling nga siya. Pamilyar din sa akin paraan ng patugtog niya. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita.”   “Baka tingin niya overqualified siya,” sarkastikong sabi ko na ikinatawa nila.   “Baka naman tinakot mo?” sabi niya na hindi ko nalang pinansin. “Osige na at magpractice na muna kayo”   “Sandali lang po. May napili na po kasi akong pwedeng makaduet ko e,” pigil ko sa pag-alis niya.   “Talaga?”   “Hmm. Nung minsang mapadaan ako doon sa lumang music room may narinig akong tumutugtog at kumakanta doon e. Sir talagang ang ganda po ng boses niya at ang paraan niya ng pagtugtog sa piano ay talagang kakaiba po. Kaya po sana kung pwede siya na lang?”   “Lumang music room? Yung madadaanan bago ka makapunta dito?”   “Opo.”   “Ay naku Nic medyo mahihirapan tayo diyan. Lalo na at boses lang ang napakinggan mo. Osige aalis na ako.” Tumango nalang ako sa kaniya at nagpunta na din kina Jef para magpractice.   ***   I was on my way home nang may nararamdaman akong tao sa likod ko. Noong una ay akala ko talagang pareho lang kami ng dadaanan kaya naman naisip ko na dumaan sa may kanto kung saan wala ka ng makikitang kahit na anong bahay. Madilim na rin ng konte sa lugar na ito.   Hindi nga ako nagkamali, sinusundan nga nila ako kaya naman hinarap ko na sila.   “Anong kailangan ninyo?” tanong ko kahit wala namang tao sa harap ko ngayon pero maya-maya pa ay unti-unting lumabas sa dilim ang tatlong lalaki.   “Oo nga pala, malakas nga pala ang pakiramdam mo, Melody” sabay ngisi niya.   Kinabahan ako. Bukod sa mga kaibigan ko, ilang tao lang ang nakakakilala sa akin sa codename ko na iyon.   “Mukhang gulat na gulat ka ah haha. Kami nga pala ang--”   “The Tabtibus o Nightmares tama ba? Ang nga gangsters na mahilig matago sa dilim at magaling sa pagsunud-sunod sa target nila kaya hindi na ako magtataka kung paano niyo ako nakilala,” sabi ko na nakapagpangisi sa kaniya.   “Kilala mo nga kami. Pero kilala mo ba ang pinakapinuno namin?” sabay ngisi niya sa akin kaya naman mababakas na sa mukha ko ngayon ang pagkalito.   “Hayaan mong magpakilala kami” sabi niya at sabay sabay nilang inalis ang jacket na suot nila.   Natigilan ako at nanatili lang ang tingin ko sa kanila. Tumambad sa akin ang tattoo na matagal ko ng hinahanap. Isang serpent tattoo.   “Kabilang kami sa Sepent Venom g**g at base sa reaction mo ay mukhang kilala mo na nga kami.”   Sobrang panginginig ko ngayon dahil sa galit na nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan na sila ang unang makakahanap sa akin.   “Ang sabi nga pala ng aming pinuno ay kahit magtago ka ay mahahanap ka pa rin niya. Kaya nga nahanap ka namin di ba? Pero ikaw? Kahit anong hanap mo ay hindi mo kami makikita. Ang tinig mo ay naririnig Melody pero kami hindi mo alam kung kailan ka namin tutukain.”   Sa sobrang inis ko ay bigla ko siyang sinugod at sinuntok pero nahawakan naman niya ang kamao ko.   “Not so fast Melody. I wonder kung komusta na kaya ang nobyo mong iyon? Naipagpatuloy niya ba ang kanta niya sayo bago dumating ang mga kasama namin ng gabing iyon?” sambit niya pa dahilan para pumatak ang luha mula sa mata ko.   “Oooohhhh umiiyak na siya. Mukhang hindi niya nata--” hindi ko na siya pinatapos pa. Gamit ang isang kamay ay sinuntok ko ulit siya.   Kumilos agad ang dalawa niyang kasama pero hindi man lang nila ako natamaan. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon ay binuhos kong lahat ito sa kanila.   Galit dahil kinuha nila ang bukod tanging lalaking minahal ko sa buong buhay ko. Galit dahil napilitan akong lumayo sa mga taong pinahahalagahan ko para lamang mailigtas sila sa kapahamakan. At galit dahil sa pagkawala ng buhay ko.   Napasigaw na lamang ako at kinuha ang chain dagger na laging nasa may bulsa ko.   “Eto ang sabihin niyo sa demonyong pinuno niyo na yan! Kahit anong mangyari ay hahhanapin ko siya! Hahanapin ko siya at ako mismo ang papatay sa kanya! At sabihin mo wag na wag na niyang gagalawin pa ang mga taong mahalaga sa akin dahil kailan man ay hindi pa ako nakapatay ng tao kaya baka siya ang unahin ko!” sigaw ko at iniukit ang letrang M sa pisngi nila tanda na natalo ko na sila sa isang laban.   Pagkatapos nila siyang patayin, ang bukod tanging lalaking minahal ko ay binalot na ng galit ang aking puso at ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay igaganti ko siya. Kahit anong mangyari!   Hindi ko man nga nagawang makilala ang pamilya niya kahit noong libing niya ay hindi ko nagawang pumunta dahil sa wala akong ginawa noon kung hindi ang magkulong sa kwarto.   1 week after ng libing niya ay may natanggap akong sulat at ang sabi:   ‘Pagbabayaran mo ang pagkamatay ng anak ko. Dahil sayo namatay siya. Kung gusto mong mabuhay ang mga taong malalapit sa iyo ay lumayo ka na.   Death’   Hindi ko noon maintindihan kung bakit ako ang nasisi sa pagkamatay niya. Akala ko noon ay ang pamilya niya ang nagpadala ng sulat na iyon pero noong araw bago ang huling concert ko ay bigla na lang umulan ng bala sa pribadong practice area namin ng ASB. Tinanong ko noon sa mga nakakakilala sa pamilya niya kung nasa Korea pa sila pero ang sabi ay pagkalibing niya ay umalis na sila ng Korea. Kaya naman nagdesisyon na akong lumayo pa. Ang alam ng magulang ko ay para lang makalimot sa lahat ng nangyari. Pero ngayon na sila na mismo ang lumapit ay mapapadali na sa akin ang lahat.   To: Rhythm, Tempo, Pitch I found one group of them   Sa harap ng maraming tao kami ang Angel’s Serenade Band. Isang banda na magaling sa larangan ng musika. Saan man kami dalhin ay kilala kami sa galing namin doon pero lingid sa kaalaman ng marami ay isa kaming grupo na kinatatakutan ng lahat ako bilang si Melody na pinuno nina Crystol na kilala bilang si Rhythm, si Jeremy bilang si Tempo at si Selene bilang si Pitch. Kasama din namin si Angeline na kilala sa tawag na Sharp. Kami ang Dementor g**g na.   From: Rhythm Got it. We will just settle things in here then we will go there.   Dalawa ang number na gamit namin. Ang isa ay para sa lahat na kakilala namin at ang isa ay tanging mga katulad lang namin na nga gangsters ang nakakaalam.   “Andyan ka na pala Crystal,” salubong sa akin ni Manang Jhone.   “Opo. Aakyat na po ako sa kwarto”   “Teka hindi ka ba kakain?”   “Busog pa po ako e. Salamat nalang po.”   Sa paninirahan ko dito kaming dalawa lang ni Manang ang nandito sa bahay. Minsan nga ay kinakabahan ako kapag iniiwan ko siyang mag-isa dito. Parang pangalawang nanay ko na rin kasi siya e.   Nagdiretso ako sa kwarto. Naligo lang ako at humiga na sa kama pero dahil hindi ako makatulog ay naisipan kong lumabas na muna sa may veranda ng kwarto ko. Tinignan ko lang ang mga bituin doon.   “Malapit ko na silang mahanap” nakangiting sabi ko.   “Mahigit apat na taon na ang nakakaraan pero wala pa ring nagbago. Ikaw parin... Mahal pa rin kita Nik...at magbabayad sila. Miss na kita” isang butil pa ng luha ang pumatak sa mata ko.   Bumalik ba ako sa kama ko at natulog na. --    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD