DEMON'S BATTLE - FINAL Bawat tangka kong pag-atake pinipigilan niya ako. Siya lahat ang gumagawa ng atake para lang mapatumba ang kalaban namin at dahil sa ginagawa niya naiinis na ako. “Will you f*cking quit what you are doing? Hayaan mo kong atakihin sila!” sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Inatake nanaman niya si Ace pero this time nagkamali na siya dahil sa pag-atake niya ay siya ring tangkang pag-atake sa kanya ni Black Rose. Mabilis akong nagtungo sa direksyon ni Black Rose. Hinawakan ko ang kamay na may hawak na dagger at pinalipit ito. Napasigaw siya sa sakit ng pagkapalipit ng kamay niya kaya nagawa kong agawin ang dagger sa kanya. Pinatulog ko na siya kaya naman si Ace nalang ang natitira. Naglalaban pa rin sila pero mabilis akong tumalon at sinipa si A

