DEMON'S BATTLE “You are getting better and better Lyn,” sabi sa akin ni Jermaine. Tinuturuan niya ako sa paghawak ng katana dahil iyon ang expertise niya. Mas maganda sana kung andito din si Eris dahil sharp shooter naman iyon sa paggamit ng b***l. “Parang mas magaling ka na sa akin ngayon dahil nagawa mong gumawa ng sarili mong mga galaw,” sabi niya pa. Napangisi nalang ako sa sinabi niya. Tatlong araw nalang ang natitira. Sa pamamalagi ko dito ay nag-eensayo lang ako kasama ang tatlo. Ngayon ang huling araw namin ni Jermaine sa pag-eensayo ng katana. Bukas ay tuturuan ako ni Jef sa paggamit ng b***l dahil magaling din siya doon. Naalala ko si Jeremy dahil siya ang pinakamagaling na humawak ng b***l na nakilala ko. Si Rain ay tuturuan sana ako sa martial arts pero tumanggi siya d

