SCARMEY'S POV
Hinubad ko ang towel saka sinuot ang uniform na nasa kama ko. Isa-isa ko itong sinuot saka humarap sa salamin. Dinampot ko ang suklay at sinuklay ko ang mahaba kong buhok. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.
Am I really Scarmey Fuentes?
Alam ko na hindi ko ito totoong pangalan. Malaki ang utang na loob ko kay Ma'am Audrey. Tinulungan niya ako sa lahat upang makapagsimula ulit.
Sa kanya ko natutunan lahat at tinuruan niya ako sa lahat na dapat kong matutunan. Higit isang taon na rin matapos niya akong turuan. Turuan kung paano makipaglaban, kung paano maging katulad niya na isang Gangster. Mahirap, napakahirap ang pagsasanay na dinaanan ko pero kinaya ko para na rin sa kagustuhan ko.
Matapos ang pagsasanay na iyon, naghiwalay na rin kami ni Ma'am Audrey at hindi na kami nagkita. Ngayon magsisimula na ako.
Magsimulang hanapin kung sino ako. Hahanapin ko ang pamilya ko at aalamin ko rin kung sino ang dumukot sa akin. Kailangan nilang magbayad sa ginawa nila sa akin. Sinira nila ang buhay ko.
Naglagay lang ako ng lipgloss at polbo sa mukha. Naglakad ako patungo sa isang kabinet at mula rito, nakalagay ang mga sandata na binigay ni Ma'am Audrey sa akin. Iba't ibang klaseng sandata ang nandito. Kinuha ko ang punyal at nilagay sa hita ko. Sinara ko ito at naglakad na para kunin ang bag ko.
Matapos naming naghiwalay noon ni Ma'am Audrey, binigay niya sa akin ang isang condo, isang motor bike at Kotse. Laking pasalamat ko na rin sa kanya dahil tinuruan niya akong magdrive.
Pagkalabas ko sa condo dumeritso na ako sa kotse ko at pinaandar ito paalis. Hindi naman kalayuan ang school na pupuntahan ko pero napakapribadong eskwelahan ito, na hindi agad makakapasok ang taga-labas kung walang access sa loob. Na-engganyo ako sa eskwelahang iyon dahil hindi ito simpleng school lang, nalaman ko kasing halos nag aaral sa school na iyon ay Gangster. Kaya nagustuhan ko na rin.
Lumabas ako sa kotse ko nang nasa harap na ako ng school. Isang napakalaking gate ang nasa harap ko. Nabasa ko ang nakalagay sa itaas.
Monte University
Maging ang pader nito ay mahahaba rin talagang walang makakalabas-masok nang basta-basta sa eskwelahang ito.
"Are you a student here?"
Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang isang ladyguard.
"Yes, Im a transferee," sagot ko dito.
Tiningnan niya akong mabuti saka tumango.
"Okay, get inside."
Muli akong sumakay sa kotse at pumasok na sa gate. Masyado pa atang maaga kaya wala pang masyadong stuydante. 6:30am pa lang kasi, 8am pa ang simula nang klase. Mas ginusto kong maaga para naman makabisado ko kaagad ang school na ito.
Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot, kinuha ang bag saka naglakad. Nilibot ko ang paningin sa campus. Malaki ang campus at sa tingin ko maraming lihim ang school na ito. Napansin kong may mga sasakyan na pumapasok At may dumarating na mga studyante. Naglakad na ako patungo sa deans office.
May ilan na ring stuydante akong nakakasalubong habang naglalakad ako patungo si Dean's Office. Nararamdam ko ang kakaiba nilang aura. Sabagay, lahat naman nang nandito ay halos gangster.
Bahagya akong kumatok sa pinto ng deans office nang makarating ako.
"Come in!"
Binuksan ko ang pinto saka ako pumasok. Nakita ko ang dean na naka upo habang may binabasang papelis. Nag angat ito nang tingin saka ngumiti ng makita ako.
"Please sit, you must be Scarmey Fuentes?" nakangiti niyang sabi sa akin.
Ngumiti ako saka tumango.
"Yes dean," sagot ko sa kanya.
"Well, Ms.Fuentes alam naman siguro sa school na ito tama? We already give you some details about this," sabi niya. "Are you really want to study here?"
"Yes dean, alam ko na po. Kaya nga gusto kong mag aral dito," nakangiting sabi ko.
Napatango-tango siya.
"Well, as the rule of this school. You can't kill a person if its not necessary. You can kill at the battle ring in Gangster Place. Doon kayo maaring maglaban kung gusto niyo pero hindi pwedi sa school na ito. We allowed bullies but no killings," paliwanag nito .
" Prepare your self Ms.Fuentes and goodluck. By the way here's your schedule and key of your locker."
Tumango ako saka ko kinuha ang schedule ko at susi.
"Thank you Dean, please excuse me." Tumayo ako matapos kong kunin ang mga iyon.
Bago pa ako makalabas sa pinto. Bigla na lang itong bumukas nang marahas. Kaya natigilan ako sa paghakbang.
"This is bullshit!"
"What now, Brother?" narinig kong tanong ni Dean dito.
Nanatili akong nakatayo sa gilid at hinintay na umalis ito sa pinto. Mukha siyang ewan sa itsura niya. Badtrip na badtrip.
"That b***h! Hindi pa rin ako tinitigilan nakakainis na!" galit na bulalas nito.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Napansin ako ni Dean at tila napapailing lang sa inasal ng lalaki na tinawag niyang 'Brother'.
"You can go Ms.Fuentes, don't mind him," sabi niya sa akin.
"Ahh okay,"
"Why are you staring at me?" sabi nito sa akin nang nasa harap na ako ng pinto.
"Ahm excuse me, I need to get out."
"Just f*****g get out!" sigaw nito sa akin.
Bahagyang napataas ang kilay ko sa kanya saka ako dumaan sa harapan niya at walang lingong lumabas. Ayokong patulan ang mga katulad niya baka mas lalo lang mabadtrip. Tiningnan ko ang schedule na hawak ko, 8:am ang simula ng first Subject ko kaya pumunta na ako sa room. Panay ang sulyap ko sa paligid. Dumadami na ang mga studyante. May naglalakad mag isa, may grupo na magkasama. Napabuntong-hininga ako. Nang makarating ako sa room ko, naghanap ako ma-uupuan. Nakita ko ang bakanteng upuan malapit sa bintana kaya dumiretso ako doon at umupo.
Mayamaya pa biglang may sumipa sa upuan na inuupuan ko, kaya napatingin ako sa taong sumipa.
"That's my chair, b***h!"
"Ohh sorry," sabi ko at tumayo. Lumipat sa likod niya.
"Are you a new student?" Napalingon ako sa likod ko nang may nagsalita.
Napagmasdan ko ang itsura niya. Napakasimple lang niya at maamo ang mukha pero naramdam ko ang kakaibang aura sa kanya.
"Yeah," sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya.
"Well, Im Candice De leon, you are?" Inabot niya sa akin ang kamay niya kaya tinanggap ko ito.
"Scarmey Fuentes, nice to meet you Candice,” nakangiti kong pakilala sa kanya.
Tumango lang siya sa akin. Kaya umayos na ako nang upo. Mayamaya bigla na lang may nag ingay sa labas ng classroom namin na tila ba mga babaeng nagtitilian. Kaya bahagya akong sumilip.
"Hays, kahit kailan talaga pasikat ang mga iyan,” narinig kong sabi ni Candice. Kaya bumaling ako sa kanya.
"Sino?" nagtatakang tanong ko.
"Malalaman mo rin pag pasok nila," sagot niya.
Muli akong humarap saka lang pumasok ang mga ito. Nakilala ko agad ang unang pumasok. Siya iyong tinawag na brother ng Dean. Nakabusangot ito habang naglalakad at walang pakialam sa mga babaeng kilig na kilig nang dumaan siya. Kasunod naman niya ang tatlo pang lalaki na nakangiti sa mga babaeng ka-klase namin. Samantalang wala namang pakialam iyong nasa huli na para bang nasa ibang planeta. Naka shade pa ito habang nakasukbit sa balikat ang bag niya.
Napalingon naman ako doon sa unang kasama nila na nakabusangot pa rin dahil pasalampak itong umupo sa upuan nito na nasa dulo. Pinagmasdan ko siya hindi na ako magtataka kong silang lima ay kilala dito. Lalo na't nararamdaman ko ang lakas nang aura nilang lima. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya baka mahuli pa niya akong nakatitig sa kanya.
Baka mamaya mabaling sa akin ang atensyon niya at bulyawan pa ako. This is my first day here at Monte University. So that, I need to familiarize the place.
Napabuntong-hininga ako. Bakit nga ba ako nandito sa Monte University? Basta ang alam ko, interesado ako sa school na ito. Wala sa plano ko ang mapunta dito pero heto ako ngayon. Dahil ang plano ko ay hanapin ang pamilya ko. Hays, maybe habang hinahanap ko sila gagawin kong kapana-panabik ang pag aaral ko dito. Sana nga lang pag aaral lang ang mangyayari sa akin dito. Malay mo mas may aksyon pang mangyayari dahil gangster lahat nang nandito.
Napangisi ako.
Tahimik muna tayo Scarmey, bago gumawa nang aksyon.