Lost

1113 Words
Nang makarating siya sa hospital, dumeretso agad siya sa room kung saan naka-confine ang babaeng pakay niya. Naabutan niya ang nurse na naka assign dito na tinitingnan ang kalagayan. Nang makita siya ay tumango lang ito sa kanya saka ito umalis. Tiningnan niyang mabuti ang maamong mukha ng babae. Hindi na tulad nang una niyang makita ito na halos namumutla na ang balat. Ngayon maaliwalas na ang mukha nito. Napansin niya kaagad na may kagandahan itong taglay. Mapupula ang labi kahit hindi nakalipstick. Matangos ang ilong at mahahaba ang pilik mata. May napansin siya sa leeg nito. Kwentas. Lumapit siya dito para tingnan. Nakita niyang may bakas ito na pilit na tinatanggal pero hindi matanggal. May mga bakas din nang pamumula sa leeg ng babae. Hinawakan niya ang kwentas at nakita niyang may kasama pa lang singsing ang kwentas. "Hmmm, mukhang bigay ito sa kanya. Nang kung sino mang mahalagang tao sa buhay niya," sambit niya sa sarili. Muli niyang binalik ang kwentas at napabuntong hininga. Napagpasyahan niyang lumabas muna para puntahan ang ama pero napatigil siya nang may marinig siyang ungol mula rito. "Hmmmm, Hmmmm," "No, Let me go! Let me go!" Narinig niya mula rito. Muli siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay na nanginginig. "Mommy, I'm scared," muling sambit nito. May nakita siyang luha na lumabas mula sa nakapikit nitong mga mata. "Hmm, Hmm," Pinagmasdan niya itong mabuti. Napakurap pa siya nang makitang unti-unting dumilat ang mga mata nito. Mas lalo itong gumanda lalo na sa kulay bughaw nitong mata. Hinihingal ito na tila ba tumakbo nang ilang milya. "Nasaan ako?" tanong nito at tiningnan ang paligid. Maging ang sariling kalagayan nito. "Anong nangyari sa akin?" nagtataka nitong tanong saka bumaling sa kanya. "Lady, you need to rest more," nag aalang sabi niya dito. "saka ko na sasabihin saiyo kapag magaling ka na. Ipapaliwanag ko saiyo lahat." Tinitigan siya nitong mabuti, tila may napansin siyang kakaiba sa titig nito. Pamilyar ang matang nakatitig sa kanya ngayon. "Sino ka?" muling tanong nito. "Im Audrey, ako ang nagdala saiyo dito sa hospital ng daddy ko. Don't worry, you are safe here. No one will harm you. Trust me," mahinahon niyang sabi. Iniwas nito ang tingin sa kanya at nanahimik pero muli siyang natigilan nang marinig ang sinabi nito. "N-Nakalimutan ko ang--ang pangalan ko," mahinang sabi nito. "K-Kilala mo ba ako?" Napakunot-noo siyang nakatingin sa dalaga. 'Ibig sabihin, naapektuhan na nga ang alaala niya dahil sa aparato na nakakabit sa kanya doon sa laboratoryong iyon.' Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay nito. Napakislot ito sa ginawa niya at napatingin sa kanya. " ‘Wag kang mag alala, tutulungan kitang maka-recover sa mga alaala mo. You can trust me." Ngumiti siya dito kaya ngumiti din ito saka tumango. Habang tumatagal nakuha na ni Audrey ang tiwala ng dalaga. Lagi niya itong dinadalaw sa hospital at dinadalhan ng pagkain o di kaya kinu-kwentuhan niya. Napapansin naman ng anak at asawa niya na panay ang alis nito at sa hospital lagi ang punta. Tinatanong na siya ni Carvey kung sino ang pinupuntahan niya at umamin siya dito. Hindi rin nagtagal nakilala rin naman ito ng asawa. Hanggang sa malapit na itong lumabas sa hospital ay naroon pa rin lagi si Audrey pero nang araw na palabas na ito ay hindi siya nakapunta dahil may meeting sila sa headquarters nang araw na iyon. Kaya nag iwan siya nang sulat para dito. May susundo sa kanya para pumunta sa lugar na sinabi ni Audrey sa sulat at doon ito mag hintay. Matapos ang meeting nila Audrey ay umalis na siya para puntahan ang dalaga sa resthouse ng pamilya nila. Nang makarating siya ay nakita niya ang dalaga na nakaupo sa sofa habang kumakain ng meryenda. Tumayo agad ito nang makita siya. "Ma'am Audrey," sabi nito, "Nandiyan na pala kayo." Ngumiti lang siya dito saka lumapit. "How are you?" tanong niya dito. "Im good, thanks a lot ma'am Audrey," pasalamat nito sa kanya. "Walang anuman, gusto ko lang talagang tumulong. Ngayong nakalabas ka na maaari mo bang sabihin sa akin, kung paano ka napunta sa laboratoryong iyon?" seryoso niyang tanong dito. Pareho silang umupo sa sofa habang nakatingin siya sa dalaga. "Wala po talaga akong maalala pero may napapaginipan ako. Ewan ko kung ano iyon pero sa panaginip na iyon. Tinatawag ko raw ang ina ko para iligtas ako dahil may dumukot sa akin 'yon lang ang alam ko," sabi nito at napayuko. Naramdaman niyang umiyak ito, kaya hinawakan niya ito sa balikat. May napansin siyang kakaiba sa batok nito. Isang tatoo na may nakalagay na dalawang letra. D.S Hinaplos niya ito. Hindi kaya pangalan niya ito? "Pati pangalan hindi mo maalala?" tanong niya dito. Tumango ito. "Kung ganon, bibigyan kita nang bagong pangalan pero kapag bumalik na ang alaala mo. Maari mo nang gamitin ang tunay mong pangalan," sabi niya dito. Nag angat ito nang tingin saka bumaling sa kanya. Ngumiti siya at pinahid ang luha sa pisngi nito. "I will call you, Scarmey Fuentes." Ngumiti ito sa kanya saka siya niyakap. "Salamat po, Maam Audrey," sabi nito. Hinaplos lang niya buhok nito. Mayamaya naging seryoso ang mukha niya at tiningan itong maigi. "Scarmey, this is your life right? You can decide whatever you wanted to do. You don't know who really I am. But all I can say is, you can trust me. But also we need to part our ways," seryoso niyang sabi habang nakatingin dito. "I'm not a simple woman, Scarmey." Tumayo siya at tumalikod dito. Nanatiling nakatingin sa kanya ang dalaga. Habang nakatalikod siya. "Isa akong gangster at higit pa sa gangster ang kakayahan ko Scarmey." Tumingin siya dito. "I can kill a person, but also I can protect those people who needs protection.” Nanatiling nakatingin sa kanya ang dalaga habang sinasabi niya iyon. “ Kaya ko ito sinasabi saiyo para may malaman ka tungkol sa akin at hindi ka pweding magtagal sa tabi ko. Baka madamay ka at maging biktima nang kalaban namin," mariing sabi niya dito. Napansin siyang nalilito ito sa mga sinasabi niya. Napabuntong-hininga siya. "Ngayong magaling ka na maari mo nang hanapin ang pamilya mo," sabi niya at may inabot sa dalaga. "Heto ibibigay ko saiyo upang makapagsimula ka." Napatingin ang dalaga sa bagay na inabot niya sa harap nito. Tinitigan lang ito ng dalaga at di niya inaasahan ang sunod na sinabi nito. "Maam Audrey, gusto kong matuto kung paano maging gangster katulad niyo," seryoso nitong sabi habang nakatingin sa kanya. "Alam kong marami akong pagdadaanan bago ko matagpuan ang pamilya ko. Kaya gusto kong maging isang katulad niyo. Gusto kong maging isang gangster," muling sabi nito na kinagulat niya. Hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD