"Face what you think you believe and you will be surprised." -William Hale White
CHAPTER 2
Inabot ng tatlong oras ang kanilang paglilinis ngunit di parin ito natapos kaya huminto na muna sila ng pumatak sa alas singko ang oras. Laking pasalamat nina Celyna at ginoong Ethan sa mga binata at dalaga na kusang tumulong para mapadali ang mga gawain sa bahay kaya bago sila umuwi ay pinangakuan sila ng Ginoo na sa susunod nilang dalaw ay dito na sila maghahapunan bilang pasasalamat sa kanilang tulong.
"Mukhang mapapadali ang gawain natin." Sambit ni ginoong Ethan na ngayon ay nakaupo sa sopa hawak ang isang baso na may lamang tubig. Lumapit naman si Celyna sa kanya at umupo sa tabi nya.
"Di ko nga din inaasahan na tutulong talaga sila. Good to know kahit ilang taon na mag mulang lumipat tayo ay di parin nila tayo nakakalimutan." Ngiting sabi ng dalaga. Alaala nya pa ito noong sila ay umalis, todo ang kanyang iyak at kapit sa mga kaibigan noong sila'y papaalis na. Ngunit sa mga taon na lumipas ay di parin nagbabago ang kanilang pagkakaibigan.
"Oh sya, mag ayos ka na at magluluto na muna ako ng makakain. Wag mong kalimutang icheck ang bintana sa kwarto mo." Bilin ng kanyang ama na tumayo na at tinungo ang kusina. Ang dalaga naman ay nanatili na munang nakaupo sa sopa habang nakasandal ang ulo nito. Napaisip sya kung ano ang pwedeng gawin sa isang linggong pananatili sa probinsya. Sa gitna ng kanyang pagiisip ay naalala nya si Cole. Bigla na lamang kinilig ang dalaga habang binabalikan ang nangyari kanina. Sa isip nya ay ang bango ng binata at ang lakas ng mga braso para makaya itong bitbitin. Hindi nito mapigilang ngumiti habang iniisip ang senaryo. Para sa kanya ay kung si Cole lang din naman ang sasalo sa kanya tuwing mahuhulog sya ay papayag ito na mangyari araw-araw.
"Celyna!" Sigaw ng kanyang ama mula sa kusina. Napahinto sa pagiisip ang dalaga ng tawagin ito ng ama.
"Po!" Sigaw nyang pabalik.
"Natiggnan mo na ba ang bintana sa kwarto mo?" Tanong ng ama. Tahimik namang tumayo si Celyna sa sopa saka lumakad nang dahan dahan patungong kwarto. Di na nagabalang sagutin ang tanong ng ama at dumeretso na nga sa kwarto. Pagpasok nya sa loob ay simple lamang ang disenyo nito. Abot langit ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kwarto. Tila bang di ito nagbago. Kulay pink parin ang pintura ng mga kisame at dingding. Andoon parin ang kanyang kama na ngayon ay nakabalot na ng kulay pink. Ang mesa sa gilid ng kama na gawa sa bakal at ang malaki nitong kabinet na gawa sa kahoy. Napansin nito na wala na ang mga poster na nakadikit sa dingding at mga litrato nya rin mismo. Tumungo naman ang kanyang paningin sa bintana na malapit sa kanyang kama. Nilapitan nya ito saka tiniggnan kung pwede ba itong masara o kaya baka sira. Binuksan nito ang bintana at bumungad ang malakas na hangin sa kanyang mukha na tila bang sinampal ito na walang dulot na sakit sa balat. Mula sa kanyang kwarto ay kitang kita ang kalsada at ang mga bahay. Nagsisiyawan ang mga damo at dahon ng mga puno sa sobrang lakas ng hangin na animo'y may parating na bagyo. Madilim narin sa labas at maraming aso na ang gumagala. Sa gitna ng kanyang pagmamasid ay bigla ulit syang nakaramdam ng pangingilabot sa katawan. Tumayo ang kanyang mga balahibo at bumilis ang t***k ng kanyang puso. Kinakabahan man ay pinilit nitong libutin ang kalsada gamit ang kanyang mga mata ngunit wala itong makitang kahina hinala maliban na lamang sa mga tambay sa labas at mga bata na kitang kita mismo sa kanilang balkonahe na naglalaro. Ito din ang kanyang naramdaman kanina habang naglilinis sila kaya nagaalala na sya kung bakit na ulit ulit ang pangyayari. Ramdam nito na may nakamasid sa kanya mula sa bintana at tila bang may masamang awra ang kanyang tingin. Di na matiis ni Celyna ang kaba kaya agad nitong sinara ang bintana at maingat na nilock ito. Paulit ulit nya pa itong sinuri kung mabubuksan ba agad ito o hindi. Pagkatapos nyang isara ang bintana ay agad nya tinungo ang kabinet kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. Kumuha ito ng isang pantalon na silocon na kulay gray at puting t-shirt saka ito lumabas ng kwarto na di na lumilingon pa. Tumungo sya ng kusina kung saan naka pwesto ang kanilang banyo. Tahimik itong pumasok na di nahahalata ng kanyang ama na abala sa pagluluto. Naisipan nyang maligo na muna para diretso na ang tulog nya mamaya at para narin di sya matutulog na basa ang buhok.
"Celyna, anak?" Tawag sa kanya ng ama.
"Po" ikling tugon nito habang naghihilod ng katawan.
"Handa na ang pagkain. Bilisan mo na jan." Bilin ng kanyang ama bago ito lumabas ng kusina bitbit ang kanyang niluto. Tumango naman si Celyna na akala mo ay kita ng kanyang ama. Binilisan nya na ang kanyang pagligo dahil sabi ng kanyang ama ay masama na pinapahintay ang pagkain.
......
"Wag, maawa ka sakin! Tulong!! Tulungan nyo ako!" Sigaw ng babae na walang saplot sa katawan at nakakandado ang kanyang paa at kamay habang nakahiga sa mahabang lamesa.
"Please! Gusto ko ng umuwi! Tulong!" Pagmamakaawa ng babae. Nagpupumiglas ito sa kanyang kinahihigaan ngunit wala itong silbi dahil di parin sya makawala. Halos mapaos na ang dalaga sa kakasigaw at iyak ngunit di sya pinakikinggan ng tao na nakapalibot sa kanya na may hawak na matulis na patalim at nakasuot ng itim na kapa.
"Impostor! Mamamatay tao! Pakawalan mo ako dito! Tulong!!" Sigaw nya ngunit tila ba parang binge lang ang tao at patuloy ito sa pag rorosaryo ng salita na di nya malaman kung anong lenggwahe ito.
"Mahuhuli ka rin nila! Malalaman din nila ang totoong pagkatao mo!" Sumbat ng dalaga na ikinatigil ng tao sa kanya ginagawa. Lumapit ito sa babae na tila bang gustong gusto na nito patayin.
"Kahit kailan man di nila malalaman ang pagkatao ko. Hindi ang mga pulis, hindi ang mga tao dito sa lugar natin." Huling salita nito bago nya saksakin ng paulit ulit ang babae.
"Lalong lalo ng hindi ikaw Celyna."
Napabalikwas ng higaan si Celyna ng marring nya ang kagimbal gimbal na boses ng isang tao mula sa kanyang panaginip. Pawisan ito at habol hininga ang dalaga.
"Pangalawa na to." Sabi nito sa sarili. Tiniggnan nya ang orasan na nakapatong sa lamesa at 5:45 na ng umaga. Napasapo na lamang sya sa kanyang noo saka bumangon ng higaan. Niligpit nito ang kama saka binuksan ang bintana. Wala pang tao sa kalsada at sirado pa ang mga bahay. Inalala nya ang kanyang panaginip, tila bang parang totoo ito. Ang sigaw ng babae, ang krimen tila bang totoo ang lahat. Napagtanto nya na ang lalaki sa panaginip nya kanina ay ang may kahawig sa lalaking humahabol sa panaginip nya kahapon habang nasa sasakyan sya. Hindi ito matatawag na pagkakataon lamang dahil dalawang beses na itong nangyari na iisang lalaki lang ang nasa panaginip. At sa pagtawag ng kanyang pangalan ay tila bang kilala sya nito dahil pakiramdam nya ay sanay na sanay na itong tawagin ang kanyang pangalan. Marahas na umiling ang dalaga habang iniisip ito pakiramdam nya ay nasisiraan na sya ng bait o di kaya pagod lang sya dahil di sapat ang kanyang pahinga dahil sa mahabang byahe at pagod pa ang katawan sa paglilinis ng bahay kahapon. Napagdesisyunan na ni Celyna lumabas ng kanyang kwarto at tiggnan kung gising narin ba ang kanyang ama. Pagdating nya ng sala ay wala ang kanyang ama kaya sinubukan nyang tiggnan sa kusina ngunit wala rin ito. Bigla syang nakarinig ng ingay mula sa labas kaya iniisip nito na baka sa labas ang ama nya. Pagkadating ng sala ay agad nyang tinungo ang pintuan at di nga sya nabigo nakita nya ang kanyang ama na nagbibiak ng mga kahoy. Ngumiti ito at lumabas para samahan sya.
"Good morning" bati nya sa kanyang tatay. Tinigil naman ng ama ang kanyang ginagawa saka binati din ang anak.
"Good morning. Kamusta ang tulog mo?" Tanong ni ginoong Ethan sa kanya ma ngayom ay pinagtitipon na ang mga nabiak nyang kahoy.
"Maayos naman." Sagot ng dalaga. Totoo naman kaseng maayos ang tulog nito maliban nalang talaga sa masamang panaginip.
"Ano gagawin nyo jan pa?" Tanong nya sa ama na bitbitin ang kahoy papasok ng bahay. Sumunod din ang dalaga na may bitbit din.
"Naubos kase ang gas sa tangke kaya kahoy na muna ang gagamitin. Mamaya na ako bibili ng bago sa palengke." Sagot ng tatay nya.
"Ahh. Wala bang nagdedeliver dito?" Tanong nya ulit. Nagkibit balikat lang ang kanyang ama. Di naman malayo sa kanila ang palengke. Siguro ay bente minutos lamang ang uukulin mo pag pupunta ka doon na naglalakad lang.
"Bumili ka nga muna ng mantika sa tiangge. Kina aling Ana ka bumili para narin makita ka nya ulit." Bilin sa kanya. Umalis na si Celyna saka lumabas ng bahay. Si aling Ana ay kumare ng kanyang tatay at noong andito pa sila ay madalas syang manatili sa kanilang bahay dahil wala itong anak. Pagkarating ng tiangge ay agad syang nagtawag ng tindera. Ilang minuto pa ay iniluwal ng pintuan ang isang matanda na babae na magkasing edad lang ng kanyang ama.
"Anti Ana." Bati nito sa matanda. Kumunot naman ang noo nito at pilit kinikilala ang dalaga. Ilang minuto pa ay ngumiti ng napakalapad ang matanda saka lumapit sa dalaga.
"Celyna? Ikaw na ba iyan?" Tanong nito kay Celyna na ngayon ay nakangiti na. Tumango ang dalaga saka inabot ang kamay ng matanda.
"Opo anti Ana, ako po ito. Kamusta ka na po?" Tanong ng dalaga. Di parin makapaniwala ang babae na nagkita ulit sila ng kanyang tinuturing na anak at laking tuwa nito na di parin sya nakakalimutan kahit limang taon ng di sila nagkikita.
"Maayos naman ako. Ang ganda mo na cely. Tanda ko pa na iyakin ka at ayaw sumunod sa mga magulang mo sa tuwing pinapauwi ka." Ngiting sabi ni Ana. Ngumiti naman ang dalaga saka tumawa ng mahina.
"Naku haha anti naman eh wag mo ng ipaalala yun." Sambit ng dalaga na nahihiya dahil sa sinabi ng matanda.
"Naku mahiyain parin banggang ngayon .oh sya ano na ang bibilhin mo?" Pagiiba ng usapan ni Ana. "Mantika lang po. Nagluluto kase si papa." Sabi no Celyna habang inaabot ang pangbayad. Agad naman nyang tinaggap ang mantika na nakasilid sa maliit na plastik na bote.
"Naku masyadong maaga pa para sya ay magluto." Biro ni manang Ana na ikinatawa lang ng dalaga.
"Sige po anti mauna na po ako. Mamaya po dadalaw ako dito nang makapagusap naman tayo." Sabi ng dalaga saka nagpaalam. Habang papauwi ng bahay ay nakarinig sya ng isang sigaw ng babae. Dali dali nito hinanap kung saan nagmula ang ingay at nakita nga nya malapit sa bakuran nila kung saan may bakanteng lote. Minadali nya ang kanyang paglakad palapit sa babae. Maraming tao narin ang nagsipuntahan at nagkumpulan doon. Ang iba ay tinatakpan ang kanilang mga bunganga at ilong, ang iba naman ay nagsisigawan na tawagan ang pulis. Pagkarating ni Celyna sa bakanteng lote ay agad syang nakisilip kung ano meron.
"Sino kaya iyan? Ang baboy naman ng gumawa sa kanya." Rinig nitong sabi ng kasamahan nya.
"Oo nga kawawang babae mukhang dalaga pa." Sambit naman ng isa. Pinilit ni Celyna tiggnan ang tinutukoy nilang babae pero di nya magawa dahil nga sa maraming tao ang nagsisiksikan. Nilibot nya din ang kanyang paningin kung andito din ba ang kanyang ama pero di nya makita. Ilang minuto ang nakalipas ay biglang dumating ang patrol kasama ang ambulansya. Nagsi alisan ang mga tao sa bangkay saka pinadaan ang mga pulis.
"Anong nangyari dito?" Tanong ng isang pulis na papalapit sa bangkay.
"Kanina lang po namin nakita ang bangkay na iyan dito." Sagot ng isang lalaki sa pulis. Si Celyna naman ay kinakabahan sa nangyari. Ito ang unang pagkakataon na makakakita sya ng bangkay at unang pagkakataon na may ganitong pangyayari syang nasaksihan.
"Tabi! Tabi!. Miss bawal pong kunan ng litrato ang bangkay." Babala ng pulis sa mga tao. Pilit namang sumilip si Celyna sa bangkay at di ito nabigo. Isa itong babae na walang saplot ang katawan na nakadapa at ang ulo ay sa kabilang banda nakapwesto. Sariwa parin ang mga dugo nito sa katawan at ang iba ay nagkalat na sa lupa. Biglang naalala ni Celyna ang kanyang panaginip. Isang babae na nakahubad. Biglang kinabahan ang dalaga at ayaw nyang maniwala sa kanyang iniisip. Hindi pwedeng magtugma ang kanyang panaginip sa nangyari ngayon. Wala mang lakas na loob na tinggnan ang patay ay minabuti nitong kumpirmahin nalang para sa ikakatahimik ng kanyang isip. Nang dumaan ang bangkay na bitbit ng mga pulis ay agad nitong sinundan. Nakabalot na ito ng puting tela kaya mahirap makita ang mukha ngunit dahil siguro mahal sya ng may kapal ay biglang humangin ng malakas kaya biglang natanggal ang tela sa mukha ng bangkay.
"Oh my god." Nabitawan ng dalaga ang dinadala nyang bote at napatakip ng bunganga sa kanyang nakita. Hindi ito makagalaw at hindi nya mahabol ang t***k ng kanyang puso. Ang babaeng bangkay ay ang babaeng nasa panaginip nya. Hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita di nya alam kung ano ang gagawin nya.
"Bandang alas dos nangyari ang krimen." Nagulat sya ng may biglang nagsalita sa kanyang tabi. Napatingin ito sa kanyang gilid at isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita.
"Nagsisimula na." Sambit pa ulit nito bago tumingin sa dalaga.
"Dustin." Mahinang sabi ni Celyna. Ngumiti lamang ang binata sabay abot ng mantika sa kanya.
"Welcome back, Celyna." Bati nito sa kanya. Tulala parin ang dalaga sa binata. Di nya inaasahan na makita nya ngayon ang isa nya pang kababatang kaibigan.
"Hindi ko inaasahan na dito kita makita." Hiyang sabi mi Celyna sa kanya sabay abot ng mantika. Unti unti naring nawawala ang mga tao sa bakanteng lupa ay nauna naring umalis ang ambulansya bitbit amg bangkay. Ang mga pulis naman ay inimbestigahan ang pangyayari at nagtanong tanong narin sa mga nakakita ng bangkay.
"Celyna!" Napatingin ang dalawa sa kanilang likuran ng marinig nila ang sigaw no Ginoong Ethan na papalapit sa kanila.
"Anong nangyari dito?" Tanong agad ng kanyang ama. Nagmasid masid narin ito sa paligid at animo'y parang nawawala syang bata na walang alam sa mga nangyayari.
" May nakitang bangkay at dito tinapon." Simpleng sagot ng dalaga. Nagulat naman ang kanyang ama.
"Bangkay? Sino?" Tanong nya ulit. Tulad sa mga tao kanina ay pati sya di makapaniwala sa nabalitaan mula sa anak.
"Sa bahay nalang po tayo magusap." Paliwanag ng anak sa ama. Tumungo naman si Ginoong Ethan at dumako ang kanyang tingin sa binatang kasama ni Celyna.
"Si Dustin nga pala pa." Pakilala ni Celyna.
"Dustin? Dustin na kakabata ni yna?" Takang tanong nito sa lalaki. Ngumiti naman si Dustin saka tumango.
"Aba! Ang laki mo na! Haha hala sige sumama ka samin at tayo'y magkakamustahan." Sabi nito sa binata na ikinatango lamang nya. So Celyna naman ay nahiya sa ginawa ng kanyang ama laya pinigilan nya ito.
"Papa naman baka may gagawin pa si Dustin. Masyadong maaga pa para magkwentuhan." Hiyang sabi nito sa ama.
"Ano ka na, syempre si Dustin ang pinakapaborito ko sa mga kaibigan mo. Nagtatampo pa ako dito dahil di pumunta ng bahay kahapon." Tampo nitong sabi.
"Haha pasensya na po tito busy kase ako kahapon kaya di ako nakapunta. Balak ko nga din pumunta ngayon sa bahay nyo pero nakita ko si Celyna kaya nilapitan ko na muna." Pagpapaliwanag ng binata kay Ginoong Ethan.
"Ganun ba? Oh rinig mo yun Celyna? Kaya tayo na dahil nagluluto pa ako at ang kantika kanina ko pa hinihintay yan." Paalala ng ama sa dalaga. Matapos ang paguusap ay umalis na sila sa bakanteng lote saka umuwi na ng bahay. Ang dalaga naman ay di parin makapaniwala na tumugma ang kanyang panaginip. Iniisip nito kung iisamg dahilan din ba ang ikinamatay nito pero mukhang baliw na ata sya kung pati yung pagkamatay nung babae ay tutugma din sa kanyang panaginip. Pagkarating ng bahay ay agad na pinaupo ni Celyna si Dustin sa sala.
"Gusto mo ng tubig?" Alok nito sa binata. Umiling naman ito bilang sagot kaya walang nagawa ang dalaga kundi ang umupo narin sa sopa.
"Kamusta? Matagal narin nong huli tayo nagkita." Tanong ni Dustin sa kanya. Tama nga sabi ni Celyna sa kanyang isip. Matagal narin silang di nagkita pero sa usapan ay nagusap sila tatlong buwan na ang nakalipas.
"Ok naman, medyo busy dahil sa mga ipapasa sa school. Ikaw? Huling paguusap natin hindi ganoon ka tagal." Tanong naman ng binata. Ngumit lang si Celyna. Tiniggnan nya nang mabuti si Dustin. Napaka amo ng kanyang mukha at awra noong mga bata pa sila. Sya yung tipong kaibigan na palaging nagagalit sa tuwing nasasaktan ng dalaga ang kanyang sarili. Sya yung palaging nagpapaalam sa mga magulang ni Celyna sa tuwing gagala sila pero ngayon mukhang marami na ang nagbago. Di na sya ganoon ka amo, bigla na lamang sya naging makisig at halata nito na para bang masungit na ang kababata nya.
"Ok lang din naman. Medyo nagbago narin haha." Hiya nitong sabi saka sinundan ng tawa. Maliban sa pagbabago ng binata ay tama nga ang sinabi nina clay na gumwapo nga sya. Mas gwapo na sya kesa kina Carl at Cole at inaamin nya yun kahit si Cole ang gusto nya.
"Naman, sa tuwing lumilipas ang panahon nagbabago din ang mga tao." Sabi nito na ikinakunot ng noo no Celyna.
" Haha tama ka." Yun na lamang ang tanging tugon nya sa sinabi ni Dustin. Matapos iyon ay tumahik bigla ang dalawa na animo'y parang may gusto silang sabihin pero di nila masabi dahil mau kung anong pumipigil sa kanila. Biglang nakaramdam ng pagkailang ang dalaga kaya tatayo na sana ito ng may biglang kumatok sa kanilang pintuan. Sabay na napatingin ang dalawa sa pinto at nakita nila na nakatayo si Cole at may bitbit na pinggan.
"Good morning." Nakangiting bati nito sa dalawa. Kung kanina ay naiilang si Celyna kay Dustin, ngayon ay nawala na nang makita si Cole. Todo na ang ngiti nito at para bang hangin na lamang si Dustin simula nong dumating si Cole.
"Good morning. Ang aga mo naman ata. Pa! Si cole!" Sigaw nito para ipaalam sa kanyang ama na nasa bahay si Cole.
"Pasok ka. Pasensya na di pa ganun ka linis yung bahay haha." Hiyang sabi nito. Si Dustin naman ay tahimik lang sa kanyang kinauupuan habang tinitiggnan ang dalaga. Alam nito na may gusto si Celyna kay cole dahil sya ang unang sinabihan nito noon kaya di na sya nagtataka kung ganyan umasta ang dalaga.
"Ok lang ano ka ba. Natural lang naman na makalat at isa pa di naman ako magtatagal pinapaabot lang ni nanay Tasing tong niluto nyang ulam." Sabi nito sabay abot kay Celyna ng pinggan na may lamang prinitong talong na may itlog.
"Alam nya kase na paborito mo ito kaya dinamihan nya nang luto para naman mabigyan ka." Abot langit ang ngiti ni Celyna nang marinig iyon kay Cole. Kinilig naman ito habang inaamoy ang ulam.
"Talaga? Pakisabi salamat ha? Nagabala pa talaga sya. Nagluluto din kase si papa." Sabi nito sa binata.
"Oh? Andito ka din pala Dustin." Gulat nitong sabi nang makita si Dustin na nakaupo sa harapan nila. Walang imik ang binata at di ito pinansin si cole.
"Niyaya kase sya ni papa. Sya nga pala, nabalitaan mo ba ang krimen sa bakanteng lote?" Tanong ni Celyna at pagiiba nya narin ng topiko dahil mukhang walang balak pansinin ni Dustin si Cole.
"Di ko alam eh. Kakagising ko lang kase tapos naabutan ko lang na may mga pulis sa bakanteng lupa. Di narin ako nagabala pang magtanong." Sabi nito kay Celyna. Si Dustin naman ay patagong ngumisi saka tumikhim. Napatingin naman ang dalawa sa kanya.
"Sorry, biglang kumati yung lalamunan ko. May tubig ka ba cel? Yung malamig sana." Utos nito kay Celyna. Di naman makapaniwala ang dalaga na inutusan ito ni Dustin. Inis na tumayo ito at iniwan na muna ang dalawang binata.
"Di ko alam na andito ka pala." Pagsisimula ni Cole ng usapan.
"Talaga? Di mo alam?" Makahulugang tanong nito kay Cole. Kumunot naman ang noo nito habang tinitiggnan sya ng seryoso.
"Sya nga pala, nagyaya sina clay na pumunta ulit sa lumang court kasama si Celyna. Di ko alam kung makakasama ako mamaya." Dugtong nito upang di makapagsalita si Cole. Tumango naman ang binata at di na ito nagsalita pa. Nagtaka naman si Cole dahil hindi naman sya ganito noong di pa dumating si Celyna. Minsan lang makihalubilo sa kanila at magsalita. Minsan lang din nila makita ang binata na lumalabas ng bahay kaya laking gulat nito na andito sya kina Celyna at ngayon ay kinakausap sya. Ilang minuto pa ay bumalik na si Celyna bitbit ang isang pitsel na may lamang tubig at ice.
"Eto na po master." Inis na nilapag nito ang dala sa maliit na mesa. Ngumisi naman si Dustin saka sumalin ng tubig sa baso.
"Ano, so umm mauna na ako? May gagawin pa kase ako sa bahay. Yung pinggan nga pala pwede mo namang ibalik mamaya." Sabi ni cole saka tumayo na. Tumayo narin si Celyna para ihatid sya sa pinto.
"Salamat ulit sa bigay mo ha. Wag kang magalala ako naman ang magbibigay sayo pag masarap luto ni papa." Tawa nitong sabi na ikinangiti ng binata.
"Oh sya. Magkita kita nalang tayo mamayang tanghali sa labas. Wag kalimutang magpaalam kay tito para di ka mapagalitan." Paalala ni cole kay Celyna. Tumango naman ang dalaga sala nagpaalam narin.
"Mauna narin ako." Napasigaw ng mahina si Celyna nang magsalita si Dustin sa likuran nya. Biglang tumayo ang kanyang mga balahibo at bumilis ang t***k ng kanyang puso. Bumalik ang mga ala-ala nya kahapon. May halong kaba at takot na tiniggnan nya si Dustin. Seryoso ang mukha ng binata at nakatingin lamang ito nang deretso sa kanya. Ang boses ni Dustin ngayon lang ay parang narinig na nya ito di nya lang matukoy kung saan.
"Cel?" Alalang tanong ni Dustin kay Celyna. Bumalik naman sa pagiisip ang dalaga saka umalis sa harapan ng binata.
"Hmm? U-uuwi ka din? Sige sasabihin ko kay kay papa." Sabi nito saka tumalikod. Di na sya nagabala pang harapin si Dustin kaya pumasok nalang agad ito sa kusina bitbit ang pinggan na dala ni Cole. Ayaw nyang pagisipan si cole ng masama dahil lang kinabahan sya kanina. Kilala nya si cole kahit limang taon man silang di nagkita. Alam nyang walang may nagbago sa kaibigan nito. Sa sobrang pagiisip ay di namalayan ni Celyna na tinatawag sya ng kanyang ama mula sa likuran nila. Habang si Dustin naman ay lumalabas na ng bahay na may pagtataka sa inasta ng dalaga. Di na nya ito inisip pa at baka ay mayroon ngayon si Celyna.