Chapter 3

3309 Words
"I guess that just goes to show you can't judge a person based on one or two times after meeting them"         - Unknown   CHAPTER 3   Celyna POV   Ala una na ng hapon at si Celyna ay nakatambay lamang sa kanyang kwarto. Nakahiga ito sa kama habang nakataas ang kanyang mga kamay hawak ang selpon at nagpipindot ng kung ano ano dito. Hinihintay nyang puntahan sya ng mga kaibigan dahil balak nilang gumala sa lugar ngunit ilang oras syang naghintay ay di parin sya sinusundo kaya naisipan nya munang tumambay sa kwarto. "May balak pa bang gumala yung mga yun?" Inis nitong tanong sa sarili. Bagot na bagot na ito sa bahay kahit dalawang araw pa lamang sya. Minabuti nya naring wag isipin ang nangyari kaninang umaga dahil sa tuwing pumapasok sa isipan nya ang bangkay ay naalala nya din ang kanyang panaginip. Sa gitna ng kanyang pagseselpon ay naalala nya si Cole. Makikita nya ulit ang binata at tiyak ay magsasama sila mamaya. Inaamin nito na gustong gusto nya talaga ang lalaki at gustong subukang umamin dahil pakiramdam nito ay mukhang may gusto din sa kanya si Cole.  Tanda nya pa ito noong mga bata pa sila ay mahilig si cole na asarin palagi ang dalaga. Minsan ay tinutukso at sinasabi na pag laki nila ay liligawan sya pero sa isip isip nya noon pa iyon, maraming bagay na ang nagbago kaya baka yung sinabi nya ay nagbago na rin. "Wala namang masama siguro ang umamin diba?" Tanong ulit nito sa sarili. Minsan kelangan mong sumugal para malaman mo yung mga bagay na gusto mo talagang gawin sa buhay. "Celyna,anak? Andito si Dustin gagala daw kayo." Tawag sa kanya ng ama mula sa pinto ng kwarto. Agad agad na bumangon ang dalaga saka nagayos ng mabilisan. Simple lamang ang kanyang suot isang puting short at Kulay pink na t-shirt. Pagkatapos magayos ng damit at buhok ay lumabas agad ito ng pinto at tumungo sa sala. Nadatnan nito si Dustin na nakaupo sa sopa habang nagseselpon. Lumapit ito sa kanya saka huminto mismo sa harapan ng binata. "Anong oras na. Kala ko di na kayo tutuloy." Reklamo nito habang nakapamewang pa. Lumipat naman ang tingin ni Dustin kay Celyna. Tinaasan nya lang ito ng kilay saka binalik ang selpon sa bulsa ng kanyang short. "Ano sa tingin mo? Walang trabaho ang mga tao dito?" Sagot nya kay Celyna. Umirap naman ang dalaga saka umupo sa tabi nya. Ganun parin si Dustin di nya nakakalimutan yung mga bagay na ginagawa nila noong mga bata palang sila. Di nya akalain na  sya mismo ang susundo at magpapaalam sa ama kaya may konting saya syang naramdaman sa puso. "Sorry ha? Sabi nyo kase ala una ng hapon pero magaalas dos na po." Depensa nya sa kanyang sarili. Narinig naman nyang tumawa nang mahina ang binata kaya tumingin ito sa kanya. "Pinagtatawanan mo ba ako?" Tanong nito kay Dustin na bigla namang tumahik at tumigil sa pagtawa. Umiling iling sya habang hawak ang baba. Umirap lang ulit ang dalaga saka hinampas ang binata sa balikat nang mahina. "Baka magpatayan kayo nyan." Napatigil sa paghampas si Celyna kay Dustin nang magsalita ang kanyang ama. "Tskk." Tanging tugon lamang ng dalaga saka sumimangot. Ngumiti naman si Dustin saka umayos ng upo. "Baka nga po mapatay ako ni Celyna tito. Kayo na po ang bahala sa katawan ko kapag nangyari nga iyon." Biro ng binata. NapailinNainis naman ulit ang dalaga kaya napahampas ulit ito sa balikat ng binata. "Nangiinis ka ba? Aishh! Bat kase ang tagal ng iba." Inip nitong sabi saka inirapan si Dustin. Ang binata naman ay walang magawa kundi hayaan na lamang si Celyna sa kanyang ginagawa. "San ba kayo pupunta? Naku, nakita nyo ba yung nangyari kanina? Sige kayo baka matulad kayo dun sa babae." Bilin ni ginoong ethan kina Celyna at Dustin. "Ayaw nyo lang ako payagan eh." Simangot na tugon ng dalaga sa ama. Tumawa naman si Dustin pero tumahimik din agad agad dahil sa matulin na tingin ni Celyna sa kanya. "Hindi naman sa hindi kita papayagan. Yung sa akin lang nagaalala ako sa inyo lalo na sayo dahil nakita mo yung biktima? Isang dalaga." Paliwan ni ginoong Ethan. "Ano naman kung dalaga? Pa, everyone can be a victim at isa pa para ka namang others. Umuwi nga tayo dito para makapagbakasyon." Sabi ng dalaga. Bumuntong hininga na lamang si Ginoong Ethan. "Wag po kayong magalala tito sa lumang court lang naman kami pupunta. May mga tao din naman doon tuwing hapon para maglaro ng volleyball." Sabat naman ni Dustin. "Sya sya! Naku wala talaga kayong pinagbago, mapagpumilit parin kayo. Basta yung bilin ko Celyna umuwi ka pagpatak ng alas kwatro." Bilin ng kanyang ama na wala ng nagawa kundi ang payagan silang dalawa. "Yes boss!" Ngiting sigaw ng dalaga saka sumaludo pa na parang sundalo.Napangiti namam ang kanyang ama saka di na nagsalita pa. Bumaling naman ang tingin ng dalaga kay Dustin na ngayon ay nakangiti rin habang tinititigan sya. "Alam ko namang maganda ako." pagmamayabang nya saka pogi pose. "Kadiri. Tara na nga salubungin nalang natin yung iba sa labas masyado na kaseng mahangin dito." Pangaasar nya kay Celyna saka agad na tumayo. "Kapal mo! Pa, mauna na kami. Promise uuwi ako ng maaga!" Paalam nito sa kanyang papa saka sumunod na kay Dustin palabas ng bahay. "First time bang nangyari yung may natagpuang patay sa inyo dito?" Tanong ni Celyna kay dustin na tumatayo katabi nya habang naghihintay ng iba pang kasamahan. "No. Ilang beses ng nangyari to pero ngayon lang na ulit." Simpleng sagot nito sa dalaga. "Ahh dami ng nagbago noh? Noon kase lubak lubak pa yung daan dito ngayom sementado na." Sabi ni Celyna habang sinisipa nya ang mga maliliit na bato sa kalsada. "Talagang marami na nga ang nagbago." Tugon ni Dustin na di makatingin sa dalaga. Si Celyna naman ay pasimpleng sumilip sa kanya. Ngayon nya lang ulit napagmasdan ng malapitan ang mukha ng binata. Matulin at matangos ang ilong, mahaba ang mga pilik mata at may pagkatigre ang kanyang mga mata. May maliit na nunal sa dulo ng kanyang ilong at sa ilalim ng kanyang kaliwang mata. Medyo mahaba haba narin ang kulay itim nyang buhok. Kung ihahambing ang kanyang mukha ay para syang isang sikat na koryano na si Kim Taehyung ng BTS. "Baka matunaw ako nyan." Ngising sabi ni Dustin ng mahuli nya si Celyna na titig na titig sa kanya. Nagulat naman ang dalaga kaya agad na umiwas ito ng tingin. "Ano, ano kase may dumi ka sa ilong mo." Sambit nito saka walang malay nyang nilapat ang kanyang daliri sa ilong ni Dustin saka ito hinaplos ng dahan dahan. Di nya mapaliwanag ang kanyang naging aksyon ang tanging alam nya lang ay gusto nyang mahawakan ang maliit na nunal ng binata. "Ay iba!" Agad agad na binawi ni Celyna ang kanyang kamay ng biglang sumigaw sa likod nila si Clay. Napalingon silang dalawa at nakita na papalapit sa kanila sina Clay, carl, christian at Cole. Sa kanilang apat ay unang nahagip ng dalaga ay si Cole na nakasuot ng taslan short na kulay brown at puting t-shirt. "Ano yun. Bat may pa hawak ilong kayong nalalaman ha." Pangaasar ni clay sa dalawa. "Pinagsasabi mo." Tangging sabi ni Celyna na nakatingin lang kay cole. Sa isip ng dalaga sana ay di nakita ni Cole ang ginawa nya. "Sus deny pa more. At ikaw naman Dustin, sabi mo di ka sasama." Pagiiba naman ni clay ng usapan. Sa narinig ni Celyna ay dumako ang tingin nya kay Dustin. "Bawal na ba ang magbago ng isip?" Sagot ni Dustin. "Oo, lalo na pag wala kang isip." Pagbibiro naman ni Christian na ikinatawa ng iba. "Nakakatawa yun? Jan kayo magaling eh samantalang kami dito kanina pa naghihintay." Singit ni Celyna. Tumahimik naman agad sila saka binaling ang atensyon sa paligid na animo'y iniiwasan nila ang masamang tingin ng dalaga. "Tama na yan baka magsampalan pa kayo." Suway ni Carl saka tumalikod na at nagsimulang maglakad kaya sumunod narin ang iba pa. "Ikaw kase eh ang lakas mo mang asar." Sumbat ni Clay kay Christian na nilabas lang nito ng dila saka kumaripas ng takbo para habulin si Carl na nauna na. Wala namang tamuhang nangyari dahil normal lang sa kanila ang magbangayan at asaran. Natatawa nga sila dahil parang bumalik sila sa pagkabata. Habang naglalakad ay napansin ni Celyna na tahimik lang si Cole simula nong dumating sila kaya naisipan nitong lapitan at pumantay sa paglalakad. "Hi." Maikling bati nito sa binata. Tumingin namn sa kanya si Cole saka tumango at nginitian. "Ok kalang? Mukhang wala ka sa mood ah." Tanong nya. "Pano mo na sabi? Actually tahimik talaga akong tao." May halong pagbibiro ang kanyang sinabi na ikinatawa naman ni Celyna. "Sus sinunggaling." Yun lamang ang nasabi nya at di na nasundan pa. Biglan naman syang nakaramdam ng pagkailang ng di narin nagsalita ang binata. Nakakatawa man pero sa isip ng dalaga ay kailangan nyang gumawa ng paraan para mawala yung ilang sa pamamagitan nilang dalawa. "Ano-"  Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin ng biglang sumulpot sa tabi nya si Clay saka sya inakbayan. "Uy malapit na pala birthday mo cely gurl." Sabi ni clay. Napangiwi naman sya at pasimpleng kinurot sa tagiliran ang kaibigan para iparating na panira sya sa moment nilang dalawa. "Aray naman gurl! Nangungurot ka!" Arte artehan nitong sigaw na para bang masaki yung kurot. "Tigilan mo ko putik." Banta nito sa kaibigan. Narinig naman nyang tumawa si Cole kaya napangiti sya ng patago. "So ano na? Ano balak mo sa birthday mo?" Excited na tanong sa kanya ng kaibigan. "Ewan, pinagiisipan ko pa kung maghahanda ba ako o hindi." Sagot nito. "Ay pinagiisipan pa ba yan? Syempre dapat #throwaparty tayo." Suhestyon ni Clay. "Ikaw ba ang magbeberthday?" Biglang sumingit naman si Dustin sa usapan. Nasa likod lang sya di kalayuan sa iba. "Ay wow sumasapaw. Kausap ka ba?" Inis na sabi ni Clay saka sya inirapan. Nakangiti namang pinagmasdan ni Cely ang dalawa. "Baka kayong dalawa talaga ang para sa isa't isa." Pagbibiro nito. Umasta namang nasuka si clay nang marinig nya ito mula sa kaibigan saka dumestansya sa kanilang tatlo. "NO WAY! Ayaw ko sa kontrabidong lalaki na palagi nalang kinakalaban ang mga sinasabi ko." Paliwanag ng dalaga saka dumikit ulit kay Cely. "As if namang papatol ako sayo. Mas gugustuhin ko pang majowa si Christian kesa sayo." Rebat naman ni Dustin. "Yan, jan nagsisimula ang pag iibigan, sa away." Tukso ulit ni Cely. "So kelangan bang awayin din kita?" Nasa dalawa man ang atensyon ng dalaga ay narinig nya parin ang sinabi ng katabi nyang si Cole. Napalingon naman agad ito saka umasta na parang nagtaka. "Ano sabi mo?" Maang maangan nitong tanong. Tumaas lang ang noo ng binata saka umiling. "Wala akong sinabi. Baka nabibingi ka na." Sagot nito sa kanya. "Sus deny pa ang pogi." Sabi nito sa kanyang isip. Pero sa totoo ay kinilig sya nong narinig nya iyon kanina. Ibig sabihin din ba nito ay gusto din sya ng lalaki? "Hoy! Ano na! Wala na bang ikakabilis yang lakad nyo!" Napatingin silang lahat ng sumigaw sa harapan nila di kalayuan si Carl kasama si christian na nakarating na sa lumang court. "Nagrereklamo na po ang lolo nyo kaya bilisan nyo na bago pa mainis yun at umuwi." Asar na sabi ni Clay saka iniwan na ang kasamahan at tumakbo. Naiwan naman sina cely, Dustin at Cole. Tahimik silang naglalakad. Paminsan minsan ay sadyang binabangga ni Dustin ang dalaga sa balikan. "Nananadya ka ba Alikabok?" Inis na tanong nya sa binata na walang balak pansinin ang hinaing ng dalaga.              ~kring kring kring~ Napatingin ang dalawa kay Cole ng biglang tumunog ang selpon nito. Huminto muna sila sa paglalakad para sagutin ang tawag. "Hi." Bati ni Cole sa kabilang linya. Nakatingin naman sa kawalan ang dalawa habang hinihintay si Cole. "Umm pwedeng mauna na kayo? Saglit lang to susunod ako." Hiyang sabi ni Cole sa dalawa. Ayaw din naman nitong paghintayin sila dahil sayang ang oras. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang umayon pero para sa dalaga ay ayaw nya sana at gustong samahan ang binata. Nagtataka ito kung sino ba yung tumawag sa kanya at bat kailangan pa silang paunahin ni Dustin. "Bilisan mo tol." Ikli na sabi ni Dustin saka kinaladkad na si cely. "Tangina naman Dustin kung makahawak ka parang di ako tao ah." Inis na sabi nito sa binata pero yung tingin nya ay kay Cole parin na naiwan. "Dahil aso kita. Come doggy bilisan mong maglakad." Asara nito sa dalaga. Kahit inis na inis si Cely ay hinayaan na lamang nya si Dustin. Habang naglalakad ay di maiwasang di mapatingin ang dalaga sa kamay nya. Hawak hawak ito ni Dustin habang naglalakad. Ang gaan ng kanyang paghawak at di mo mararamdaman ang paghigpit nito. Ng makarating sa lumang court ay agad na bumungad ang iilang binata at dalaga kasama narin doon ang mga bata na naghahabulan. Mayroong net sa gitna at bolang palipat lipat lumipad sa court. Hinanap naman nila sina Carl at christian na di naman mahirap hanapin dahil nasa gitna na sila at nakisali sa laro. Pasimpleng umupo ang dalawa sa gilid kung saan ay may upuang mahaba  na gawa sa semento. Hanggang sa pag upo ay magkahawak parin sila ng kamay at mukhang wala ng balak pang bitawan ang isa't isa. "Gusto mong sumali?" Tanong ni Dustin sa kanya na di tumitingin. "Nah, maya na." Sagot naman nya saka tinignan ang binata. "Sus aminin mo di ka lang marunong maglaro ng volleyball." Asar nito sa kanya saka sinundan ng tawa. "Aishh yan ka na naman! Marunong kaya akong maglaro sadyang tinatamad pa ako. Kakarating lang kaya natin." Tampo nitong sabi. Bukod sa pagod ay wala din syang gana na makipagsagutan kay Dustin. Imbes na makipagaway ay tinuon nalang nya ang atensyon sa entrance ng lumang court. Hinihintay nitong iluwal si Cole. Sa kanyang pag titig ay di nya alam na may nakatitig din sa kanya. "Ano ba naman yan Celyna. Hawak mo na nga kamay ko pero iba parin ang hinahanap mo." Pasimple nitong sabi sa dalaga. Bumaling naman ang tingin ni Cely kay Dustin saka binigyan ng matalim na tingin saka marahas na inalis ang kamay sa binata. "Kapal din naman ng mukha mo para sabahin yan eh ikaw nga yung todo hawak sa kamay ko at walang balak bitawan." Inis nitong sumbat sa lalaki saka lumayo ng distansya. "Ako pa talaga. Ikaw kaya tong mahigpit kung makahawak kaya di ko maalis kamay ko." Pangiinis ulit ni Dustin. Kahit sa totoo naman ay pareho silang nakahawak ng mahigpit kaya di mabitawan ang isa't isa. "Kapal mo." Yun na lamang ang nasabi ni Celyna saka tumahimik na. Sa sobrang inis ay parang gusto na nitong sakalin ang binata pero mas pinili nya itong kumalma at pinapanalangin na dumating na si Cole para mapawi ang kanyang inis at gumanda ang awra nya. Sa ganong ideya palang ay kinilig na agad sya pero bumalik ulit ang inis. Ilang minuto ang lumipas at sa wakas dumating na nga si Cole na agad namang tumabi sa kanya. "Bat ang tagal mo?" Tanong nito sa binata. Halata sa mukha ng binata ang saya kaya nagtaka ito at gusto sanang itanong kaso nahihiya sya at baka ano pa isipin ni Cole. "Ha? Ano kase ang tagal magkwento yung  tumawag sakin. Bakit? Namiss mo agad ako?" Asar nito sa kanya.  Sa isip ni Celyna mas mabuti pang magpaasar kay Cole kesa kay Dustin na puro nalang inis ang mararamdaman mo pero pag kay Cole ay animo'y nagkakantahan ang mga anghel sa langit sa tuwing sya ang nangaasar. "Luh, hahah di ah." Tanggi nito sa binata kahit totoo namang namiss nya ito. "Sus.." may sasabihin pa sana ang binata ng mapansin nya si Dustin sa tabi nya. "Nyare sayo pre?"  Tanong ni Cole sa kanya. " Wala." Yung lamang ang kanyang sagot saka tumayo at lumapit sa mga naglalaro. "Sali." Paalam nito saka pumwesto na. Naiwan namang nakanganga sina Celyna at Cole dahil sa inasta ni Dustin. "Nyare dun sa kanya?" Takang tanong ni Cole Kay Cely. "Baka namatayan ng langgam." Biro nito. Wala itong pake sa lalaki dahil inis parin ito sa kanya at wala syang balak bigyan pansin lalo na kasama nya ang crush nyang si Cole. Minsan lang sila magsama na silang dalawa lang Kaya di sya papayag na may umepal sa get along nila. "Yung tungkol sa birthday mo. Talaga bang wala ka pang balak kung ano ang gagawin mo?" Pagsisimula ni Cole ng usapan. "Hmm. Gusto ko namang maghanda, syempre di mawawala yun sa birthday noh. Pero other side of me gusto kong magpaparty HAHAHA." Natawa sya sa huli nyang sinabi. Di na bago sa kanya ang magparty dahil una ay nakatira sya sa city kaya sanay na sya dumalo sa mga party club kahit 19 palang sya. Kaya sa parating na kaarawan ay naghahangad sya ng paparty. "Iba ka din talaga. Ginagawa mo siguro sa lungsod yan no?" Manghang tanong ni Cole. "Naman, di mawawala yung city life pag sa city ka nakatira." Pagmamalaki nito. Tumawa naman si Cole sa sinabi ng dalaga saka napatitig sa mukha nito. Si Celyna ang tipong babae na isang tingin mo palang ay alam mong maganda na ito. Mestisa, matangos ang ilong, hugis puso ang labi at may pagkapula ito. May dimple din sa kaliwang pisngi at maliit na nunal sa gilid ng kanang mata. "May dumi ba mukha ko?" Inosenteng tanong ni cely kay cole ng mahuli nitong nakatitig sa kanya. "Wala. May alikabakok lang bandang pisnge mo." Palusot ni Cole saka dahan dahang nilapit ang palad sa mukha ng dalaga. "Pisnge? Pero bat ganamit nya ang palad imbes na kamay?" Takang tanong no cely sa sarili. Pero kahit ano man ay inaamin nyang nakaramdam sya ng paru-paru sa tiyan. "Yan. Maganda ka na ulit." Ngiting sabi ni Cole saka inalis ang palad sa mukha nya. Bigla namang namula si Cely at agad na umastang nauubo para makaiwas at maitago ang namumulang pisnge nito. "Ok kalang??" Alalang tanong ni Cole. Tinaas naman nya ang kanyang kamay at sumensyas na ok lang sya. "Whooo!" Sumulpot naman si clay na puno ng pawis saka umupo sa tabi ni cely. Kasunod nito ang iba pa na sina Christian at carl. "Nyare sayo bis?" Tanong no Clay kay Celyna na nakahawak sa dibdib nya. "Wala nabulunan pang ng laway." Pagsisinunggaling nito sa kaibigan saka nagayos ng upo. "Laway na ngalang nabulunan ka pa." Singit ni Carl na abala sa pagpahid ng pawis sa noo. "Parang di naranasan ah." Ngising rebat ng dalaga sa kanya. Dumako naman ang tingin nya sa mga taong naglalaro sa gitna at di nya mahagip si Dustin. "Si Dustin?" Tanong nito sa tatlo. "Umuwi. Biglang nakaramdam ng pagtatae." Sabat ni Carl. Lahat naman sila ay napadiri sa sinabi ng binata. "Ang laswa mo!" Sigaw ni clay saka hinapas si Carl ng panyo "Kadiri carl ha." Diring sabi naman ni Christian. "Ayaw mong maglaro?" Tanong ni Christian kay Cely. "Uuwi na ba tayo?" Tanong nito pabalik.  Nahihiya parin syang sumali dahil konti lang kilala nya sa mga naglalaro at yung iba naman ay bago palang sa kanya ang mga mukha. "Oo, mukhang uulan na eh." Sagot ni carl. Napatingin naman silang lahat sa langit at tama ngang paulan dahil maitim ang ulap. " Tara na, last game tapos uwi agad." Yaya ni Carl kina cely at Cole kaya Wala silang nagawa kundi ang pumayag na lamang. Tumayo na silang lahat saka tinungo ang gitna ng court. Walang pake si Celyna kung maabutan man sila ng ulan o hindi ang mahalaga ay nageenjoy sya kasama ang ibang pang mga kababata noon na nalimutan na sa sobrang tagal nyang nawala sa lugar.  Ang mahalaga sa kanya ay maibalik ang dating saya nya at ang pangungulila ng mga nakaraang alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD