Chapter 4

2644 Words
Your intellect may be confused, but your emotions will never lie to you. – Roger Ebert Chapter 4 Puno ng tawanan at kulitan ang magkakaibigan matapos silang maglaro ng volleyball. Paunti-unti naring umuwi ang mga tao dahil takot maabutan ng ulan pero para kina celyna ay wala silang pake at balak pa ngang maligo. "So ano? Gora?" Yaya ni Clay sa iba. "Kung sino ang unang magkasakit lilibrehin ang tropa." Sabat naman ni Celyna na ikinaharap ng iba sa kanya. "What? Just like the old times. Yung tipong bubble gum lang kaya natin noon pero ngayon nangangamoy milktea na." Dugtong nito saka tumawa. "May pera ka?" Tanong ni Carl sa dalaga. "Meron, may pera ka?" Tanong naman nya pabalik. "Wala." Simpleng sagot nito. "Sus wala daw. Sige na kase! Para naman worth it yung ligo natin sa ulan at  lagnat." Pilit ni Celyna sa mga kaibigan. "Eto nalang. Kung sino yung unang lalagnatin, aambagan ng tropa sa gamot." Suhestyon ni Dustin. "Aba tol minsan ka lang bumuka ng bunganga tapos may kasense sense pa."  Birong puri ni Christian kay Dustin saka hinampas ito ng mahina sa balikat. "Di tulad ng iba jan napaka ingay na nga wala pang kwenta yung mga sinasabi." Dugtong nito saka pasimpleng tumingin kay Clay. "Bat di mo sabihin sa pagmumukha ko yan christian?" Kompronta ng dalaga sa kaibigan saka nilapitan ito at namewang sa harapan nya. "Bat di kayo mag sabunutan para malaman kung sino ang tunay na babae?" Biro ni Celyna. Inis namang bumalik sa kinauupuan nya si Clay. "Ano na? Bumabagsak na yung ulan." Singit ni Carl na nakatingala sa langit. Ramdam narin ng iba amg munting patak ng tubig mula sa taas. "Gora na!" Sigaw ni Celyna saka tumayo na sa kinauupuan. Sumunod narin ang iba pa. "Basta ha yung usapan natin ambagan." Paninigurado ni clay. Tumango naman ang lahat saka umalis na. Medyo maitim narin ang langit at may konting hangin na humahampas sa kanila habang naglalakad sa daan pauwi. "Andaya naman." Rekmalo ni Clay habang naka hawak sa braso ni Celyna. Napatingin naman ang iba sa dalaga. "Bat?" Tanong ni Celyna. "Wala si Dustin. Unfair ughh!" Sabi nito. Tumawa naman si Christian at Carl ng malaman ang hinaing nya. Si Celyna ay tahimik na inalalayan si Clay dahil paarte arte itong natutumba. "Umayos ka nga bakla! Siguri gusto mo si Dustin?" Pangaasar ni Cely sa kanya. "Luh! Hindi ah! Eww mas pipiliin ko pang ma boyfriend si christian kesa sa maging crush sya." Sabi nito na para bang nandidire sa sinabi ng kaibigan. "Ako na naman. Pasensya na mare pero di tayo talo." Sabi ni Christian saka pumagitna sa dalawang dalaga at inakbayan. "Don't worry biro ko lang naman yun tskk." Inis na sabi ng dalaga pero hinahayaan naman nito ang braso ng binata sa kanyang balikat.  Habang masaya ang iba ay si Celyna naman tahimik lamang. Maraming iniisip at iniintindi na di nya alam kung saan nanggaling. Di din sya nagsasalita o nakikisali sa biruan ng mga kaibigan. Sa kanyang pananahimik ay di nya namalayan na sa tabi na pala nya si Cole. "Ok kalang?" Tanong ng binata sa kanya. Umangat naman ang tingin nito saka nakita ang binata na nakatingin sa kanya. "Ha? Oo naman haha bat naman hindi?" May konting tawa ang kanyang pagsabi. Ngumiti naman si Cole saka tumingin na sa kalsada. "Wala lang tahimik mo kase kaya baka may problema ka." Sagot nito. Tumango tango si Cely sa sinabi nito. Napatingala naman ang binata at saktong bumuhos ang ulan. "Walang tatakbo!" Sigaw ni Carl sa mga kasama. Si Clay naman at christian ay nagtutulakan na sa kalsada at naglalaro sa gitna ng ulan. Mukhang mga baliw sila sa kalsada dahil sila lang din ang natitirang tao at kung iisipin ay bakit sila naglalaro sa gitna ng ulan? "This is gonna be fun." Sambit ni Celyna sa sarili. Nilibot nito ang kanyang paningin at tanging sila lang talaga ang tao sa kalsada. Masyadong mabigat at makapal din ang ulan dahil napapansin nito na medyo masakit ang ulo nito dahil sa mga tubig na bumabagsak mula sa langit. Medyo naghahangin din kaya paminsan minsan ay nilalamig sya. "Happy?" Out of nowhere, biglang sumulpot si Carl sa likod ni Cely na nakangiti. Ngumiti din ang dalaga saka tumango. "Mukhang delikado ah.. parang nilalamig ka." Biro ng binata sa kanya sabay tapik sa balikat nito. "Ay we? Di ah, di ako magpapatalo. Mas ok na ung aambag ako kesa sa magkasakit." Depensa ng dalaga sa sarili. Tumawa naman ang binata saka ginulo ang basang buhok ni Cely. "Baka ikaw. Naku pag ikaw talaga yung lalagnatin satin tangina sagot ko na Gatorade mo." Asar nito kay Carl at tumawa ng malakas. "Ay wow oh!" Sigaw ng binata na para bang pinaparating nya sa iba na inaapi sya ng dalaga. "Narinig nyo yun? Pinapanalangin ni cely na magkalagnat ako!!" Tampo nitong sabi saka lumaya sa dalaga at umasta na nasasaktan.. "Hoy! Grabe ka ha! Hahaha tumigil ka nga! Gawa gawa ka ng kwento jan." Suway nito sa kaibigan na tawang tawa na.  "Masama yun ha." Biglang napalingon sa likod nya si cely nang marinig ang boses ni Cole mula sa likod. "Ikaw din, baka ikaw yung lagnatin." Dugtong pa nito saka tawa ng mahina at mabilisan. "Pati ba naman ikaw." Tampo nitong sabi sabay pahid sa mata dahil hirap na ito makakita dahil sa ulan. "Biro lang." Bawi ni Cole saka pinitik ng mahina ang noo ng dalaga. "Dapat di ikaw yung lalagnatin. Try your best to survive." Simple nitong sabi. Survive? Tanong ng dalaga sa sarili. Sa isip nito ay ano na ang ginagawa nila? Bakit may pasurvive na nalalaman ang binata? "Survive ka jan. Malakas kaya immune system ko. Baka kayo." Pagtatanggol nito sa sarili. Narinig naman nyang tumawa ang binata kaya napatingin ito sa kanya. Kahit makapal ang ulan at halos di na nya mamulat ang kanyang mata ay kitang kita nya parin ang pagmumukha ni cole. Kahit maulan ay malinaw parin sa mata nya ang kagwapuhan na tinataglay ng kaibigan. Ang mapupulang labi at mapungay na mga mata. Matangos na ilong at perpektong hugis ng mukha at kitang kita parin kahit palibutan man sila ng usok. "You know what it's my first time to see a real life prince." Pasimpleng banat nito kay Cole.  Hindi nya alam kung bat nasabi nya yun dahil sa kaloob looban ay totoo naman na para syang prinsipe na nabuhay sa libro. "Seriously Cely? Where did you get that?" Pilit na tinatago ng binata ang kanyang ngiti dahil ayaw nitong malaman ng dalaga na kinilig sya sa kanyang sinabi. "Tskk ang kj mo. Di ka marunong magappreciate ng mga banat mula sa magandang dalaga. Pano ka magkakajowa nyan?" Inis nitong sumbat sa kaibigan. Sayang lang din ang banat nya dahil imbes na pansinin ni Cole ang sinabi nya ay kinwestyon nya pa ito kung saan napulot Ang mga katagang iyon. Pano nalang pag nagpapansin na sya sa kanya? Baka isipin na nun nagpapaepal sya o papansin. "Hahaha ito naman. Nagulat lang ako. Ikaw kase bigla bigla kang nagsasabi ng mga ganyan." Hiyang sabi nito sa dalaga. Nagpapasalamat na lamang si Cole na umuulan kung hindi ay kitang kita na ang kanyang ngiti. " Allergic ka sa mga banat? Ahh Kaya naman pala wala kang jowa." Biro ni Cely. "Di ka sure. Eh ikaw nga banat ka ng banat wala namang najojowa." Asar pabalik ni cole kay cely na ikinagulat ng dalaga. Nagulat ito dahil di nya aakalain na papatulan ni Cole ang mga biro nya. Patagong ngumiti ang dalaga. "Ayaw mo kase." Mahina nitong sabi pero hinihiling na sana narinig ni Cole ang kanyang sinabi. Gusto nito umamin para naman habang maaga pa eh kelangan sabihin agad ang nararamdaman para naman di na masakit pag nauwi sa rejection. "Ha? May sinabi ka?" Takang tanong ni cole sa kanya. Nanghihinayang man ay pinili nalang ni celyna na wag nalang sagutin ang tanong ng binata. Mas mabuti na nga siguro na bigyan nya pa ng konting panahon ang sarili na paghandaan ang pagaamin. Siguro mas maganda na muna ang biru biruin sya para mabigyan ng ideya ang binata na may pagtingin ito sa kanya. "Nilalamig na ako."  Biglang sumulpot si Carl sa harapan nila na yakap yakap ang sarili at nanginginig na. Di naman napigilan ni Celyna ang matawa dahil mukhang basang sisiw na ang kaibigan. "Tinatawa tawa mo jan." Tampo nitong tanong habang palapit sa ang binata kay Cely. "Pahug." sabi nito saka akmang yayakapin na sya nang pinigilan sya ni clay sa pamamagitan nang paghila sa sentido ng damit nya. "Aray! Ano ba putik nagseselos ka ba?". Sigaw nito kay clay na ngayon ay diring diri sa sinabi ni Carl. "Sabihin mo lang kung nagseselos ka. Kaya naman kitang yakapin sa leeg ngalang." Inis nitong sabi na may halong pangaasar habang hinimas himas ang leeg. "Selos your face. Saka na ko magpapasakal sayo if magandang sakal yung gagawin mo." Makahulugang sabi ni Clay. Napangiwi naman ang iba ng malaman ang tinutukoy ng dalaga. "Ang laswa mo bis." Sabi ni christian. Si Christian yung tipong bakla na lalaking lalaki kung gumalaw dagdag mo na yung malalim nyang boses kaya di talaga makikita yung bahid ng kamanyakan sa pagkatao nya. "Bis, galing sayo yan wag kang painosente." Sabat ni clay sabay irap kay christian. "Away na naman. I swear kayo talaga ang endgame." Asar ni Cely. "No thanks." Arteng tugon ni Clay. Di nalang sumagot pa si Cely o kahit kanino sa kanila. Tahimik narin silang naglalakad pauwi dahil medyo nandidilim na at di nila alam kung anong oras na. Si Celyna naman at Cole ay tahimik lang din pero paminsan minsan ay nagsasalita din sila at naguusap. Si carl na tahimik lang sa likod at ninanam nam ang lamig at ulan. Si Christian na inaakbayan si clay kahit kani kanina lang ay halos magsakalan na silang dalawa. Tahimik at walang ingay. Silang lima lang din ang tao sa gitna ng ulan na naglalakad sa kalsada. Sarado ang mga pinto at bintana. Ang ibang bahay ay may mga ilaw nang umaandar at iba naman ay wala. Kung iisipin ay para ba silang nawawalang tao sa lugar na abandonado. "Pano ba yan. Hanggang dito nalang ako." Paalam ni Celyna ng huminto sila sa tapat ng bahay ng dalaga. "Daya mo." Singit ni Cole. Magkatapat at mag katabi lang din naman ang mga bahay nila kaya para kay Cely ay di yun madaya dahil ilang hakbang nalang din naman ay nasa kani kanilang bahay narin sila. "Anong daya. Sige na mukhang nanginginig na si carl haha." Sabi nito sabay tawa nang malakas. "Baka ikaw.  Sige na baka nagaalala na si papa. Kayo din maligo kayo pagdating nyo sa bahay nyo ng di kayo magkasakit." Bilin ng dalaga sa kanila bago pumasok ng bakod. "Yes po madaam. Wag ka sanang lagnatin." Biro ni christian saka nagpaalam na. Sumunod naman si clay at Carl na umalis kaya naiwan na lamang si Cole at Celyna. "Ano.. umm sige na papasok na ako." Ulit na sabi ng dalaga. Nahihiya ito dahil bakit di parin umaalis ang binata. May sasabihin ba ito sa kanya? "Yeah.. see you tomorrow?" Hiyang tanong ni cole sa kanya. "Hmm. See you tomorrow." Hiyang sabi ni Celyna. Oh god please paalisin nyo na sya huhu di ko na alam kung ano pa sasabihin ko sa kanya.   Sabi nito sa sarili. Ramdam nito ang ilang dahil titig na titig sa kanya ang binata. "Celyna??"  Naputol ang titigan ng dalawa ng biglang tinawag ang pangalan ni Celyna mula sa likuran nya. Lumingon naman ang dalaga at nakita nya ang kanyang ama na nakatayo sa pintuan "Anong ginagawa nyo jan? Celyna magkakasakit ka nyan!" Suway ng kanyang ama. "Sige na. Papasok na ako. Umuwi ka narin." Pagmamadaling paalam ng dalaga kay Cole saka tumalikod na. Di pa man sya nakalayo mula sa bakuran ay narinig nya ang sinabi ng binata na ikinangiti nito. Pagdating ng pintuan ay agad na binigyan sya ng kanyang ama ng isang tuyong tuwalya. "Bat ka naligo sa ulan? Alam mo bang anong oras na? Anong pinaguusapan nyo ni Dustin?" Di pa nakapasok ng bahay ay agad syang inambunan ng tanong galing sa kanyang ama. "Cole. Si cole yun and please? Let me in first dahil nilalamig na ako?" Pagmamakaawa ng dalaga sa ama. Wala namang nagawa si Ginoong Ethan kundi ang umalis sa harapan ng anak at hinayaan na itong pumasok sa loob ng bahay kahit basang basa pa ito. "Pagiinitan kita ng gatas. Maligo ka at mag bihis." Bilin ng ama sa kanya. "Opo. " Tugon ni Cely saka pumasok na ng CR.  Kahit nilalamig sya at malamig din ang tubig ay wala ng pagpipilian si Celyna kundi ang maligo dahil pag Hindi ay tiyak na lalagnatin ito.  Ilang minuto lang ang kanyang pagligo ay agad naman syang lumabas ng cr na naka tuwalya lamang na nakabalot sa kanyang katawan at tinungo ang kanyang kwarto upang magbihis. Pagpasok nito sa kwarto ay ang unang nakakuha ng kanyang atensyon ay ang kanyang bintana na bukas at palipad lipad ang mahabang kurtina dahil sa hangin. "Seriously pa!" Sigaw nito dahil sa inis. Nagaalala ito dahil baka nakapasok ang tubig sa loob. Nilapitan nito ang bintana at isasara na sana ng maaninag nya ang isang anino mula sa labas ng bahay nila. Hindi ito sigurado kung tao ba ito o ano dahil sa sobrang kapal ng ulan at may kadiliman narin ang langit kaya di ito malinaw kung ano ang kanyang nakikita. Pero para sa kanya ay mukhang tao ito na nakatayo at nakatingin sa kanya. Di ito kinabahan dahil di parin naman sya sigurado kaya walang pake nyang sinara ang bintana at tinungo na ang aparador upang makapagbihis na. Simpleng pajama lamang ang suot nito na kulay itim at kulay gray na t-shirt. Pagkatapos magbihis ay lumalabas narin sya ng kwarto. "Nasa sala ang gatas mo." Sabi mg kanyang ama ng makalabas ito sa kwarto nya. Tumango namn si Celyna saka pumunta na ng sala at umupo saka nagsimulang ihipsn ang mainit init na gatas. Lumapit naman si Ginoong Ethan sa kanya at umupo sa tabi na may hawak na tasa. "So bat kayo naligo sa ulan?" Tanong nito sa dalaga. "Kase naabutan kami? Papauwi narin kami ng biglang umulan." Pagpapaliwanag nito na may konting pagsisinunggaling. "And hep, it's still 4:45 pm so early palang and I am not late. Am i?" Balimbing nitong tanong sa ama. Bago sya lumabas ng kwarto ay tiniggnan nya ang oras sa kanyang selpon kaya walang takas ang ama kapag sinabing gabi na sya nakauwi. "Palusot ka talaga. Pag ikaw nilagnat bahala ka." Bilin ng ama saka sumipsip ng kape sa tasa nya. "Nah, besides di ako pwedeng magkasakit dahil may bet kami. Kung sino ang magkakasakit ay aambagan ng gamot." Paliwanag nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay di malinaw kay ginoong ethan ang sinabi ni Celyna. "Oh? Ano naman? Edi maganda kase di ka gagastos ng gamot at meryenda." Sabi nito. Napangiwi naman si Celyna. "Ehh? Kahit libre pa yun ayaw ko nga. Alam nyo naman pag nilalagnat ako no." Sabi nito sa ama. "Alam mo naman pala na pangit pag nilalagnat ka pero naligo ka parin." Sabat ng kanyang ama. "Wala akong choice no at isa pa pauwi na kami nun ng biglang umulan." Simangot nitong sabi saka uminom ng gatas. " Oo na. Tama ka na ako na mali." Tampong sabi ng kanyang ama. "Ay wow wala akong sinabing ganun papa." Suway ng dalaga. Tumawa naman ang kanyang ama sa naging reaksyon nya kaya natawa narin sya.  Ngayon nya lamang naramdaman ang pagod sa buong araw nyang gala at mga ginawa pa. May nangyari man kaninang umaga na di kanais nais ay napalitan naman ito ng saya. May mga naramdaman man syang di maintindihan kanina ay alam nito sa sarili nya kung ano ito ngunit di nya lang matukoy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD