"TERRENCE, 'san mo ba ako dadalhin?" histerikal kong tanong sa kanya. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na namalayan kung paano ako nakapasok sa kotse niya. Siya pa ang nagsuot ng seatbelt ko at ngayon nga ay binabaybay na namin ang kalsada patungo sa kung saan. Galit ko siyang nilingon pero diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang seryosong nagda-drive. "Terrence!" gigil kong tawag muli sa pangalan niya nang hindi man lang niya ako pansinin. Sinulyapan niya ako saglit na may madilim na titig at muli ring binalik sa harap ng kalsada ang tingin. Naiinis na ako dahil kanina pa ako nagtatanong sa kanya kung saan niya ako dadalhin pero hindi man lang niya ako sinasagot na para bang wala siyang naririnig. Hindi na rin naman nakasunod sa amin si Sir Edward at Crizsa. Alam kong hinabol

