bc

Never Stop Trust in Love

book_age16+
292
FOLLOW
1.2K
READ
family
friends to lovers
sweet
bxb
mxb
lighthearted
realistic earth
first love
mxm
like
intro-logo
Blurb

Ang married life nina Ross at Herald ay muling susubukin ng ibat ibang mga issue sa buhay. Sino ang bibigay at sino ang kakapit. mayroon kayang susuko sa kanila? O kakayanin nilang hamakin ang lahat. 

 

Sundan ang mga tauhang minahal ninyo sa pagharap nila sa bagong yugto ng kanilang buhay.

 

 Because if everything seems to be broken, NEVER STOP TRUST IN LOVE.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Wedding
Herald's POV "Ah!" Napapikit ako nang mariin nang magsisisigaw ang kaibigan kong pinaglihi 'ata sa megaphone. Halos masira na naman ang ear drums ko. Kung magkakaroon 'ata ng Goddess of Vocal Cords, siya talaga ang rerekomenda ko. Hindi pa nakuntento ang g*ga at nagtatatalon ito habang paikot ng bahay niya. "Lorielai, 'yang bunganga mo hindi na nagbago! Umayos ka nga baka kung anong isipin ng mga kapitbahay." Hindi ko mapigilang saway sa kanya. Ngunit, sa halip na tumigil ay lalo lang itong nagsisigaw. Batukan ko na kaya?  "Makakapunta na ako ng States!" Sigaw nito habang dumudungaw sa bintana. Wala talagang hiya-hiya ang babaeng ito. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at hinila siya patungo sa sofa. "Kapag 'di ka talaga tumigil babawiin ko 'yan!" Pinandilatan ko pa siya ng mata nang matauhan. Kung minsan talaga ay nagtataka ako kung bakit siya ang naging best friend ko samantalang napakalayo ng ugali naming dalawa. "Heto na heto. Tatahimik na, oh." Nagsenyas pa itong sini-zipper ang bunganga. Maya-maya pa ay muling tiningnan ang papel na hawak at nagpapapadyak na parang batang kinulang sa buwan. Seryoso, may pagka-mongoloid ang g*gang ito. "Teka, anong damit ang dadalhin ko?" Napatayo pa ito at bumulong-bulong pa na para talagang nasisiraan ng bait. Muntik ko nang nasabunutan ang sarili. Nagsisimula na naman siya. Habang tumatagal ay palala na talaga ang tama ng best friend ko. "Pang-spring ba o pang-summer? Baka autumn doon ngayon, baka biglang mag-winter." "Hindi ka talaga titigil? Nakakaubos ka ng pasenya, ha!" wika ko. Hindi naman sa galit ako, nakakairita lang talaga kapag nagkakaganito siya. "Umayos ka nga. Daig mo pa ang binahayan ng kitikiti sa singit, eh." "Alam mo best, ikakasal ka lang kung umasta ka d'yan kala mo buntis." Ganti ng g*ga. "Hindi ba p'wedeng maging masaya dahil sa wakas ay ikakasal ka na." "Iyong totoo, masaya ka nga ba dahil ikakasal ako o dahil sa makakapunta ka na ng America?" Knowing this girl. "Nasaan nga pala si Boss Ross?" Kita mo, galing n'ya talagang mag-iba ng usapan. Pero buti na lang din baka makutusan ko pa siya kung nagkataon. "Pumunta kina kagawad, hinatid 'yong invitation," sagot ko sa kan'ya. "What? Kasama rin 'yong damuhong kagawad na iyon?" Nagulat pa ako sa reaction ni Moret. "Problema mo ba kay Kagawad, eh sa kaibigan din naman niya si Kagawad," sabi ko. "Naku, Herald. Sinasabi ko sa 'yo, 'wag mo masyadong payagang magdididikit 'yong abnoy sa fiancé mo at baka mahawa ng pagka-abnormal ng damuho." Kung kanina ay nag-iinit ang ulo ko ngayon naman ay gusto ko nang humalakhak. Kahit kailan talaga. "Alam mo, Lorielai, baka sa iyo pa mahawa si Ross ng pagka-abnormal. Saka tigil-tigilan mo ako sa kakaarte ng gan'yan. Kung 'di ko pa alam na crush mo noon pa si Kagawad. Nagkagan'yan ka lang nang malaman mong may girlfriend na siya." Totoo iyon. Noong high school pa lang kami ay halos hindi magkandawari itong best friend ko hangga't hindi nasisilayan si Kagawad na noon ay college student at star player ng basketball, sa tuwing may paliga sa barangay man o sa bayan. "Excuse me, noon iyon. At saka correction, I outgrow him already. Hindi ako nagpaka-bitter nang malaman kong may girlfriend na siya. Hindi ko pag-aaksayahan ng ganda ko ang lalaking iyon." Sige Lorielai, panindigan mo 'yan. "Best, alam mo, may ganda ka lang, pero hindi pang-miss universe. May binabagayan ang ganda." Pang-aasar ko sa kan'ya. Makaarte kasi wagas. "So, sinasabi mo na wala akong ganda, ganoon?" Hala siya. "Maghanap ka nga ng kausap. Uuwi na ako at walang kasama si Matthew sa bahay." Sinadya kong banggitin si Matty. "Wait, nandito si Papa Matthew? G*go ka, hindi mo kaagad sinabi hintayin mo ako, sasama ako." Walang pakundangang wika nito. Nag*go pa ako ni Moret. Napailing na lamang ako sa iginawi niya. Naabutan naming nanonood ng TV si Matty habang ngumunguya ng Lays na binili namin sa convenient store sa NLEX, bago pa kami tumuloy rito sa Pampanga. "Papa Matthew! I miss you!" Sigaw ng haliparot kong best friend na kaagad naman ikinagulat ng kawawa kong kapatid. Kaagad na tumayo si Matty upang iwasan si Lorielai na ngayo'y papalapit na sa kan'ya. "Kuya! Tulong." Ang magaling na kapatid ko ay sa likod ko naman sumiksik. Promise, para pa rin siyang bata. "Come to Mama, Matthew boy!" Hindi ko mapigilang mapatawa sa ikinikilos ni Lorielai. Kaya siguro hanggang ngayon ay walang nagkakamaling manligaw sa babaeng ito, dahil hindi ganda ang exotic, kung hindi ang ugali. Hybrid to the highest level. "Hoy Lorielai, tigilan mo nga 'yong bata, baka bangungutin 'yan sa pinaggagawa mo." Napalingon ako sa nagsalita. Si Kagawad, nakahubad pa. Mukhang galing sa pakikipaglaro ng basketball. Nasa likod niya ang lalaking kahit pawisan ay napakagwapo pa rin. Gaya nang nauna ay nakahubad din ito. Lalapit sana ako sa kan'ya, kung hindi lang nakakapit-tuko itong si Matthew sa likod ko. "Naku, James, ikaw ang tumigil diyan. Ba't ka ba narito? Magtrabaho ka nga roon sa barangay at sayang ang bayad ng gobyerno sa iyo." Napipinto na naman 'ata ang bangayan ng dalawa. "Hi Lorie, 'wag masyadong high blood. Papangit ka n'yan," sabi ni Ross. "Hi, Ross, nand'yan ka pala. Sorry, hindi kita napansin, nakaharang kasi ang isa r'yan. Hindi tuloy kita nakita at ang magandang tanawing taglay mo." Pigil-tawa kong kinuha ang isang throw pillow at binato ko sa kan'ya. "Magtigil na nga kayo. Hoy babae, tulungan mo akong magluto ng meryenda sa kusina." Sumunod naman itong best friend ko. Naiwan ang tatlo sa sala. Kinagabihan ay nag-ayang mag-inuman si Kagawad na pinaunlakan naman ni Ross. Katunayan nga ay may dalang inumin itong si Ross, dahil baka painumin uli siya ng Tanduay. Hinayaan ko lang silang magpakalasing doon sa labas. Kami naman ni Lorielai ay nanonood ng mga pelikulang na-download ni Matthew. Nang ilang saglit pa ay pumasok na itong si Matthew sa bahay. Mukhang tinamaan na ng alak. Lumapit ito sa kinauupuan ko at walang anu-anong humiga habang ang unan ko ang ginawang unan. "Ibang-iba na talaga ang buhay mo, Best." Seryosong wika ni Lorielai. "Tiyak akong saan man ngayon ang nanay mo, masaya iyon at proud sa iyo." "Nagpapasalamat ako at kahit papaano ay pinagpala ako ng Diyos. Na kahit binawi na niya si Nanay ay may mga tao pa rin siyang ibinigay na kapalit." "Excited ka na ba sa kasal mo?" Tanong ni Lorielai. "Medyo. Marami rin kasi akong mga iniisip na mga what if's." "H'wag mo nang isipin 'yang mga what if, what if na iyan. Hindi mo obligasyon na alalahanin ang mga taong hindi nakakaunawa sa inyo. Ang importante ay nagmamahalan kayo at may mga taong buo ang paniniwala sa inyo." *** Ross' POV Parang kahapon lang nang maligaw ako sa lugar na ito at makilala ko ang taong magpapanggap na nobyo ko. Sinong mag-aakalang ang tao palang iyon ang siyang magbabago ng buhay at paniniwala ko. Nagpapasalamat ako at nakilala ko siya. At sa ilang sandali na lamang, ang taong iyon at ako ay magiging pamilya. Dahil hindi pa legal sa pinas ang same s*x marriage ay nagpasya akong dito sa New York kami magpakasal ni Herald. Hindi naman siya kumontra pa at maging ang pamilya niya ay sumuporta sa desisyon naming iyon. My mom is so excited about this wedding. Siya at ang Ate ko ang naghanda nito. Ang pamilya naman ni Herald ang naging abala sa mga dadalong bisita. Sinagot ng mga Ricaforte ang pamasahe sa eroplano. Kaunti na lang din ang gagastusin sa accommodation, dahil sa connection ng pamilya ko sa hotel society. Lorielai and James are here, together with Excel and Jake. Lahat ng kapatid ni Herald ay narito rin, maging ang mistress ng Papa niya. Ang Ninong Rico ni Herald at ang pamilya nito ay dumalo rin. Tim is in charge of the food. Request iyon ni Herald. Other guest are business partners ni Mama at ng Papa ni Herald. My father is not coming, it's not new to me anymore. But, herald insisted to send him an invitation just to show that we are still asking for his presence on our special day. "Are you happy?" Napalingon ako sa nagtanong, si Mama. "Sobra, Ma, " I answered. "I'm proud of you son. Tandaan mo, kahit anong mangyari, as long as you love each other, don't mind what other will say. Live your life with the person who you love the most." Niyakap ako ni Mama nang mahigpit. Gumanti rin ako nang yakap, upang maparamdam ko sa kan'ya ang pasasalamat ko, na siya ang naging Mama ko. She's always there to understand me. "Sorry to bother your moment, Ma, but someone would also like see Ross," sabi ni Ate. Binalingan ko ng tingin si Ate na ngayon ay bakas ang saya sa mukha. Ngunit, napadako ang tingin ko sa taong nasa likod niya. The man that I never thought will come today. "Pa?" nausal ko. Hindi ko napigilang lapitan si Papa upang yakapin. Alam kong madaming mga bagay na hindi kami magkasundo ng Papa ko, pero whatever argument ang pagtalunan namin, gaano man kasama ang loob namin sa isa't isa, he's will always be my father. And him, being here right now, makes me feel there's nothing wrong with my decision.  "I may not agree with this, but I am your father. All I want is the best for you. And if this is what you want, then I shouldn't make this a big deal. What matter is, you are happy. I love you son." Hindi ko mapigilang mapaluha. Naramdaman ko muli ang yakap ni Mama sa likod ko at sumama na rin si Ate. This must be the greatest day of my life. *** Herald's POV Walang pagsidlan ang galak ko ngayong araw. Hindi ko ito hiniling, pero ipinagkaloob sa akin. Nakikita kong suportado ako ng pamilya ko. Graduate na rin ako sa kursong kinuha ko. May maipagmamalaki na rin ako sa mundo. Naging matagumpay ang Pages Cafes na nangunguna sa buong bansa. Ang unang store ng Chapter One ay hindi rin pahuhuli dahil maganda ang pagtanggap ng market dito. May nagsasabi na ngang p'wede nang sundan ng panibagong branch. At ngayong araw naman ay ikakasal na ako sa pinakamamahal kong tao sa buhay ko, si Ross. Narito ako ngayon sa waiting area kasama si Daddy at si Matthew. Ang iba kong kapatid ay nasa wedding area na at nag-aasikaso ng bisita. Napansin kong nakatingin si Daddy sa malayo. "Dad, are you okay?" Hindi ko maiwasang mabahala, dahil alam kong may iniinda s'ya, "Matty, tawagin mo nga muna ang nurse paki-check kamu sa Dad." Utos ko sa kapatid na kaagad namang lumabas ng silid, upang sundin ang pinag-utos ko. "Masyado kang nag-aalala sa akin, Herald. Ayos lang naman ako," ani Daddy. "Maniniwala lang ako kapag sinabi ng nurse mo na okay ka lang," sagot ko naman sa kan'ya. Kahit alam kong importanteng araw ito sa akin ay handa kong ipakansela ito, kung sakaling maging masama ang kalagayan ng Daddy ko. "Naku, ikaw talagang bata ka, mana ka nga talaga sa Nanay mo." Napangiti ako nang sabihin niya iyon. Well, palagi naman niya iyong sinasabi, pero alam ko naman na naaalala lang niya sa akin ang nanay. Umupo ako sa tabi n'ya, "Hindi ko man naabutan ang nanay mo, ibinalik ka naman niya sa amin. Medyo na late nga lang ng kaunti." Nagda-drama na naman ang Daddy ko. Niyakap ko tuloy siya. "H'wag na po kayong mag-senti riyan at baka mapaano pa kayo. Kasal ko 'to Dad, dapat happy lang tayo." Gusto kong pagaanin ang loob ng Daddy ko, kaya binabanatan ko siya ng mga biro. Maayos naman ang lagay ni Daddy sabi ng nurse n'ya. Marahil ay nabahala rin ang mga kapatid ko, kung kaya nagsipuntahan din sila sa silid kung nasaan kami. "Hey, everything's okay?" tanong ni Harvey. "Pina-check ko lang sa Dad. Just to make sure he's okay," sagot ko sa kan'ya. Lumapit naman siya kay Daddy at siya na mismo ang nag-check, kahit natapos nang i-check ng nurse. "Naku, Dad, 'wag mong sabihin na ipapa-cancel natin ang kasal ni Herald," sabi Mickey na nakunyatan ni Kuya Rupert nang marinig ang sinabi n'ya. "Magtigil ka nga Mickey. Kung ano-anong mga sinasabi mo. Bumalik na nga kayo roon." Pagtataboy ni Daddy sa kanila. Natigilan kami nang may kumatok sa pinto. Dumungaw si Lorielai, "Excuse me po, maagsisimula na raw po tayo. Nariyan na ang mag-o-officiate." Isa-isang naglapitan sa akin ang mga kapatid ko at ginawaran ako ng yakap. Nang makaalis na sila ay tumayo na si Daddy. "Time to bring my son to the altar." Nakangiting wika nito. *** "Ross and Herald, we are gathered here together to witness the love and respect that you have for each other."  "Ross and Herald, are you entering into this marriage freely, voluntarily and without any conditions?"  "Yes..."  Happiness in marriage is not something that just happens. A good marriage must be created. The little things are the big things. It is never being too old to hold hands. It is remembering to say "I love you" at least once a day. It is never going to sleep angry. It is at no time taking the other for granted; the courtship should not end with the honeymoon, it should continue through all the years. It is having a mutual sense of values and common objectives. It is standing together facing the world. It is forming a circle of love that gathers in the whole family. It is doing things for each other, not in the attitude of duty or sacrifice, but in the spirit of joy. It is speaking words of appreciation and demonstrating gratitude in thoughtful ways. It is not expecting one person to wear a halo or the other to have the wings of an angel. It is not looking for perfection in each other. It is cultivating flexibility, patience, understanding and a sense of humor. It is having the capacity to forgive and forget. It is giving each other an atmosphere in which each can grow. It is finding room for the things of the spirit. It is a common search for the good and the beautiful. It is establishing a relationship in which the independence is equal, dependence is mutual and the obligation is reciprocal. It is not only marrying the right partner, it is being the right partner. Marriage also bestows enormous private and social advantages on those who choose to marry. Civil marriage is at once a deeply personal commitment to another human being and highly public celebration of the ideals of mutuality, companionship, intimacy, fidelity, and family...because it fulfills yearnings for security, safe haven, and connection that express our common humanity, civil marriage is an esteemed institution, and the decision whether and whom to marry is among life's momentous acts of self-definition. "Ross and Herald, please face each other and repeat after me."  "Ross, I come here today to join your life for years, I pledge to be true to you, to respect you, and to grow with you through the years. We are many things to each other, May only those best qualities continue to shine, and may our bond continue to grow stronger.  Time may pass, fortune may smile, trials may come; no matter what we may encounter together, I vow here today that this love will be my only love. I will make my home in your heart from this day forward."  "Herald, I come here today to join your life for years, I pledge to be true to you, to respect you, and to grow with you through the years. We are many things to each other, May only those best qualities continue to shine, and may our bond continue to grow stronger.  Time may pass, fortune may smile, trials may come; no matter what we may encounter together, I vow here today that this love will be my only love. I will make my home in your heart from this day forward." "May I, please have the rings?"  "Ross, what I have to give you is the promise to take you as my only love, from this day forward, to stand by your side, to listen when you speak, to comfort you when you cry, and to join your laughter with my own. Take this ring, and be part of my life forever." "Herald, you are the last thought in my mind, befor I drift off to sleep, and the first thought when I wake up each morning. Herald, what I have to give you is the promise to take you as my only love from this day forward, to stand by your side, to listen when you speak, to comfort you when you cry, and to join your laughter with my own. Take this ring, and be part of my life forever." "Ross, when I tell you I love you, I am not saying it out of habit, I am reminding you that you are my life."  "Your gift to each other for your wedding today has been your wedding rings. The wedding ring is a symbol of the vows taken here today. A circle of wholeness perfect in form. The unending circle of a ring is a sign of fidelity, the pledged faithfulness of a couple to each other. These rings mark the beginning of an unending journey together filled with wonder and surprises, laughter and tears, celebration and joy. May these rings glow in the warmth and happiness of you both today." "There may be times filled with happiness, sorrow, tears or laughter, whatever it may be, remember love has given you wings; your journey begins today; Ross and Herald, if there is anything you remember of this marriage ceremony, remember the love that brought you here today, it is only loving which can make your marriage a glorious union, and it is by love that your marriage will endure. Ross and Herald, as you have consented together in lawful wedlock and thereto have pledged your faith to each other, and have declared the same by joining hands and giving and receiving of rings and exchanged your first gifts as a married couple and by the power vested in me as a Justice of the Peace for the Commonwealth of Massachusetts, I now pronounce you are now married! If you wish to seal this marriage with a kiss, you may now do so." Without hesitation, the two lovebirds kiss in the front of everyone who's there to witness the love of Ross and Herald.  Love is not about how many days, weeks or months you've been together, it's all about how much you love each other every day.  Mr. & Mr. Villaroman...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

NINONG II

read
619.7K
bc

NINONG III

read
364.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook