Ross POV “What do you want me to say?” Sagot ni Herald. “Believe it or not, hindi ko din alam kung anu ang sasabihin dahil alam kong hindi ka din naman makikinig.” Mula nang malaman kong may anak ako ay sinigurado kong mawala ang kahit anung bakas ni Trina. Sinikap kong hindi na maaalala ni Rafa ang babaeng nagluwal sa kanya. Pinagbawalan ko din si Herald na ipaalala sa bata ang kahit pangalan ng babae. Nagtagumpay naman ako. Hindi na maalala ni Rafa ang babaeng nagluwal sa kanya. Ako at si Herald na ang kinikilala niyang magulang. Naging masaya kami. “Kaya nilihim mo ito?” May galit kong tanong. “Sabihin mo nga, may balak ka bang ipakita sa kanya ang anak ko?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “So anak mo? Akala ko ba anak natin? Na may karapatan akong magdesisyon sa bata dahil

