Ross POV Yung akala ko ay magiging maaysang lahat pero sa halip ay isang pagsubok nanaman ang hinarap namin. Hindi matumbasan ang saying naramdaman ni Mama ng ipakilala ko siya kay Rafa. Ikinuwento ko ang buong istorya sa kanya upang maintindihan din niya ang nangyari. Gusto pa nga nitong magpaparty para sa apo niya na sinang ayunan ko. Magandang idea kasi iyon lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng party para sa anak ko. Excited pa nga akong sabihin kay Herald ang lahat dahil alam kong matutuwa ito. Pero mali ako. Isang problema nanaman ang umusbong sa pagitan ni Herald at sa mga kapatid nito. Akala ko ay simple lang iyon pero nang tanungin ko si Toffee ay nalaman kong hindi simpleng samaan ng loob ang nangyari. It’s a freaking cold war. At talagang naging all out ang as

