Ross POV “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang pang magpakasal kung hindi naman niya talaga mahal ang tao. For the sake of the company his willing to gamble his happiness.” Reklamo ng asawa ko. Actually ay kanina pa ito naiirita. Nauna na nga itong umuwi dahil baka kung anu pa ang magawa niya doon. Sa loob ng dalawang taon mula ng bumalik kami rito sa manila ay sinikap niyang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ng hindi umaasa ang tulong ng kanyang pamilya. Nagawa niyang patakbuhin ang itinatag niyang foundation. Napapayag niya sina, Mama, Excel, Jake, Tim at ilan pang mga negosyante na makaisa sa sa layunin ng Foundation. At ito nga, after ng dalawang taon ay marami na siyang natulungang mga tao. Ilang mga outreach program at livelihood project na din ang kanyang nasi

