Herald POV Hindi naman ako masamang tao. Hindi rin ako mapagmataas at mapagtanim ng sama ng loob. Kapag alam kong nagpapakumbaba na ang tao at humingi ng paumanhin ay pwede na sa akin iyon. Pero iba pala kung anak mo at kapatid mo ang nakasalalay. Lalo pa’t nakikita mo na parang walang pake alam ang nakagawa ng kasalanan. Napag-alaman kong unang araw pa lang ng bagong teacher. Asawa ito ng school president kaya mabilis na natanggap. Nagpadrawing daw ito na may temang “PAMILYA”. Sumunod naman ang anak ko. Nang matapos nilang magdrawing ay pinapresent sa mga bata ang gawa nila. Luckily ay kasama ang anak ko sa magpepresent. During presentation ay sinaway daw ng teacher ang anak ko dahil dalawang lalaki daw kasi ang drawing niya at hindi daw iyon tama. Pinamukha pa niyang katawa tawa ang

