“MOMMY, please huwag mo itong gawin. Mahal na mahal ka ni daddy. Kung dahil ito sa amin ni Draco, please huwag naman po ganito,” garalgal na bulalas ni Janine habang pinipigilan si mommy Diana sa paglalagay nito ng mga damit sa maleta. Hindi huminto sa ginagawa ang may-edad na babae. “Kailangan ko itong gawin. Wala na akong mukhang maihaharap sa daddy mo. At pakiramdam ko kami ang may kasalanan kaya nagdusa kayo ni Draco sa mahabang panahon. At kahit pa sabihin ninyong desisyon ninyong unahin ang kaligayahan namin ay hindi magbabago ang katotohanang nasaktan namin kayong dalawa at hindi namin iyon napansin dahil masyado kaming naging absorbed sa mga sarili namin,” namamasa ang mga matang litanya nito. Nag-init na rin tuloy ang mga mata ni Janine at napalingon sa b****a ng pinto ng master

