Months later… Visperas Hotel Anniversary WALA sa mood dumalo sa isang party si Brad Madrigal. Pero dahil kaibigan niya ang nag-aya ay pinilit niyang magpunta. Isa pa ay baka sakaling gumanda ang mood niya kapag dumalo siya. Hindi pa siya nakaka-get over sa nangyari sa kaniya sa Las Vegas nang nakaraang buwan. At lalong hindi yata siya makaka-get over sa nalaman niya bago ang nangyari sa kaniya sa Las Vegas. So he badly needed a distraction. Maraming tao sa lobby ng Visperas Hotel kung saan ginanap kanina ang opening event ng anniversary party. Alam niya na marami ang gustong lumapit sa kaniya. Nararamdaman niya iyon sa tingin ng mga bisita at staff ng hotel na nasa paligid. Kanina pa rin siya nasisilaw sa flash ng mga camera na nakatutok sa kaniya. Subalit wala siya sa mood makipagsocial
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


