“Anong ibig sabihin nito?” bigla namang tanong ng ama ni Janine kaya muling bumalik sa mga ito ang tingin niya. Parang may lumamutak sa puso niya nang makita ang sakit at pagkadismaya sa mukha ng daddy niya. Subalit kung dati siguro ay baka kumawala siya sa pagkakahawak ni Draco ngayon ay ang una niyang naging reaksiyon ay higpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Bumaba sa magkahugpong nilang mga kamay ang tingin ng kanilang mga magulang. Pasimpleng huminga ng malalim si Janine. “Daddy –” “I love her,” biglang sabi ni Draco kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. “Anong sinasabi mo? Magkapatid kayo!” manghang bulalas ni mommy Diana. “We are not blood-related mom,” seryosong sagot ng binata. Sandaling tila hindi alam ni mommy Diana kung ano ang sasabihin. Hanggang sa mamula ang mukha

