NAKABIBINGI ang katahimikan ng daddy ni Janine. Hindi nagsasalita ang may-edad na lalaki mula pa nang umalis sila sa opisina niya hanggang sa biyahe nila pauwi ng bahay. At sa totoo lang ay mas nakakatakot ang katahimikan ng kaniyang ama kaysa kung dinaan nito sa salita ang galit. Dahil sigurado siyang iyon ang tensiyon na nararamdaman niyang nanggagaling sa daddy niya. Nang makarating sila sa bahay ay nagpatiuna ang kaniyang ama na umakyat sa hagdan. “In your room. Now,” tipid na sabi nito na hindi man lang siya nilingon. Napangiwi si Janine at huminga ng malalim bago sumunod sa kaniyang ama. Saka lamang nagsalita ang daddy niya nang nasa loob na sila ng kaniyang silid. “Kailan pa nagsimula ang relasyon ninyo ni Draco?” Napatitig si Janine sa kaniyang ama bago lakas loob na sumagot,

