CHAPTER 44

1915 Words

            UMAWANG ang mga labi ni Janine at napatitig lamang kay Draco nang ilang sandali bago niya nagawang magsalita. “Anong ibig mong sabihin… that you’re at your limit?” mahinang tanong niya.             Tumiim ang mga labi ni Draco at tumayo. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya. Napansin ni Janine na pinanatili nito na may malaking espasyo sa pagitan nilang dalawa. “I’m at my limit with my feelings for you back then,” sagot ng binata at muling sinalubong ng tingin ang kaniyang mga mata. “Ano mang oras noon ay mawawala ang kontrol ko. That I will throw away everything else just to act on my feelings. At ayokong mangyari iyon noon. Ayokong sirain ang masayang pamilya na binuo ng mga magulang natin. Ayokong sirain ang kaligayahan nila. Lalo na noon na ilang taon pa lang silang kasal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD