CHAPTER 39

1806 Words

            “AKALA ko noon, sa mga lalaking iyon, isa si Draco sa huling magkakaroon ng girlfriend. Hindi kasi ngumingiti at hindi masalita. Pero hindi mo rin talaga masasabi ‘no? Kasi nandito ka ngayon.”             Napangiti si Janine sa sinabing iyon ni Cherry, fiancée ni Jay, habang inaabot nito sa kaniya ang isang maliit na balde ng hinalong semento.  “Hindi ba talaga siya masalita? Madaldal naman siya kapag kaming dalawa ang nag-uusap,” aniya at inabot ang balde kay Jane, na fiancée naman ni Charlie.             Ngumiti si Jane pagkaabot sa balde. “Iba lang siguro talaga siya kapag ikaw ang kaharap. Si Charlie din, suplado sa iba pero sa akin hindi.”             “At hindi ba mas fulfilling ang ganoon? Kapag ang lalaking mahal mo ay binibigyan ka ng special attention? Ganoon sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD