CHAPTER 38

1567 Words

KAHIT na sinabi ni Janine kay Draco na sasabihin din nila sa kanilang mga magulang ang tungkol sa kanila ay lumipas na ang ilang linggo na hindi nila iyon nagawa. Wala rin sa kanila ang nagbabanggit ng tungkol doon tuwing nagkikita sila. Sa tingin niya ay pareho silang umiiwas na magkaroon na naman ng nakakailang na tensiyon sa relasyon nila kaya pareho silang nagkukunwari na wala silang problema. Na para bang pareho silang kumakapit sa kapayapaan ng relasyon nila sa kasalukuyan. Napaigtad si Janine at bumalik sa kasalukuyan ang atensiyon nang may marinig siyang katok sa pinto ng kaniyang inner office. Bago pa siya makapagsalita ay bumukas na iyon at bumungad si Draco. Nagulat siya at napatingin sa kaniyang wristwatch. Alas kuwatro pa lang ng hapon. “Bakit nandito ka na?” manghang tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD