CHAPTER 37

1358 Words

            “GUSTO kong makita ang art studio ko. Gagamitin ko iyon kapag sinimulan ko na ang mga painting para sa hotel, hindi ba? Puwede bang pumunta muna ako doon?” tanong ni Draco kay mommy Diana nang tapos na silang kumain at nag-aya ang may-edad na babae na uminom ng tsaa sa garden. Mahilig kasi mag-tsaa ang mga magulang nila pagkatapos kumain.             “Sige,” sagot ni mommy Diana.             Napaderetso ng tayo si Janine nang biglang bumaling sa kaniya si Draco. “Samahan mo ako.”             Nanuyo ang lalamunan niya at napasulyap sa kanilang mga magulang. Ngumiti ang mga ito. “Sige na hija, samahan mo na si Draco. Hihintayin na lang namin kayo ng mommy niyo sa garden,” sabi ng kaniyang ama.             Pilit na ngumiti si Janine at tumango. Pagkatapos ay sumulyap siya kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD