PATAPOS na silang kumain ng hapunan nang magdesisyon ang daddy ni Janine na sabihin ang anunsyo na isa raw sa mga dahilan kung bakit kailangan ay kompleto silang apat sa gabing iyon. At base sa malawak na ngiti ng mag-asawa ay mukhang magandang balita para sa mga ito ang sasabihin ng daddy niya. “In six months time ay anniversary na uli ng Visperas Hotel. Natural magkakaroon uli ng malaking party at mag-iimbita ng press para i-feature ang event natin. At gusto ko na ikaw, Janine ang mamuno sa preparasyon ng anniversary party. Sinasabi ko na sa iyo hangga’t maaga para mapag-isipan mong mabuti ang gagawin.” Ngumiti si Janine. “I’ll do my best to make it an unforgettable anniversary, daddy.” Gumanti ng ngiti ang kaniyang ama. “Alam ko hija. May tiwala ak

