CHAPTER 35

1203 Words

SUMIKDO ang puso ni Janine nang pagkahimpil niya sa kaniyang kotse sa garahe ng bahay nila ay makita niyang naka-parke na roon ang motorsiklo ni Draco. Ilang segundo tuloy siyang napako sa pagkakaupo niya sa likod ng manibela. Naroon si Draco? Hindi nabanggit ni mommy Diana ang tungkol doon.             Bumaba si Janine ng kotse niya at naglakad papasok sa bahay. Bawat hakbang niya ay tumitindi ang kaba niya. Bagay na nakakatawa dahil sarili niya iyong bahay at hindi siya dapat ganoon na tensiyonado. At hindi ba dapat matuwa siyang naroon si Draco? Kaya lang ay hindi man niya maipaliwanag ay may nararamdaman siyang hindi magandang kutob.             Biglang sumungaw mula sa direksiyon ng kusina si mommy Diana at lumiwanag ang mukha nang makita siya. “Janine hija nandito ka na pala!”  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD