I stayed at my brother's house. Muli akong humila ng panibagong piraso ng tissue mula sa box. Halos dalawang araw na rin ang nagdaan pero hanggang ngayon pa ulit ulit pa din na bumabalik sa akin ang ginagawa niya. Sobrang sakit ng mga nangyari hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. "GABRIELA PLEASE TAMA NA.” sigaw ni kuya. Umupo siya saking tabi at niyakap ako nga mahigpit at hinagod ang aking likod, mula ng sinundo niya ako sa labas ng bahay ni Mr. Soriano ay hindi na ako iniwan ni kuya. Siguro ay iniisip niya na babalik pa ako doon o di kaya ay mag self harm ako dahil sa mga nangyari. “Kuya ganito pala kasakit yun." parang bata na nagsusumbong sa kanya. “Ayoko na kuya.” "Stay strong baby sis, we always here for you, hindi kita iiwanan." Lalong humigpit ang pag kakayakap ko sa kanya

