Nagising ako ng umagang yun na bumabaliktad aking sikmura kaya agad akong tumayo at naghanap ng malapit na banyo na pwedeng masukahan para mailabas. Agad akong pumasok sa loob ng banyo agad na nakaupo sa sahig habang nakasilip sa inidoro. Para akong mamatay dahil nararamdaman kong hilo at sakit ng ulo. Marahil ang dahilan nito ay ang matinding pag-inom na ginawa ko kagabi. I spent my night with Jeorge and Canon. "Ayos ka lang ba." tanong ni Jeorge na nakatayo sa may pintuan. Hindi ko magawang sumagot pa dahil muling bumalikad ang aking sikmura. Naramdaman ko na kanyang hinihimas ang aking likod. Inabutan niya ako ng isang basong tubig na nanggaling kay Canon. Uminom at nag mumog. Trying to balance myself to stand up. Inalalayan ako ni Jeorge lumakad palabas tsaka pinaupo sa kama.

