After what happened nag expect ako na talagang maayos na kaming dalawa masaya na pero mali lang pala ako ng akala. Nanatili akong tahimik at walang kibo tulad parin ng dati. Kailangan magtiis para sa mga anak ko dahil nakikita ko na masayang masaya silang kasama ang tatay nila. Inayos ko na yung table para pag baba nila ay kakain na lang sila, ibinilin ko muna sa katulong dito sa bahay ni Allen na paki asikaso nalang sila dahil kailangan ko ng umalis ng maaga. "Salamat sige aalis na ako." Lumabas na ako at doon na nag aantay ng sasakyan, nagbook na kasi ako kanina mabuti na lang meron malapit. Uuwi ako sa bahay namin para kausapin ang mga magulang ko. I need help from them. Pumarada sa harapan ko agad akong sumakay doon, matagal na mula ng mag pagala gala ako. Naging matigas ang ulo

