“Kumain na ba ang Ma'am Glenda mo, Alona?” tanong matandang si Greg ng abutan ang dalagang kasambahay na bumaba sa hagdan dala na ang tray kung saan nakalagay ang pinagkain pinagkainan ni Glenda. Kumain naman ng kahit konti ang among babae ni Alona sa kabila ng nabigo na naman ito na inaakalang baka nagdadalang-tao na siya na kanyang pangarap. Akala nga ni Alona ay magwawala na naman ito sa galit ngunit mabuti na lang at mukhang madali itong naka move on at mukhang nakalimutan na ang kasalanan niya na hindi naman niya sinasadyang magawa. Sa tuwing kasing magbubuntis ang nanay niya ay naalala niyang madalas itong galit sa kanyang tatay at pinapalayas sa kanilang bahay. Ganoon na ganoon ang nangyaayari sa mag-asawa niyang amo kaya inakala niyan baka nagdadalang-tao na nga ang babaeng amo

