“Ikaw ba ang gagamit ng lahat ng mga pregnancy test na ito, Ma'am? Alam niyo po ba kung paano gamitin?” tanong ng cashier ng drugstore kay Alona ng mabayaran niya na lahat ng mga pregnancy test na binili niya. May mura at mahal din ang presyo kaya malamang na nagtataka lang ang cashier kung bakit ang dami niyang binili. “Hindi po. Sa amo ko pong babae ito. Pinabili niya lang po. At matalino po ang amo ko kaya alam na alam po niyang gamitin yan.” Sagot ni Alona na kinuha na ang sukli at binitbit na ang plastic na sisidlan ng kanyang mga pinamili. Sumakay ng tricycle si Alona para nga agad makabalik sa bahay at magamit na ni Glenda ang mga pregnancy test na pinamili ng dalagang kasambahay. “Mabuti mabilis kang nakabalik,” pagbati pa ni Bong ng pagbuksan na ng gate si Alona. “Oo, kuya. B

