Chapter 42

2151 Words

“Alona, umpisahan mo nga na iligpit ang mga damit ng Sir Dondon mo sa loobn ng cabinet niya,” ang utos ni Glenda kay Alona ng mag-akyat na naman ng mga bagong laba at bagong plansta na mga damit. “Po? Bakit po, Ma'am. Aalis po ba kayo ni Sir? Magbabakasyon ho ba kayo?” mga tanong ni Alona na nasa kamay pa ang mga damit ng amo na ilalagay na sa loob ng cabinet na gamit nito. Tumalim ang tingin ni Glenda sa narinig kay Alona. “Tonta! Ikaw na babae ka ang bobo mo talaga, ano? Paano kaming magbabakasyon gayong alam mo naman na nag-away pa nga kami sa harap mo, hindi ba? Kaya anong pinagsasabi mong magbabakasyon kami?!” singhal pa ni Glenda sa kanyang dalagang kasambahay. “Ay, ganun po ba, Ma'am? Ang akala ko po ay nagkaayos na po kayo ni Sir Dondon kahit magkausap lang kayo sa cellphone,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD