“Kuya Noy, nariyan ka pa pala? Akala ko ay umalis ka na?” pagtatakang tanong ni Alona ng makitang pumapanaog na ng hagdan si Nonoy. Tumango lang ang lalaki pagkatapos ay tumuloy sa kusina. Tama naman na siya ay gutom na at lalong nagutom ng trabahuhin ang kanyang among babae. “Gusto mo bang kumain kuya, Noy? Maupo ka na lang muna at ipagpahahain na kita ng masarap na hapunan,” masigla pang pagyaya ni Alona sa peronal driver ng amo niyang babae. Sumunod naman si Nonoy. Umupo lang siya habang si Alona ay may inilabas sa refrigerator at saka ininit sa kalan. “Wala ka bang balak na mag day off para madalaw mo ang pamilya mo, Alona? Hindi ka pa nakakauwi sa inyo, hindi ba?” untag ni Nonoy habang naghihintay sa pagluluto ni Alona. “Hindi pa kuya. At saka, wala naman akong balak. Uuwi la

