“Sino ang iyong kausap? Ang asawa mo ba o ang isa sa mga anak? Nagtatanong ba sila kung nasaan ka o nanghihingi ng pera?” sunod-sunod na mga tanong ni Glenda ng bumalik na sa dalampasigan si Nonoy na bahagyang lumayo sa kanya sapagkat may tumawag sa cellphone nito. “May tinanong lang sa akin.” Ang sagot ni Nonoy. “Hindi ba at sabi ko sayo ay narito tayo para magbakasyon at mag relax na tayong dalawa lang? Dapat patayin mo ang cellphone mo para kahit na sino ay walang maka-contact sayo.” Waring nainis na sabi ni Glenda sa kanyang personal driver. “Pero bakit? Paano kong emergency talaga ang dahilan ng pagtawag sa akin? Paano ko malalaman na may nangyari na pala?” giit ni Nonoy sa malumanay pa rin naman na tinig. “Bakit kung sakaling emergency ba ay agad ka bang makakapunta sa kung nasaa

