“Mabuti naman at nakalayo na tayo sa bahay lalo na kay Alona. Nakakainis talaga ang kabobohan ng babaeng yon kung alam mo lang,” wika ni Glenda ng makalabas na sila ng lungsod ni Nonoy. Patungong norte ang biyahe nila gaya ng kung anong paalam talaga niya sa kanyang asawang si Dondon at sa kanyang Papa na si Greg. “Huwag mo ng intindihin si Alona, Ma’am. Sadyang hindi naman tayo pare-pareho ng pag-iisip. Kayo ay matalino at si Alona ay mahina umintindi. Kayo na ang may sabi na siya ay galing sa bundok at kulang na kulang sa pagkain,” sabi ni Nonoy na sa among babae na nakasandig sa kanyang kanang braso habang nagmamaneho. Kahapon ay nag-abot ng malaking halaga ng pera si Glenda kay Nonoy at ang utos ng babae ay ipadala ng lalaki sa kanyang asawa para may ipanggastos sa mga pangangailang

