“Pa, sasabihin ko lang na may pupuntahan akong kaibigan na nakatira sa malayong probinsya. Baka mawala sa bahay ng mga dalawa hangganh tatlong araw para magbakasyon. Sinabi ko lang dahil baka hanapin mo ako,” wika ni Glenda sa kanyang amang si Greg na inabangan niya talaga ang pagdating at pag-akyat sa itaas ng bahay para sabihin na balak niyang magliwaliw muna sa labas ng lungsod. “Mabuti naman at naisipan mo ng magbakasyon para mag-relax ka na rin at huwag masyadong isipin ang tungkol sa kalagayan mo.” Ang sagot ni Greg na nilapitan pa ang anak na nakasakay sa wheel chair nito at nakapwesto sa malapit lang sa pinto ng silid habang ang dalagang kasambahay ay nasa likod lang din ng anak para umalalay. “Yes, Pa. Nakapag-isip-isip na ako na dapat siguro na huwag ko masyadong dibdibin ang n

