“Ma'am, ano po ba talaga ang laman ng itim na bag na ito? Bakit po masyado naman yatang saradong-sarado?” pagtatakang tanong ni Alona ng ibigay sa kanya ni Glenda ang isang itim na bag na kailangan niya raw dalhin sa isang lugar. Ang itim na bag ay naglalaman ng sampug milyon na hinihingi kay Glenda ng hindi kilalang tao na may hawak ng kanyang s*x video kasama ang personal driver na si Nonoy. Isang liggo na nga ang nakalipas simula ng huli silang mag-usap. At sa isang linggong iyon ay dala-dala ni Glenda ang takot, pangamba at pagkataranta lalo pa at hindi naman talaga siya nakakatiyak kung tutupad ang hindi kilalang tao sa pagbura ng s*x video. Ilang beses na nagtangka si Glenda na magsabi sa Papa niya ngunit pinangungunahan siya ng hiya sa kanyan sarili kahit pa tatay niya ang hihin

