Naghintay ng ilang oras si Glenda kasama sina Alona at Nonoy pero wala talagang kahit isang tao man lang na kumuha ng bag na itinapon ni Alona sa basurahan. Tanong na nga ng tanong ang dalagang kasambahay sa kung ano ang hinihintay nila dahil hindi nagsasalita o sumasagot si Glenda. Hindi rin naman nagchat o tumawag ang taong kausap ni Glenda kaya ngitngit na ngitngit ang babae sa galit. Hanggang sa bahay ay hindi maalis ang galit niya sa taong nagawa siyang i-blackmail para mahuthutan siya ng malaking halaga ng pera. Mabuti na lang talaga ay may nakabukod siyang pera sa bangko na wala sa kaalaman ni Dondon o kahit din ng Papa niya. Kaya talagang gustong manakal at kahit pa ang pumatay ni Glenda dahil nagbigay siya ng malaking pera sa hindi kilalang tao. “Mahuhuli rin kitang hayop ka

