FIRST KISS WITH A STRANGER
SA LATINAS UNIVERSITY
"Walang hiya ka!" sabay hinampas ni Sha sa dibdib ang lalaking naka bunggo niya.
Dahil sa pagkakabunggo nito sa kaniya ay, napaibabaw siya sa lalaki ng mahiga sila sa sahig. At ang mas malala pa doon ay naidampi niya ang labi nito sa lalaking nadaganan niya. Nagmamadali kasi siya ng umagang iyon dahil mala-late na siya sa first period niya sa klase.
At dahil nga sa pagmamadali habang inilalabas sa loob ng bag nito ang libro ay, hindi na niya namalayan ang lalaking nakasalubong niya dahilan upang magkabunggo sila.
Tumayo siya kaagad at inayos ang sarili saka pinulot ang librong natapon saka muling binalingan ng masamang tingin ang lalaking nakabunggo niya.
Pero natahimik siya ng makita ang lalaking katatapos lang magpagpag sa sarili niya saka ito humarap sa kaniya. Ang tangkad ng lalaki, tapos ang kinis ng mukha na sa tingin niya ay mas makinis pa kaysa sakaniya. Parang ang perpekto nito. Napamaang siya sa itsura at presensya nito.
Tinitigan siya nito sa mata ngunit hindi niya kakikitaan ng emosyon.
"Next time Miss, tingnan mo naman ang dinadaanan mo okay," mahina ngunit, mautoridad nitong sabi.
"At siya nga pala, ikaw ang nakadagan sa akin pero ikaw pa ang may ganang manghampas," dagdag pa nito.
Bigla naman natauhan si Sha sa sinabi ng lalaki sa harap niya. Parang inapakan ang pride nito bilang babae dahil sa sinabi nito. Sinong hindi magagalit eh first kiss niya ay nawala ng ganun ganun lang. Sa inis ay sinampal pa niya ito.
"Hoy! Una sa lahat, di porket gwapo ka eh kayang kaya mo akong ganyanin. First kiss ko yun. First kiss tas nawala ng dahil lang sa gaya mo," galit na galit na wika ni Sha.
Ngumiti ng nakakaloko ang lalaki at napabuntong hininga. Saka unting-unting lumalapit kay Sha. Paatras naman siya ng dahan dahan habang papalapit ang lalaki ng biglang yumuko ito paharap sa mukha niya dahilan manlaki ang mata niya.
Titig na titig ito sa kaniya. Ang lapit ng mukha nila sa isa't isa ngunit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya ng bigla nalamang idinampi ng mabilis ng lalaki ang maninipis at perpekto nitong labi sa labi mismo ni Sha.
Napasinghap siya bigla. Napapikit pa siya ng maalala niyang, hindi siya ganun na babae. Babaeng, kung sinu-sino nalang ang pwedeng humalik sa kaniya kung kaya't itinulak niya ito saka sinampal. Pasalamat siya at walang mga tao ng oras na iyon sa hallway kung nasaan sila.
"Maniyak!" galit na sabi ni Sha.
Bigla naman ngumiti ang lalaki at bahagyang ipinilig ang ulo matapos masampal ulit saka nagsalita.
"Minsan, tumingin ka rin sa salamin Miss," saka siya nito iniwan na nakamaang.
Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Salamin? Salamin ang mukha mo!" pasigaw nitong sabi sa lalaking papalayo na ngunit hindi siya nito pinansin. Ang astig pati paglalakad niya. Kung sa ibang pagkakataon, baka magustuhan niya ito subalit, dahil sa nangyari ay kinamumuhian na niya ito.
Kibago bago niya sa school na ito ngunit may kaaway na siya kaagada. Tiningnan niya ang sarili sa nadaanang glass door. Okay naman ang itsura niya bukod sa may mga naka usling pimples sa mukha niya. Tapos makapal na salamin at kilay. Tapos simpleng kasoutan. Maayos naman siyang tingnan.
"Ano ba ang problema nun?" inis niya sabi ng maalala niya ang guwapong mukha ng lalaki. Pero pag naalala niya ang sarkastikong ngiti nito ay nanggagalaiti siya.
Nang maalala niyang hinahabol pala niya ang first period niya. Agad agad siyang tumakbo saka isa isang tiningnan ang mga numero sa taas ng pintuan.
"E205, teka teka, ayun!" mahina pa nitong sabi. Nang itulak niya ang pintuan ay sabay sabay napatingin ang ibang estudyante lalo na ang kanilang instructor.
"If I'm not mistaken, you're Ms. Letisha Aragon," tanong sa kaniya ni Prof.
Napako naman siya sa kinatatayuan sa takot dahil mukha pa itong terror.
"Well, sad to say na this is the first day of your school and I'm handling your major subject pero look! Ki aga aga e dalawa na ang late!" sermon ni Prof.
Nangunot ang noo niya ng makita ang lalaking iyon na nakatayo malapit sa desk ng teaher nila. Di siya pwedeng magkamali. Kahit sideview lang ang nakikita ay parang nakikita niya itong parang nakaharap sakaniya. Halos nakabisado na kasi nito ang mukha ng lalaki.
Nang walang anu-ano'y lumingon ang lalaki sakaniya na nakatayo pa rin sa front. Nagkatitigan sila ng,
"Ms, Aragon! Ms. Aragon!" tawag ng prof nila na halos sumigaw na ito.
Napatawa naman ibang estudyante dahil sa katangahang ipinakita niya. Napailing naman ang lalaking kanina ay nakatitigan niya.
Namula ang mukha niya sa pagkapahiya. Ki bagu-bago niya subalit nasira na ang boung araw niya ng dahil lang sa lalaki na iyon.
"Since you're late, at the same time, mukhang lutang rin, tumayo ka na rin doon sa tabi ni Mr. Agaton," utos ng kanilang Prof. Nakakahiya man subalit tumabi na siya sa lalaking dahilan ng pagkakalagay nito sa kaniyang sitwasyon. Inirapan pa niya ito ng tingnan siya ni Mr. Agaton.
Kung ganun magkaklase sila. Bahagyang lumayo ang lalaki kay Sha nang tumabi ito sa pagkakatayo ng lalaki. Nag roll eye nalang siya sa inasta nito.
"Kala mo naman ki gwapo gwapo," bulong nito sa sarili. Ngunit sa loob loob niya ay talaga namang parang nasa harap lang niya si Adonis. Idagdag pa na siya ang first kiss nito.
"Hoy, Kapal kilay, lumayo layo ka nga kay Tron. Tatayo ka nga lang, sa harap, hindi didikit sa kaniya," bulong na tawag sa kaniya ng isang babaeng nakaupo sa unahan. Napailing nalang siya. Kala naman nila didikit siya sa mukong na to.
Bahagyang naaninag ni Sha sa peripheral vision niya ang lalaki na nakasansal sa pader. Tiningnan niya ito na noo'y nakapikit na habang nakapamulsa.
Lahat naman ng kababaihan ay nakatingin sa kaniya.
"Class! Focus, sasabihin ko kung anong mga rules and regulations ko sa inyo. At kayong dalawa na mga late, makakaupo lang kayo pag nakalabas na ako!" mautoridad nitong wika ngunit di natinag si Tron sa pagkakapikit nito habang mkasandal sa pader.
Hinayaan na lamang ito ng Prof nila.