MASAYA ako dahil tamang-tama lamang ang pag-uwi ko ng Pilipinas galing Paris, narito ako ngayon sa villa ng mga Vriganza ang family friend ng Mama't Papa ko.
Actually matagal ng magkaibigan ang pamilyang Vriganza at Villafuerte at dahil sa kagustuhang mapagtibay pa ang samahan ng pamilya ay napagpasiyahan ng mga itong bumuo ng plano.
Na sinang-ayunan ko siyempre, matagal na akong may gusto sa bunsong anak ng mga Vriganza.
Agad akong pumayag dahil nga may chance na ako, noong una gusto ng mga itong ang panganay na anak ng mga Vriganza ang ipakasal sa akin pero mariin akong humindi.
Kaya napilitan pumayag ang Papa at Mama ni Alden. Sa ngayon wala pang alam si Alden sa mga napag-usapan ng mga magulang ko at sa parents niya but for sure hindi ito makatatanggi.
Dahil sisiguraduhin kong may gusto na ito bago niya malaman ang fixed married thinky.
Heto nga naglalakad na ako palapit sa kanya, as usuall kasama na naman niya ang kakambal kong si Soujhiro.
Tama kayo ng basa kakambal ko siya, Yamato lang gamit niya dahil mas prefer niya lang gamitin kaysa sa Villafuerte.
Ang mother kasi namin ay pure Japanese habang ang father namin ay Phil.Am, so see nasa blood na namin ang iba't-ibang klase ng lahi.
Agad naman akong binigyan ng mainit na pagbati at ngiti ni Alden.
"It's a long time ago since we did not see each other Bridgette, how's life in Paris?" Agad niyang tanong ng matapos ko siyang yakapin saglit.
"Ayos naman Alden as you can see," ang tila sedaktibo kong sabi habang binigyan ko siya ng nakakaakit na tingin at ngiti.
Hindi pa rin nagbabago ito, sa dating Alden. Naroon ang pagkamaginoo at walang halong malisyang pagtingin niya sa akin, pero hindi hadlang iyon para mawalan ako ng pag-asa. Napakadami pa ng panahong nalalabi para maisakatuparan ko ng tuluyan ang minimithi ko.
Mabibigyan ko na nga ng katuparan ang mga plano ng mga magulang ko, makakamit ko pa ng tuluyan ang lalaking inaasam kong makasama sa habang-buhay.
MASAYA kaming nagkamustahan ni Bridgette, ang kakambal ni Soujhiro. Kauuwi lang niya galing Paris at malaki na talaga ang ipinagbago nito sa ugali man, lalong-lalo na sa physically aspect.
"So how are you Den may girlfriend ka na ba o hinihintay mo lamang ang pagbabalik ko rito sa Pilipinas?"
"Nah! girlfriend pa talaga nauna mong itinanong ah, Bridgette." si Soujhiro na naiiling sa tanong ng kakambal patuloy lang ito sa pag-inom ng vodka.
"Eh bakit ba kasi kong tanungin ko rito kay Alden if may girlfriend na siya para namang malaman ko kung may magagalit sakaling didikit ako sa kaniya magmula ngayon." patuloy pa niya na niyapos pa ako sa kaliwa kong braso.
"Wow! Alden ang suwerte mo naman may Bridgette ka na nga may Maine kapa, akin ka na lamang Bridgette puwedi!" Hiyaw ni Clem sa may pool habang nagtatampisaw kasama ang ibang mga kateam namin.
" 'Wag mo na siyang pansinin Miss, dahil akin lang si Papa Clem!" Sigaw rin ni Charlott habang hinahatak sa braso ito, nagpapalag naman si Clem habang ang mga ibang kateam namin eh itinutulak naman si Clem palapit kay Charlott.
Natatawa nalang ako habang pinapanuod ang kulitan ng mga kagrupo ko.
"Sino namang si Maine na sinasabi ni Clem, tell me is there some woman involve in your life na Alden?" Ang tila naguguluhan at naghihinakit na tanong niya sa akin, bigla namang nabaling ang pansin ko rito.
Hindi agad ako nakapagsalita sapagkat hindi ko nga alam ang real score ko kay Maine, kahit inamin ko nang may gusto ako rito ay hindi pa rin ako siguradong may pagtingin rin ito sa akin.
Iimik na sana ako ng marinig ko ang boses ni Maine.
"Yes tama ka ng narinig miss and if you don't mind, can you put away your filty arms to my boyfriend shoulder." ang mataray na bigkas niya habang palapit sa akin.
Maagap akong hinawakan at binaltak ni Maine, palayo kay Bridgette. Naglaban sa mga mata ang mga ito. Hindi alintana ang pagkakaingay ng mga kagrupo ko.
Gusto kong magsaya dahil sinabi ni Maine na boyfriend niya raw ako. Ngunit naroon naman ang kalituhang bumabalot sa sistema ko.