CHAPTER ELEVEN

798 Words
ANG pinakaayaw ko sa lahat eh may umaangkin sa pag-aari ko, kahit anak mayaman ito ay hindi ko ito uurungan! "So ikaw ang Maine na sinasabi ni Clem?" Taas-kilay nitong sabi habang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, sinalubong ko ang mapanuring mga mata niya akala ba nito masisindak ako sa pagtaas-taas ng kilay niya. "Yes ako nga si Maine, Maine Sanchez ang girlfriend lang naman ng lalaking linalandi mo!" Mataray kong pakilala rito. "Is that true Alden na girlfriend mo nga ito?" Ang tila naghihinakit pa niyang sabi, kitang-kita ko pa ang pagtatagis ng ngipin at pagkuyom ng magkabila niyang palad. Maiksi lang niya akong tinapunan, nawala ang kabang namamahay sa dibdib ko ng sagutin na nga ni Alden ang nakabitin tanong ng kakambal ni Soujhiro. "Yes were officially on na Bridgette, so if you don't mind may pag-uusapan lang kami ng nobya ko." sabay ng paghawak niya sa kanan kong kamay ay mabilis na niya akong hinila papasok ng kanilang villa. Patuloy niya lamang akong hinihila. Hindi ko alam kong saang parte na kami ng villa naroroon, nang hindi ako makatiis ay tumigil ako sa paglalakad na naging dahilan naman upang mapahinto siya sa paglalakad. "Saan mo ba ako dadalhin huh, Alden. Ano ang ibig mong sabihin sa huling pangungusap mo, ano naman ang pag-uusapan natin?" Nanatili pa rin siyang nakatalikod kahit hindi siya nakaharap sa akin ay ramdam ko ang namumuong tensiyon rito. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at lumapit sa kinaroroonan ko, bigla ang pagsalsal ng kaba sa aking puso. Tumigil lang siya sa paglapit sa 'kin ng ilang dangkal nalang ang layo niya sa mukha ko. Kung gagalaw ang isa sa amin tiyak magkakadikit na ang mga labi namin. Kasalukuyan akong nagugulumihan sa samo't-saring emosyong sumasalakay sa akin ng bigla ay nagsalita ito. "Natutuwa ako Maine sa totoo lang, but at the same time gulong-gulo. Totoong mahal na kita, na sana ang sinabi mo kay Bridgette at sa buong team ay totoo sa puso mo. Pero maski ganoon na nga pagkakasabi mo parang may kakaiba pa rin. Iba ang sinasabi mo pero taliwas naman iyon sa ikinikilos mo." nanatili lamang akong nakatitig rito at ramdam kong nasasaktan ito. Bumukas-sara ang mga labi ko pero sa huli nanatili itong tikom, maski ako'y gulong-gulo na. "I-I'm sorry Alden masyado lamang siguro akong nabigla kanina kaya nasabi ko iyon.'' biglang naiyuko kong sabi at akma ko na sana siyang tatalikuran ng mabilis niya akong pinigilan sa kamay. Hinila niya ako palapit sa kaniya. kasabay niyon ang pagbulong niya sa akin ng mga katagang iyon. "Ang hirap mo namang basahin Maine, sa ngayon ang gusto ko lamang mangyari ay ito." kasabay niyon ang pagbaba ng mga labi niya sa mga labi ko. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ako nakagalaw, ramdam ko ang napakalambot niyang mga labi sa akin. Dahan-dahan kong iniyakap ang mga braso ko sa matikas niyang katawan. Nagpatangay ako sa mainit niyang halik hinayaan kong pumikit ang mga mata ko at tuluyang magpaalipin sa kaniyang mga nag-aalab na halik, ngayon ko lamang naramdamam ang ganitong klase ng damdamin. Iyon bang, parang tumigil ang pag-inog ng mundo. Na parang kayo lang ang magkasama sa oras na iyon. Isang tikhim ang narinig namin ni Alden upang maputol ang kakaibang mahikang bumalot sa amin, dahil sa hiya ay napayuko nalang ako at dinama ang mga labi kong mamasa-masa pa dahil sa namagitang halikan sa amin ni Alden. "What's up brother ang akala ko nasa pool kayong lahat, sorry at naabala ko yata kayo ng syota mo." ang pamilyar at baritonong sabi ng boses. Agad kong itinaas ang aking mukha. Hinayaan kong magkasalubong ang mga mata namin. "A-Ayos lang bro. May pinag-uusapan lang naman kami ni Maine." ang agad na sabi ni Alden matapos hamigin niya ang sarili, maski siya'y tila nasa espirito pa rin ng nangyaring halikan sa pagitan namin. Muli natuon ang pansin ko sa lalaking nasa harapan namin ni Alden, wala namang ipinagbago ito, bukod sa lalo pang kumisig. Siya parin naman ang dating Greg Vriganza na kilala ko, anim na taon ang agwat niya sa akin. Tulad ng inaasahan ko naroon ang kakaibang tensyong lumulukob sa akin sa tuwing nakakaharap ko ito, ngunit hindi ko na hahayaang maging kawawa ako sa harapan niya. Salamat sa mga panahong nakalipas na naging mas palaban na ako at nagmature na rin sa pagdaan ng mga panahon, kitang-kita ko ang pagsasalubong lang naman ng mga makakapal niyang kilay. Hindi siguro niya aakalaing makikita pa niya ako. Matapos ang tatlong taon, ang akala niya ay ipagsasawalang-bahala ko ang ginawang pag-iwan niya sa akin noon! No way! Puwes! makikita niya ngayon ang ibang Maine Sanchez na marunong ng lumaban, ang dating inosenti at umiiyak lang sa tabi na Maine noon ay matagal ng wala dahil sa ginawa niyang pang-iiwan at pagpapaasa sa akin dati! Ang hapdi at kirot na ipinaranas niya sa akin nay ipararanas ko ngayon sa nag-iisa niyang kapatid! Heto ang GANTI KO na kailanman hindi nila makakalimutan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD