NAGLALAKAD na ako ngayon sa hallway as usuall lahat sila eh nagtitinginan sa akin mapalalaki man iyan o mapababae. Kahit iyong mga may jowa na eh nakatingin rin sa akin.
Masisi ko ba sila kung ganyan sila makatingin, kahit ayaw kong makakuha ng pansin sa mga kapuwa ko estudyante eh hindi ko na kasalanan iyon they always act like that.
Hindi ako kagandahan but I have the body na gugustuhing makuha ng kung sino mang adan.
Taas-noo parin akong naglalakad habang hawak-hawak ang mga librong kipkip ko sa aking braso, tila model akong patuloy na naglalakad.
Mataray ako at may pagkamaldita kung umasta, pero sa totoo lang ay kabaligtaran niyon ang totoong ako.
Muli ay nagbalik sa kasalukuyan ang isip ko. Nang makarinig ako ng sigawan. Awtomatiko akong bumaling sa pinagmulan ng ingay. Nagsimula akong mataranta ng natabig ako ng isang lalaki na nakabasketball jersey.
Isang tili nalang ang kumawala sa kissable kong lips at agarang napapikit ako dahil tiyak na lalagapak na ang matambok kong puwet sa sahig.
Ayaw kong makita ang nagtatawanang reaction ng mga kapuwa ko estudyante. Mahigpit kong niyakap ang librong hawak-hawak ko.
Nang maramdaman kong may humila sa akin. Mayamaya'y naramdaman kong nakakulong na pala ako sa mga bisig ng kung sino man.
"Are you okay Maine?"
Dahil sa pagkakabanggit sa pangalan ko ay agad kong idinilat ang mga mata ko. Napaharap ako rito at sa nanlalaking mga mata bigla nalang kumabog ng pagkalakas-lakas ang puso ko.
"HELLO Maine we meet again, by the way I'm sorry natabig kita."
Hinging paumanhin ko rito.
Bakas sa mukha niya ang labis na pagkagulat, napaawang pa nga ang mga labi nito na tila kinikilala pa ako. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
"Hindi mo na ba ako nakikila ako iyong naghatid sa iyo kagabi sa bahay niyo," pageeksplika ko rito. Bigla namang nag-iba ang reaction niya, sa pagkabigla ay naging mataray na naman.
Nagulat pa nga ako ng bigla na lamang niya akong tinabig palayo sa kaniya, mabilis niyang inayos ang bestidang nakusot at taas noong tumingin sa akin.
"Yes I still remember you hindi naman ako makakalimutin," sagot niya habang pinaglipat-lipat nito ang magaganda niyang mga mata sa akin at sa may likuran ko kaya awtomatikong napasulyap mula roon.
Bigla kong naalala na kasama ko pala ang mga kateam-mate ko sa basketball.
"Sorry Maine but we have to go, may practice game kasi kami ng team ko. So see yah around o kung gusto mo manuod ka ng practice. . ." Pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad na siyang nagsalita.
"I'm sorry Alden pero may klase pa kasi ako at full load ang schedule ko today. So if you don't mind may aasikasuhin pa ako." pagtataray niya, agad na rin siyang naglakad palayo.
Ewan ko ba tila nakaramdam ako ng kalungkutan sa sinabi niya. Nang bigla ay marinig ko ang boses ni Soujhiro sa likuran ko.
"Tara na Alden." Napatango nalang ako at pilit na nginitian ang mga kateam-mate ko. Bigla eh nawalan ako ng ganang makipagpractice game.
Nang maramdaman ko ang magaang dantay ng braso ni Clem sa balikat ko.
"Hey! pare 'wag mo na kasing pagaksayahin ng oras ang mga ganoong klase ng babae. Madami pa namang iba diyan na babagay sa iyo." pampalubag niya sa akin kahit kailan talaga eh kilalang-kilala na talaga ako nito. Magbestfriend na kasi kami nito since elementary.
Nginitian ko nalang siya at tinanguan para hindi na humaba pa ang usapan namin tungkol kay Maine, magbabanggit lang na naman kasi siya ng mga 'di kanais-nais na bagay tungkol rito.
Kahit papano eh nasasaktan ako para kay Maine. Dahil sa mga naririnig kong chismis sa kaniya dito sa campus, ewan ko ba alam kong may dahilan bakit naging play girl ito at halos sirain na nito ang buhay.
Wala akong karapatan na makaramdam ng ano mang katiting na awa rito pero hindi ko talaga mapigilan lumapit dito.
Gusto ko siyang matulungan na magbagong-buhay kong kinakailangan, hindi ko pa tiyak kong bakit sobra-sobrang concern ang pinapakita ko rito.
Nakikita ko lamang siguro rito si Shane ang bunso kong kapatid, oo iyon lang siguro ang dahilan.
Agad na akong tumayo sa bench ng makita kong pinapapila na kami ni Coach Orlie for warm up session isang buntong-hininga na lamang ang ginawa ko bago ako tuluyan lumapit sa aking mga kateam-mate.