AGAD akong bumaba ng huminto ang kotse ni Alden sa tapat namin. Tila nahihiya pa nga siya,habang nakatitig sa akin.
Haiysst! Ayaw ko talaga sa mga lalaking katulad ni Alden, Tsk! ang akala siguro niya magiging close na kami.
No way! It's against my rules. I will never ever be nice to this kind of person. Like the old time Greg. . .
Owh! cut the none sense and bad memories of my past!
"So alis na ako Maine have a sweetdream."
" Okay salamat sa paghatid," ang tila wala sa huwisyo kong sabi.
Kasabay ng pagpasok ko sa maliit na gate namin na medyo nakukupas na rin ang pintura nito. Habang sinasara ko ang gate, nahuli ko pa siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Urgh! Sa totoo lang ang guwapo nyang ngumiti. Hindi katulad ng mga ibang lalaki may pagkamanyak effect kasi ang mga klase ng titig nila pagdating sa 'kin.
But Alden, the way he glance? Napakagentleman. Ang cute tignan ng dalawang dimples nya sa pisngi. Pero 'di puwedi, tulad rin siya ng ibang lalaki!
Hanggang sa makarating ako sa itaas ng bahay namin kung nasaan ang aking kuwarto, sakto namang palabas si mudra.
Tila umuusok na naman ang ilong nya sa galit.
"Hoy Maine! saan ka na naman nagpupunta gabing-gabi na, kung saan ka na naman gumagala!"
Urgh! nais takpan ng dalawa kong palad ang tainga ko dahil sa ingay ng mama ko.
Blah. . . Blah . . Blah. . .
Ilang minuto pa ang nagdaan bago siya tumigil sa panenermun sa akin. Hanggang sa siya na ang kusang tumigil at pumasok sa sarili niyang kuwarto.
Agad naman akong nagpunta ng banyo at hinayaang maglandas sa aking katawan ang maligamgam na tubig.
Habang nakapikit unti-unti naman gumitiw sa aking isipan ang guwapong mukha ni Alden.
Isang mapanuksong plano ang nabuo sa aking isipan.
"Ikaw ang kusang pumasok sa buhay ko Alden, kaya kusa ka rin aalis at pagsisihan mo kung bakit pumasok ka pa sa magulo kung mundo." bulong ko habang dahan-dahan kong pinatay ang tubig sa shower.
NASA harap ng mga bandang kumakanta ang isip ko at tahimik na nakikinig sa kinakanta nilang awitin.
Nang umupo sa aking tabi si Alden, maigi ko siyang tinitigan habang hindi maalis sa kanyang mga labi ang napakatamis niyang ngiti.
Lumipad naman agad ang tingin niya sa 'kin.
"Owh bakit Clem?" Tila masaya pa niyang panimula.
"Dapat ako ang magtanong sa iyo niyan pare."
"Ang alin?" Pagtatakang-tanong pa niya sa akin, tila nga naaliw pa ang loko.
"Iyang pangiti-ngiti mong iyan, alam kong may ibig sabihan iyan pare," walang ano-ano kong sabi habang tumayo na at marahan siyang inakbayan.
"Isang gabi pa lamang pare, mukhang nakascore ka na kay Maine ah. Maine the playgirl." Dahil sa sinabi ko biglang naglaho ang ngiti niya.
"Pwedi ba pare kung lasing ka na manahimik ka nalang."
Unti-unti akong umupo sa tabi niya, hindi nalang ako umimik baka kung saan pa mapunta ang usapan namin at magkasuntukan pa kami. Sa totoo lang may tama na ako.
"Alden hindi ko naman sinisiraan si Maine sa iyo actually sinasabi ko lang ang totoo para mabalaan kita, ayaw ko lang na maisama ka niya sa mga pinaglaruan niya." Taos sa loob kong sabi.
Muli napangiti lang ulit si Alden at nagwikang.
"Kaya ko naman ang sarili ko pare at lagi kong nasa isip ang babala mong iyan, but as of now I enjoy being with her as if there's something especial about her," masaya pa niyang salaysay.
Hindi nalang ako umimik at hinayaan nalang siya.
"Ikaw bahala pare, pero oras na pinaiyak ka niya 'wag mong maisagot-sagot sa akin na hindi kita binalaan, " huli kong sabi sa kanya habang inumpisahan na ngang talakayin ni Soujhiro ang tungkol sa nalalapit na kumpetisyon ng Basketball Championship League sa aming eskuwelahan.