CHAPTER FOUR

483 Words
HABANG binibigkas niya ang mga walang kuwentang bagay tungkol sa kaniyang sarili, tila may kung ano ang nasaling sa kaloob-looban ko. Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, mabilis kong hinila ang kamay niya at mahigpit siyang niyakap. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at niyakap ko siya. Hind ko kasi makayang marinig mula sa bibig niya ang mga pinagsasabi niya. Siguro nga tama siya, wala na talaga ako sa tamang pag-iisip dahil sa padalos-dalos kong hakbang. Habang yakap siya, amoy na amoy ko ang pinaghalong alak at yosi. Ngunit hindi iyon ang pumaibabaw sa magulo kong isip. Kung gaano kagaan ang aking pakiramdam sa mga oras na iyon. Para bang tumigil ang lahat sa paligid namin. Ngunit agad ko rin siyang binitiwan ng mula sa likuran ni Maine kitang-kita ko ang paglapit ni Clem. Tila naasiwa kami sa nangyari sa pagitan namin. Kaya upang hindi kami makatitig sa isa't-isa. Nag-alis muna ako ng bara sa lalamunan. "Alden, nasa loob na pala sina Suojhiro at Cuzhniel." Umpisa ni Clem, habang lumipad ang tingin niya sa tahimik na si Maine. "Ganoon ba, sige sunod na ako. Ihahatid ko lang muna si Maine sa kanila saka ako babalik." Tinitigan muna ako ng kaibigan ko saka siya tumango at naglakad na ulit pabalik sa Al Fresco. Mataman kong tinitigan ang tahimik pa rin na si Maine. "Ihahatid na kita." Ang pantawag pansin ko sa kaniya. Inis pa siyang napatingin sa akin, ngunit nag-umpisa na rin naman siyang sumunod sa akin upang sumakay sa dala kong kotse. Nang makarating kami sa kotse ko. Halos nanlaki ang mga mata ni Maine. "Wow! Ito ba 'yung latest na model ng Ferarri?" Tila naee-starstruck na tanong sakin ni Maine. "Ah oo," sagot ko sa kaniya habang pinagbubuksan siya ng pintuan. "Have a seat and enjoy the ride," nakangiti kong sabi, agad na akong umupo sa harap ng manibela. Lalo namang lumuwang ang ngiti niya dahil sa ginawi ko. "Sure I will," sabi naman niya habang ipinilig nito ang ulo niya sa bintana ng kotse. Dahan-dahang umandar ang kotse hanggang nasa gitna na kami ng daan. "Napakamahal siguro ng bili mo rito?" Nakangiti niya pa rin sabi, habang inililibot niya ang paningin sa kotse. "No I did'nt buy it, It's my parents idea na bilhan ako ng kotse para kapag may lalakarin raw ako meron daw akong gagamitin." "I see napakapalad mo naman sa mga magulang mo." "Yup pero wala naman akong pakialam sa kung ano ang ibigay nila. Mas gusto ko sana ang simpleng buhay." Kasabay ng pagkakabanggit ko sa mga katagang iyon, ay ang pagbaling ng aking mga mata sa kaniya. Tila may 'di nakikitang hibla ng lubid kaya upang mapatingin din siya sa aking mga mata. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan nang . . . "Kung ako sa iyo sa daan ka nalang tumingin, kabago-bago ng kotse mo baka kung saan pulutin ito, ang mahal pa mandin kaya nito." Napangiti nalang ako sa sinabi niya at hindi na muling umimik. Muli itinutok ko ang aking tingin sa harapan. Hanggang sapitin na namin ang lugar nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD