Kabanata 1
Kabanata 1
Aylah
"Daddy, Mommy!" malakas na sigaw ko.
Hanggang sa nagising ako na naliligo ako ng pawis. Halos gabi-gabi kung napanaginipan ang armadong lalaki na bumaril sa mga magulang ko. Kitang-kita ko kung paano niya barilin ang aking ama at ina. Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki na bumaril sa mga magulang dahil nasa likod ako noon ng malaking drum. Tanging naalala ko lang sa lalaki na yun ay may tattoo siya sa kanyang braso na kambal na dragon ng alisin niya ang suot na jacket.
Pagkatapos barilin ng lalaki ang mga magulang ko umalis siya at iniwan niya na duguan sila Daddy at Mommy. Nang wala na akong naririnig na kahit na anong ingay ay lumabas ako sa likod ng drum. Si Papa ang nagtago sa akin sa drum na iyon huwag daw ako lumabas kahit anong mangyari. Kung mahal ko raw sila ni Mommy ay dapat daw ay makinig ako sa kanila. Nanginginig ang buong katawan ko at nakatulala ako na makita ko ang mga magulang ko na nakahiga na naliligo sila ng sarili nilang dugo. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang unang lalapitan ko.
Hindi ako makahinga at hindi ko rin ma ibuka ang bibig ko. Pakiramdam ko ay barado ang aking lalamunan. Umiyak ako na hindi ko alam kung saan ako pupunta para humingi ng tulong hindi ko alam kung ang hihingian ko ng saklolo.
"Daddy, Mommy! Please gumising kayo huwag n'yo akong iiwan Mommy, Daddy Mommy. Natatakot na po ako Daddy gumising kayo ni Mommy!" sigaw ko na walang tigil ang patak ng aking luha sa aking pisngi.
Nang nararamdaman ko na gumalaw ang kamay ni Daddy ay nagulat dahil hindi ako iniwan ni Daddy. Napangiti ako.
"Anak Aylah Navarro, my princess." Sabi sa akin ni Daddy nahihirapan siyang magsalita.
Inutusan niya ako na tanggalin sa leeg niya ang kwintas niya. Ingatan ko raw ito ang kwintas dahil good memories daw iyon sa kanila ni Mommy. Huwag na huwag ko raw alisin sa leeg ko kahit anong mangyari dahil kahit nasa langit na sila ni Mommy ay lagi ko raw silang kasama. Sabi ni Daddy sa akin may taong darating daw kapatid daw ni Mommy Tito ko raw siya at siya raw ang mag-aalaga sa akin. Lagi raw ako magpapakabait. May iba pang sinasabi sa akin si Daddy wala na akong maintindihan dahil nahihirapan na siyang magsalita nag-aagaw buhay siya sa sarili kung kamay. Mas lalo akong umiyak dahil sa unti-unti ng pinipikit ni Daddy ang mga mata niya.
Nilingon ko si Mommy na nakapikit din ang kanyang mga mata. Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan may mga police na dumating. Nakita nila akong nasa gitna ako ng aking magulang na hawak-hawak ko ang kanilang kamay.
Nakatulala ako at hindi nagsasalita ng tinatanong ako ng isang police. Hanggang sa may isang lalaki na dumating ng makita niya si Mommy ay isinigaw niya ang pangalan ni Mommy. I looked at him na umiiyak na lumapit kay Mommy.
Ilang sandali ay nilingon ako ng lalaki. Paglingon niya sa akin ay natatakot ako sa kanya dahil pulang-pula ang mga mata katulad din sa akin.
Hanggang sa nginitian niya ako at niyakap. Akala ko ay bad siya pero hindi pala dahil mabait siya. Iyak ako ng iyak ng buhatin nila ang bangkay ni Mommy at Daddy. Mula ng mawala ang mga magulang ko ay si Tito Romeo na ang nag-alaga sa akin. Binigay ko rin ang bag na itim kay Tito Romeo sabi sa akin ni Daddy ay pera ko raw iyon. Walong taong gulang palang ako noon. Nang nasaksihan ko ang insidente na nangyri sa dalawang magulang ko.
Saturday morning 9:30 am. Masakit ang buong katawan ko ng magising ako dahil napanaginipan ko na naman ang labing apat na taon na nakalipas. Kung may kakayahan lang ako at may pera ay gusto kung hanapin ang taong bumaril sa mga magulang ko.
I shook my head kung anu-ano naman ang pumapasok sa isip ko. Bumangon ako dahil ala ona na ako dumating ng umaga galing trabaho. Isa akong waitress sa gabi at sa hapon naman ay binabantayan ko ang maliit na store na pag-aari nila Tito at Tita.
Ilang sandali ay lumabas ako ng aking kwarto para gumawa ng aking almusal. Paglabas ko ay ang Tita Angel ang nabungaran ng mata ko. Hindi talaga bagay sa kanya ang Angel na pangalan dahil super matapobre na babae. Minsan kinakalma ko lang ang sarili ko dahil nirerespeto ko siya.
"Mabuti na isipan mo pang bumangon," mataray niyang sabi sa akin.
Ni minsan ay walang lumabas sa bibig niya na good morning kapag ako ang kaharap siguro pinanganak ito ng kanyang magulang kumikidlat dahil sa tinik ng boses parang may ilang microphone kung sumigaw. Mabuti malakas ang kapit ng ugat niya sa leeg kung siguro nabitas na ang mga ugat.
"Good morning ate Aylah, kung wala kang pasok mamayang gabi isasama kita sa batch reunion namin sa high school. Ayaw kasi akong samahan ni ate Casey may date raw." Bulong sa akin ni Carmina sa aking punong-tenga.
"May pasok iyan si Aylah, sayang ang gabi na sahod niya kung siya ang isasama mo Carmina." Galit na sabi niya sa kanyang anak.
"Actually Tita wala po akong pasok ngayon," saad ko.
Parang hindi pa nagustuhan ni Tita ang sinabi ko. Iniwan niya kami na walang paalam niyakap naman ako ni Carmina dahil ako ang makakasama niya sa event. Siya lang ang mabait sa akin. Ang ibang niyang kapatid ay on and off ang mood nila sa akin.
Pagpasok ko ng kusina ay hindi man lang nila hinugasan ang pinagkainan nila. Ako yata ang hinintay nila para hugasan ang mga plato. Parang wala silang kamay sa inis ko habang naghuhugas ako ng plato muntik na akong makabasag ng baso.
Mabilis lumipas ang oras nasa gym na kami ni Carmina kung saan gaganapin ang batch reunion party nila. Namiss ko dati ng high school pa ako dito rin namin ginaganap kung may okasyon kami na batch. Matanda ako kay Carmina ng dalawang taon pero kung tingnan parang siya pa ang matanda sa akin dahil sa kapal ng kanyang makeup.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil tinawagan ako ng manager ng restaurant na kung free daw ako mamaya at 1:00 pm in the afternoon dahil may nagpa-reservation sa restaurant may party daw na gaganapin. Dahil wala naman akong gagawin ay sumang-ayon agad ako. Grasya na ang lumapit sa akin kaya hindi na ako tumanggi sa grasya.
Isang message din dumating group chat namin na magkakaibigan sa pinapasukan namin na restaurant. Dahil sure na may malaki kaming tips na makukuha after ng party. Dahil gusto kung dagdagan ang ipon ko dahil gusto ko na talagang umalis dito dahil kahit galing ako trabaho ay ginagawa pa rin nila akong utusan maliban lang kay Carmina at Tito Romeo pagod pa ako sa trabaho pagod din dito sa bahay.
Nang nasa restaurant na ako ay maraming mga mayayaman na tao ang dumating. Magaganda ang kanilang mga suot. Hindi kaya ng bulsa ang mga suot. Naging busy kaming lahat dahil lunch party sila. Hindi kami mapakali dahil kahit saan kami lilingon ay mga gwapo ang nakikita ng mga mata namin. Hindi namin nararamdaman ang pagod dahil nakakawala pala ng pagod ang mga gwapong billionaire. Pangiti-ngiti naman kami dahil ito rules ng restaurant na ito smile face ang gawin.
Hanggang sa natapos ang party. Para kaming nalantang dahon dahil ang iba ay sa sahig na umupo sa pagod. Ako naman ay tamang kape lang ay sapat na. Nauna akong umuwi sa kanila dahil mas gusto pa ng iba dito muna sila. Dahil kung uuwi daw sila hindi rin daw sila nakakarest sa kanilang bahay.
Paglabas ko ng restaurant ay may biglang humila sa kamay ko. Halos mahulog ang puso ko ng makita ko ang lalaking maitim ang mukha na may hawak na baril at tinutok niya sa ulo ko.
"Sabihin mo sa Tito Romeo na kung hindi niya babayaran si bossing ng sampung million ay humanda siya kay boss. Nakikita mo ba ang baril na'to? Iyan ang kukuha sa buhay ng Tito mo. Utang ng utang hindi niya naman kayang bayaran!" galit na galit ang lalaki. Tumango ako sa takot. Habang pauwi ako hindi nabubura sa isip ang nakita ko na baril kanina.
Bago pa binaba ng lalaki kanina ang baril niya sa noo ko ay muli pa niya akong tinakot. Tinulak ako ng lalaking walang awa, bakit ako ang kinausap? Sa takot ko ay naiyak ako sa kaba lalo na makakita ako ulit ng baril ayokong alalahanin ang nakaraan ko dahil ilang taon din akong na trauma noong mawala ang sila Dad at Mommy.
Ako yata ang ma-heart attack ng marinig ko ang sampung million na halaga. Saan kukuha si Tito ng sampung million piso? Paano nakautang si Tito ng ganun kalaki na pera? Maraming tanong sa isip ko habang nagbabantay ako ng bus nanlalamig din ang buong katawan ko.
Nilingon ko ang lalaki ay wala siya roon sa kinatatayuan niya nakahinga ako ng maluwag. Nang dumating ang bus pinara ko agad at nagnmadali ako na pumasok sa loob ng bus. Maraming tao sa loob ng bus at siksikan ang mga tao. Iba't-ibang amoy ng mga pasahero. May amoy shampoo, perfume, pawis at iba pa.