Kabanata 48 AYLAH Nagising ako na yakap-yakap ako ni Dominico. Nakadapa ako sa matigas niya na dibdib. Hindi ako gumalaw dahil ayokong magising siya. Isa na akong Aylah Douglas asawa na ako ni Dominico hindi pa rin akong makapaniwala na hahantong kami sa ganito. Hinalikan-halikan ko ang kanyang dibdib. Nararamdaman ko nakikiliti siya sa ginagawa ko sa kanya. I saw him, ngumiti siya nagpapanggap yata na tulog. "Gising na Dominico tanghali na. Nagugutom na kami ni baby." Nagmadali siyang bumangon akala mo naman ay binuhusan ng malamig na tubig. "Saan ang kusina?" lumakas ang tawa ko, baka nakakalimutan niya walang kusina dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin kami. After kasi ng konting kasiyahan at pictorial namin ay umuwi rin ang mga kasamahan namin. Iniwan nila kami para ma-enjoy

